Ang Maging Sentensyador

SHARE:

Ang pamosong sentensyador na si Berong Javellana Napaka-importante nang ginagampanan ng mga sentensyador sa sabong. Sila kasi ang nag...

Ang pamosong sentensyador na si Berong Javellana

Napaka-importante nang ginagampanan ng mga sentensyador sa sabong. Sila kasi ang nagdidesisyon kung aling manok ang nanalo. Hindi biro ang trabahong ito dahil kinakailangan na matalas ang mata mo sa laban. Alam mo dapat kung aling manok ang huling tumuka para masabi mo kung sino ang sa nanalo, ang meron ba o ang wala? Kung hindi, malamang makatatanggap ka ng reklamo mula sa mga may-ari ng manok. Kailangan pa tuloy rebyuhin ng committee para malaman nila kung kinakailangan pang baguhin ang iyong naging desisyon o hindi na. Kunsabagay, wala namang sentensyador na perpekto. Pero kung sadyang nandaya ay ibang usapan na ito.

Bukod sa pagkakaroon ng matalas na mata, importante rin na maging tapat ka sa iyong trabaho. Hindi naman maikakaila na mayroong mga corrupt na sentensyador. Karaniwang matatagpuan sila sa maliliit na sabungan. ‘Yun bang nakikipagsabuwatan sila sa may-ari ng manok para ipanalo ang kanilang laban. Kung ikaw ay isang sentensyador, please lang huwag na huwag kang mandadaya. Kung sakali mang may lumapit sa iyo dahil gusting panaluin ang kanilang manok, tanggihan agad ito. Isumbong mo sa management para ma-ban sa sabungan. Huwag ipagpapalit ang karangalan para sa salapi na ibabayad nilaa iyo. Kung ang kapalit naman nito ay pagkatanggal sa trabaho at pagkasira ng reputasyon.

Ang trabaho rin ng sentensyador ay lubhang napakadelikado. Mayroon kasing posibilidad na matamaan ng tari. Kaya’t kinakailangan lang na maging maingat habang ginagampanan ang trabaho. Pero ang iba, naglalagay sila ng protection gear sa kanilang pulso. Mahirap na at baka matamaan pa ng tari. Siyempre, mayroon din namang walang suot na proteksyon. Sanayan na lang siguro. Nag-iingat na lang sila nang husto. Pero minsan kahit ano’ng ingat ay ‘di pa rin maiiwasan ang disgrasya. Gaya nang nangyari sa isang sentensyador na bigla na lang pinalo ng tari ng manok. Ipinagpapalagay ng marami na kaya siya pinalo ay dahil nakasuot siya ng jogging pants na kulay pula. ‘Di ba’t karamihan ng mga manok na inilalaban ay kulay pula?

Kapag ikaw ay isang sentenayador, kinakailangan na pagandahin mo ang iyong reputasyon. Kapag ginawa mo ito, tiyak na marami ang kukuha sa iyong serbisyo. Magkano nga pala ang maaaring kitain sa ganitong uri ng trabaho? Depende na lang ito sa financial capacity ng isang sabungan. Ayon sa isang sentensyador na aming nakausap, ang kanyang mga kliyente ay nagbabayad sa kanya mula limang libo pataas kada laban. Proud siya sa kanyang trabaho dahil napupunan niya ang lahat ng pangangailangan ng kanyang pamilya. Nakabili pa siya ng sasakyan at napapag-aral niya ang kanyang mga anak sa private school. Kaya’t maganda talagang trabaho ang pagiging sentensyador kahit sabihin pang napakadelikado nito. Ngayon, sino ang may sabing walang kinabukasan sa ganitong trabaho?


Kapag sentensyador ka ay para ka ring superstar dahil nasa iyo ang sentro ng lahat ng mga sabungero sa sabungan. Ikaw ba naman ang nasa gitna ng ruweda, eh. Bilang sentensyador, makukuha mo ang respeto ng lahat ng magmamanok. Pero ang respeto ay hindi kusang ibinibigay kundi pinagtatrabahuan ito nang husto, ‘ika nga. Kahit saan namang career, basta pagbutihin mo lang ang ginagawa mo tiyak na magbubunga ito nang maganda!

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Ang Maging Sentensyador
Ang Maging Sentensyador
https://4.bp.blogspot.com/-w2bsU-us3M8/WXV80UxOAPI/AAAAAAAADic/y1E76kVPIyUVgGcB9Qn73WkcIE23VRhtACLcBGAs/s400/IMG_0313.JPG
https://4.bp.blogspot.com/-w2bsU-us3M8/WXV80UxOAPI/AAAAAAAADic/y1E76kVPIyUVgGcB9Qn73WkcIE23VRhtACLcBGAs/s72-c/IMG_0313.JPG
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/07/ang-maging-sentensyador.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/07/ang-maging-sentensyador.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy