Ang Sinaunang Sabong sa Pinas

SHARE:

Sinasabing noong araw ay napakasimple lang ng sabong sa Pilipinas. Ang iba ay naniniwala na ang mga Kastila ang nagdala nito. Pero ‘di ...


Sinasabing noong araw ay napakasimple lang ng sabong sa Pilipinas. Ang iba ay naniniwala na ang mga Kastila ang nagdala nito. Pero ‘di ito totoo dahil bago pa man sila dumating ay nagsisilbi na itong libangan o pampalipas oras ng ating mga ninuno. Sinuportahan na lang ang sabong ng mga Kastila yamang pamilyar na sila sa ganitong isport. Sa ibang bansa kasi, kahit ang simbahan ay nag-i-sponsor ng sabong para makalikom ng pondo na ginagamit nila sa kawanggawa. May posibilidad na mga Malaysian o ‘di-kaya’y Indonesian ang nagdala ng sabong sa bansa natin.

Ayon sa kuwento ng matatandang sabungero, noong panahon nila ay wala pang hybrid chicken. Bumibili lang sila ng manok na nakalagay sa bayong sa may palengke. Ni hindi nga nila alam kung ano ang bloodline nang binibili nilang manok. Ang nagsisilbi lang diumanong  pakain sa manok ay mais, bigas at iba pa. Wala pa kasing feeds company noong araw. Ang death mortality din ng mga manok noon ay masyadong mataas dahil wala pang mga gamot na nadidebelop. Kung mayroon man, kailangan pa itong angkatin sa ibang bansa. Ibig lang sabihin, kulang na kulang ang kaalaman noon ng mga magmamanok pagdating sa medikasyon.

Wala pang gaanong sabungan noong araw. Hindi gaya ngayon na kahit saan ka magpunta, kahit sa liblib na lugar ay mayroong sabungan. Ang iba, nagsasagawa ng derby sa loob ng kanilang bakuran, pero kinakailangang kumuha ng permit sa may munisipyo.

Nang nagsimula nang mag-import ang sabungerong Pinoy sa ibang bansa partikular na sa ibang bansa, dito na nagsimulang madebelop ang pagmamanok sa atin. May mga Amerikanong breeder pa nga raw na sumali sa mga derby dito sa Pilipinas. Nang paalis na sila ay iniwan na lang nila ang kanilang mga manok sa mga kaibigan nilang Pinoy. May mga tinuruan pa ang mga Amerikanong breeder kung paano ang tamang pag-aalaga at pagbi-breed ng manok. Siyempre, inadopt ng mga Pinoy ang mga aral na akma sa atin lalo na’t iba ang klima sa Pilipinas.

Doon na rin naging pamilyar ang mga sabungerong Pinoy sa iba’t ibang klase ng bloodline gaya ng Sweater, Kelso, Hatch at iba pa. Hanggang ngayon maraming mga Amerikanong breeder ang tila naging household name na (buhay man o patay) gaya nina Foster Kelso, Billy Rubles, Johnnie Jumper, Mel Sims, Carol Nesmith at iba pa. Bakit hindi? Eh, naipangalan sa kanila ang mga manok na kanilang pinalahi. Ang ginawa na lang ng mga Pinoy, nagtimpla rin sila ng kani-kanilang bloodline gamit ang mga imported na manok at isinunod din nila ang pangalan ng manok sa kanila o ‘di-kaya’y sa kanilang farm.

Noon, konting pangalan lang ang angat sa mundo ng sabong. ‘Yung mga bigtime lang, ‘ika nga. Siyempre, sila ang may access sa imported na mga manok. Direkta pa silang kukuha ng manok sa Amerika. Isa pa, limitado lang din ang kaalaman ng mga magmamanok noon. Hindi gaya ngayon na ang impormasyon ay nagkalat kung saan-saan. Mapa-telebisyon, dvd, magasin at internet.

Ibang-iba na talaga ang sabong ngayon at palago ito nang palago sa pagdaan ng mga araw. Salamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa natatanging isport na ito. Kung wala sila, marahil ay ‘di magiging ganito kasigla ang sabong sa Pilipinas. Siyempre, ang lahat ng bumubuo sa industriya ng sabong ay may kontribusyon sa paglago nito.


COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Ang Sinaunang Sabong sa Pinas
Ang Sinaunang Sabong sa Pinas
https://1.bp.blogspot.com/-huCVhvIM82s/WXatiZvdSkI/AAAAAAAADjI/kohnyeMq8LYcSMTpGQUKamgbQCHOk-0GACLcBGAs/s400/Screenshot_57.png
https://1.bp.blogspot.com/-huCVhvIM82s/WXatiZvdSkI/AAAAAAAADjI/kohnyeMq8LYcSMTpGQUKamgbQCHOk-0GACLcBGAs/s72-c/Screenshot_57.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/07/ang-sinaunang-sabong-sa-pinas.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/07/ang-sinaunang-sabong-sa-pinas.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy