Mag-ingat sa Mga Bogus Gamefowl Seller

SHARE:

            Maraming fake sellers ang nagkalat sa internet kaya’t dapat na maging maingat kapag bumibili ng manok online. Nagpu-post sila...


            Maraming fake sellers ang nagkalat sa internet kaya’t dapat na maging maingat kapag bumibili ng manok online. Nagpu-post sila ng magagandang picture ng manok sa Facebook o sa iba pang selling sites. Dahil dito ay nagkakaroon ng interes ang ilang makakakita ng post. Umaasa silang kapag bumili sila sa seller ay makukuha nila ito. Pero ang masama, pagkatapos nilang magpadala ng bayad, ang seller kuno ay ‘di na ipapadala ang inorder na manok. Napakasakit nito sa parte ng buyers dahil ang pinaghirapan nilang pera ay nawala nang ganun-ganun na lang. Wala silang ibang magawa kundi ang magalit at ipaskil ang picture ng taong nanloko sa kanila.’Yun nga lang ay ‘di rin sigurado kung sila nga ang nasa picture dahil baka nanggagamit lang sila ng ibang identity.

Ano ba ang dapat gawin para ‘di mabiktima ng ganitong modus operandi? Kinakailangan na maging maingat tayo palagi sa mga taong nakikilala natin sa internet dahil ‘di naman natin sila kakilala ng personal. Walang masama na magtiwala, pero bago ito gawin dapat siguraduhin na tamang tao nga ang pinagkakatiwalaan at ‘di isang fake seller. Ang unang dapat gawin ay i-background check muna ang seller. Totoo ba ang manok na kanilang ibinenta o baka kinuha lang nila ito sa ibang tao. Saan matatagpuan ang kanilang manukan? May mga nakabili na ba ng manok sa kanila online? May nakikita ka bang patotoo galing sa mga taong nakabili na sa kanila. Kung meron man, satisfied ba ang mga ito sa ipinadalang manok ng seller?

Sa kabilang banda, mayroon din namang seller na ‘di peke. Nagpadala sila ng manok sa buyer, pero ang problema maling manok naman ang ipinadala. Imbes na ipadala ang manok na nasa picture, ang ipinadala ay manok na low quality o kaya naman ay mayroong diperensya. Isa itong maliwanag na panloloko dahil ‘di sila totoo sa ipinapaskil nila sa internet. ‘Di ba nila alam na masisira ang kanilang reputasyonsa ganitong istilo? Maliban na lang kung talagang intensyon nila ang manloko.

Mayroon din namang nagrereklamo dahil ang nabiling manok ay losing line raw. Pagkatapo ipagkakalat nila sa social media na huwag bumili ng manok sa ganitong breeder dahil pangit ang mga manok nito. Pero kapag ganito ay ibang usapan na ito. Baka mas magaling o masuwerte lang ang manok ng kalaban.Maaari ring may mali sa pagkukundisyon, pagtatari, etc. Kung alam naman palang bulok ang nabiling manok, ‘di na sana ito inilaban pa.

Kapag bumibili ka ng manok online ay sumusugal ka rin. Di mo naman kasi nahahawakan ang manok. Maliban na lang kung personal kang bibisita sa manukan ng seller. Pero kaya nga may internet, ‘di mo na kailangan pang pumunta nang malayo para lang makabili ng manok. Basta maging maingat lang sa pakikipag-transaksyon. Meron din kasing mga tao na ginagamit ang pangalan ng mga kilalang breeder para makapanloko. Huli na nang malaman nila na ang kausap nilang tao ay iba pala.   

              Kung mayroon mang fake seller na nagbabasa sa post na ito, pakiusap lang itigil na ang masamang gawain. Ang sabong ay binubuo ng mga tapat na tao kaya’t huwag itong sirain. Maaaring makapambiktima ng isa, dalawa, tatlong beses o higit pa. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakapambiktima dahil mayroon tayong tinatawag na KARMA!


COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Mag-ingat sa Mga Bogus Gamefowl Seller
Mag-ingat sa Mga Bogus Gamefowl Seller
https://3.bp.blogspot.com/-Vb-MU73tvOs/WYAIQRkKHNI/AAAAAAAADn8/KS9WZLwjgsQ7F5Uq_tnAAHzs6TyYTCAZQCLcBGAs/s400/Screenshot_4.png
https://3.bp.blogspot.com/-Vb-MU73tvOs/WYAIQRkKHNI/AAAAAAAADn8/KS9WZLwjgsQ7F5Uq_tnAAHzs6TyYTCAZQCLcBGAs/s72-c/Screenshot_4.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/07/mag-ingat-sa-mga-bogus-gamefowl-seller.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/07/mag-ingat-sa-mga-bogus-gamefowl-seller.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy