Magagandang Katangian ng Isang Sabungero

SHARE:

Ang sabong ay ‘di lang isa basta isang sport kundi may kuneksyon din ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Mayroon itong epekto sa ...


Ang sabong ay ‘di lang isa basta isang sport kundi may kuneksyon din ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Mayroon itong epekto sa ating personalidad kung paano tayo makitungo sa ibang tao o kung paano natin tinitingnan ang mga pangyayari sa ating paligid. Bilang isang sabungero, hinuhubog ang ating pagkatao sa  hanay na ating kinabibilangan. Nailalapat natin ito kung paano natin tratuhin ang ating kapamilya, katrabaho, mga kaibigan, kapitbahay o kung sinumang tao na nakasasalamuha natin.

Ang tunay na karakter ng sabungero ay napakalayo sa inilalarawan ng mga kritiko na kapag sabungero raw ay siguradong sugarol at umiibig sa karahasan. Sa katotohanan, ang mga sabungero ay maginoo at tapat na tao. Hindi lamang tayo tapat sa sabungan kundi dala-dala natin ito hanggang paglabas. Kaya’t napakadali nating makuha ang tiwala ng ating kapwa lalo na kapag ito ay gaya rin nating sabungero.

 Sa sabungan nga ay nagagawa nating magpakawala ng pera nang walang pinipirmahan o pinanghahawakang kontrata. Salitaan lang at senyasan lang ng mga kamay ay sapat na. Pero ‘di natin binabali ang ating salita dahil mayroon tayong palabra de honor. Kung napapagkatiwalaan tayo sa ganito, sa ibang bagay pa kaya? Ipinapakita lang nito ang pagkakaroon natin ng propesyunalismo at pagiging sistematiko. Yamang ang ating hanay ay binubuo ng mga pinagpipitagang mga indibiduwal mula masa hanggang sa mga kabilang sa tinatawag na alta sosyedad.

Ang mga sabungero rin ay kilala sa pagiging palaban. Hindi lang naman ito nakalimita sa sabong kundi kung paano natin dalhin ang ating mga problema. Hindi tayo basta-basta sumusuko anumang balakid sa buhay ang ating nararanasan. Nasanay na kasi tayo sa isport natin kung saan matinding paghahanda ang ating ginagawa mula pagbi-breed hanggang sa dalhin na ang manok sa ruweda. Kailangan natin ng maraming pasensya para magtagumpay sa sabong. Alam natin na ang mga pagkakamali ay may mahalagang papel, ‘di lamang para maging mabuting sabungero kundi pati na rin maging mabuting tao. No pain, no gain ‘ika nga ng kasabihan. Lalo na’t ang kumpetisyon sa ngayon ay sadyang napakahirap kaya’t ‘di puwede ang papatay-patay.

Nakuha rin natin ang pagkakaroon ng sportsmanship sa sabong. Aamining nakakadismaya naman talaga ang matalo sa laban, pero tinatanggap natin ito ng buong puso . Ayaw nating mag-sour grapping at magsabi pa ng kung anu-ano laban sa ating katunggali. Nilalapitan pa nga natin sila para kamayan at batiin sa kanilang pagkakapanalo.

Ngayon, sino ang magsasabi na ang mga sabungero ay walang magandang asal o moralidad? Aba’y ‘yung mga galit lang sa sabong ang magsasabi nang ganun.


COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Magagandang Katangian ng Isang Sabungero
Magagandang Katangian ng Isang Sabungero
https://3.bp.blogspot.com/-o8S6DgyeeBI/WX1mK43cGMI/AAAAAAAADmQ/QKAIlVhSwVgH3LfojeymQrslyS_FoSvwgCLcBGAs/s400/IMG_0263%2B%25281%2529.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-o8S6DgyeeBI/WX1mK43cGMI/AAAAAAAADmQ/QKAIlVhSwVgH3LfojeymQrslyS_FoSvwgCLcBGAs/s72-c/IMG_0263%2B%25281%2529.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/07/magagandang-katangian-ng-isang-sabungero.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/07/magagandang-katangian-ng-isang-sabungero.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy