Pagkapantay-Pantay sa Sabong

SHARE:

Ang sabong ay napakagandang sport dahil nagsisilbi itong equalizer sa pagitan ng mahihirap at mayayamang tao. Kapag nasa sabungan ka, h...


Ang sabong ay napakagandang sport dahil nagsisilbi itong equalizer sa pagitan ng mahihirap at mayayamang tao. Kapag nasa sabungan ka, hindi ka tatratuhin na parang iba bagkus ay ituturing kang isang kaibigan o ‘di-kaya’y parang kapatid. Para bang mayroong namumuong kapatiran sa hanay ng mga maginoong sabungero. Kapag sabungero kasi, hindi ito marunong manghamak ng iba, welcome ang lahat ‘ka nga. Kaya nga komportable na pumunta sa sabungan dahil feel at home ka.

Ang maganda pa, hindi natin pinipersonal ang ating mga kakumpetensya. Alam natin na ang sabong ay laro lamang. Manok lang naman natin ang naglalaban at hindi mismong mga tao. Kaya’t bakit magkakaroon ng samaan ng loob at awayan? ‘Di ba’t pagkatapos ng laban ay makikita pang nagkakamayan ang magkabilang panig tanda nang pagiging sportsmanship.

 Kahit isa kang small time breeder ay puwede mong makatapat ang mga bigtime breeders. May posibilidad na matalo mo sila depende na rin sa husay ng iyong manok. Kapag nagkaganun, ang sarap isipin na tinalo mo si idol sa isang laban. Pero kahit ‘di ka man manalo, isa ng karangalan ang makatapat mo sila. Lalong lalakas ang loob mo na kahit sino pa ay makatapat mo sa susunod ay ‘di ka matatakot sa kanila.Total naman ay malaki ang tiwala mo sa iyong manok.

‘Di maiiwasan na may mga tao na kokontra at magsasabi na walang pagkapantay-pantay sa sabong. Ayon sa kanila, para kang nag-iilusyon at nanaginip nang gising. Ang lipunan diumano ay idinisenyo na tatsulok. Ang mayayaman ay laging nasa itaas at ang mahihirap naman ay parating nasa ibaba. Kaya nga raw may VIP area sa loob ng sabungan. Doon pa lang daw ay mayroon nang ‘di pagkapantay-pantay. Kumakain ang mga VIP sa special room na inilaan sa kanilang ng management ng sabungan. Makakaya nilang pumusta ng malaki kada sultada habang ang masa ay hindi sila kayang tapatan.

Kung iisipin, hindi naman kasalanan ng mga bigtime sabungero na ipinangak sila na may gintong kutsara sa labi. May pera sila kaya’t magagawa nila anuman ang kanilang gustuhin. Ang mahalaga, parehong ini-enjoy ng mahihirap at mayayaman ang sabong. Hindi iniinsulto nang mas may pera ang simpleng mananabong kaya’t masasabing dito ay nagkakaroon na pagkapantay-pantay.

Hindi alam ng mga kritiko, na kapag isa kang sabungero ay napakadaling lapitan nang maiimpluwensyang tao gaya ng mga sabungerong pulitiko. Kapag sa opisina mo kasi pupuntahhan ay ‘di mo sila basta malalapitan. Kailangan, mayroon pang mamagitan bago mo sila makausap. Pero kapag nalaman nila na ikaw ay isang sabungero siguradong aasikasuhin ka nila agad. Basta’t may kasamang chicken talk, game ang mga ‘yan.

‘Yan ang kapangyarihan ng sabong!



COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Pagkapantay-Pantay sa Sabong
Pagkapantay-Pantay sa Sabong
https://2.bp.blogspot.com/-Z-3EbRb53bo/WXv0HdA5RsI/AAAAAAAADlc/l9mWETxlZykPvaIY25ghSAatgaBbAsdIwCLcBGAs/s400/IMG_0343.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-Z-3EbRb53bo/WXv0HdA5RsI/AAAAAAAADlc/l9mWETxlZykPvaIY25ghSAatgaBbAsdIwCLcBGAs/s72-c/IMG_0343.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/07/pagkapantay-pantay-sa-sabong.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/07/pagkapantay-pantay-sa-sabong.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy