Sabong sa Smart Araneta Coliseum

SHARE:

Pangarap ng maraming sabungero na makapaglaban ng manok sa Smart Araneta Coliseum. Para sa iba, isa nang karangalan ang makatuntong man l...

Pangarap ng maraming sabungero na makapaglaban ng manok sa Smart Araneta Coliseum. Para sa iba, isa nang karangalan ang makatuntong man lang sa the Big Dome. Kapag narinig mo ang salitang Araneta, ano ang unang pumapasok sa isip mo? Siyempre, isa itong world class venue para sa mga event mapa-sport man o entertainment. Maraming local at foreign artist ang nagpi-perform dito. Sa larangan ng sport, dito isinasagawa ang PBA, UAAP at iba pa. Dito rin isinagawa ang Thrilla Manila, laban sa pagitan nina Muhamad Ali at Joe Fraizer na ginanap noong 1979. Hanggang ngayon, makikita pa ring naka-display ang tarpaulin ng nasabing laban.

Makakapagsabong lang tayo sa Araneta kung tayo ay sasali sa ilang bigtime derbies gaya ng World Slasher Cup na isinasagawa dalawang beses sa loob ng isang taon. Dito rin dati idinadaos ang finals ng BAKBAKAN. Siyempre, kahit ‘di ka sumali sa WSC ay puwede ka namang manood na lang para masaksihan mo ang laban ng mga kilalang personalidad sa sabong gaya nina Biboy Enriquez, Patrick Antonio, Dicky Lim at marami pang iba.

Kapag nasa Araneta ka, napaka-kumportableng magsabong. Ang buong paligid at maging ang kanilang cockhouse ay maganda. Nakari-relax dahil maayos ang ventilation. Makagagalaw ka rin nang husto dahil malawak ang espasyo. Hindi kagaya sa ibang sabungan nasaddyang masikip o ‘di kaya’y overcrowded. Maliban na lang kung napuno ng tao ang buong Araneta doon lang sumisikip. Napaka-organisado ng lahat. Pakiramdam mo ay safe ka dahil nagkalat ang security sa paligid. Kaya’t sa mga nagbabalak gumawa ng kalokohan o mandaya ‘di ‘yan uubra. Mahirap tumakas dahil bukod na sa maraming bantay ay matalas din ang pakiramdam ng mga sabungero. Walang puwang dito ang mga mananabit.

Ang maganda pa sa Araneta ay mayroon silang giant screen para madaling mamonitor ang bawat sultada. Hindi mo na kailangan pang pumuwesto sa harapan ng ruweda para lang makapanood ng maganda. Makikita mo ang laban kahit nasa nakaupo ka pa sa malayo. Nagkalat naman ang kristo kung saan-saan kaya’t napakadaling tumaya.

Marahil ang ibang tao ay nagtataka kung bakit nagkaroon ng sabong sa Araneta Coliseum. Si Jorge ‘Nene’ Araneta kasi na tumatayong presidente ng Araneta Group of Companies ay isang masugid na sabungero. Nagmula siya sa angkan ng mga sabungero. Katunayan ang kanyang ama na si Don Amado Araneta ay isang masigasig na magmamanok noong nabubuhay pa ito. Ang manukan ni Nene Araneta ay inaalagaan niya sa tabi ng kalsada sa EDSA, malapit sa Farmers Plaza. Salamat sa kanya at dinala niya sa mataas na antas ang sabong. Kapag may presscon at awarding ang WSC ay dinadala niya ang ilang Binibining Pilipinas para magsilbing muse.

Marahil ay gusto lang patunayan ni Nene Araneta na ang sabong ay ‘di isang ordinaryong laro lamang kung kaya’t nagsasagawa sila ng derbies sa kanilang coliseum.


COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Sabong sa Smart Araneta Coliseum
Sabong sa Smart Araneta Coliseum
https://2.bp.blogspot.com/-tNeAw1UCrPY/WX_2lnBMymI/AAAAAAAADns/8umiWkrQa_MwEPPC6304XvVrDGMG0YWIgCLcBGAs/s400/IMG_0329.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-tNeAw1UCrPY/WX_2lnBMymI/AAAAAAAADns/8umiWkrQa_MwEPPC6304XvVrDGMG0YWIgCLcBGAs/s72-c/IMG_0329.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/07/sabong-sa-smart-araneta-coliseum.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/07/sabong-sa-smart-araneta-coliseum.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy