Ang Kapana-panabik na Mundo ng Sabong

SHARE:

Ano ang nararamdaman mo kapag inilalaban mo ang iyong manok sa sabungan? Medyo relax ka lang ba o nakararamdam ka rin ng kaba? Mayroon ...


Ano ang nararamdaman mo kapag inilalaban mo ang iyong manok sa sabungan? Medyo relax ka lang ba o nakararamdam ka rin ng kaba? Mayroon bang pagkakataon na parang maiiihi ka na sa salwal dahil sa sobrang kaba? Kung mayroon ka lang sakit sa puso baka sa sandaling ‘yun ay bumigay na ang katawan mo. Pero mangyayari lang ‘yun kung pa-champion ka na at kinakabahan na masilat pa ang manok mo. Kung hindi naman ay kung sobrang laki nang ipinusta mo. Maliban na lang kung isa kang bigtime breeder na walang pakialam sa amount na ipinupusta total marami ka namang salapi. ‘Di kagaya sa mga small time na nakukuntento na sa minimum.

Natural lang naman sa atin ang kabahan, hindi lang sa sabong kundi maging sa iba pang aspeto ng ating buhay. ‘Di naman ibig sabihin na kapag nakararamdam ka ng ganito ay takot ka na talaga. Parte lang ito ng bawat laro. Ang kaba naman ay panandalian lang, pagkatapos magbibigay sa iyo ito ng pag-asa at motibasyon at siyrempre ng excitement. Ang mahalaga, alam mo kung paano hawakan ang iyong nerbiyos nang ‘di nahahalata ng iba. Saka may tiwala ka naman sa manok mo ‘di ba? Kung sakali mang matalo ka sa laban, alam mo naman na laging may next time sa sabong. Baka minamalas ka lang ngayon, pero bukas may tsansa na manalo ka. 

Ang maganda sa isport natin ay dalawa lang ang pagpipilian- sa Meron o sa Wala. Isa pa, sa panahon ngayon ay wala nang nagdu-dominante. Lahat ay may pagkakataon nang maging kampeon sa sabong. Kaya nga ang bawat isa ay pursigido na pagbutihin ang pagmamanok para makasabay sa iba. Lalo na't napakatindi na ng labanan sa panahon ngayon. Kahit mga backyard breeder ay maalam na sa pagmamanok.  

Sa kabilang banda, may pagkakataon ba na sa sobrang saya mo kapag nagsasabong ay nag-iiba ang iyong ikinikilos.Nagiging wild na ‘ika nga. Kagaya ng ibang sabungero na kapag mukhang nananalo na ay may pasipa-sipa, pagulung-gulong at pasayaw-sayaw pang nalalaman? Ayos lang siguro ‘yun, huwag lang maghuhubo dahil malaking eskandalo na ‘yun, hehe. Hindi na nila naiisip pa ang magiging reaksyon ng ibang tao. Pero para sa mga bukas ang isipan, alam nilang nadala lang ang mga ito sa sobrang saya. Gusto lang nila na mailipat ang positibong enerhiya sa kanilang manok. ‘Di na importante sa kanila kung matalo man sila dahil ang importante ay masaya sila. Walang basagan ng trip basta ba 'di nakakaagabriyado ng ibang sabungero. Ang maganda kasi sa atin, kahit may kantyawan ay bihira lang ang nagkakapikunan. 'Yun ay kung personalan na ang mga banat. 

Sa huli, ang sabong naman ay ‘di tungkol sa kung nanalo o natalo ka, sabi nga ng iba ito ay tungkol sa paano ka nag-enjoy sa sport na ito. Ang thrill at excitement kasi sa sabong ay walang katapusan at bukas ito para sa lahat. 

           Happy cocking sa inyong lahat!



COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Ang Kapana-panabik na Mundo ng Sabong
Ang Kapana-panabik na Mundo ng Sabong
https://3.bp.blogspot.com/-wQuwr8y4enE/WYK6r_NfDBI/AAAAAAAADps/5yVSQU1TI3Q1GPxa0XaVJOrqztio03lTgCLcBGAs/s400/IMG_0261.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-wQuwr8y4enE/WYK6r_NfDBI/AAAAAAAADps/5yVSQU1TI3Q1GPxa0XaVJOrqztio03lTgCLcBGAs/s72-c/IMG_0261.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/08/ang-kapana-panabik-na-mundo-ng-sabong.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/08/ang-kapana-panabik-na-mundo-ng-sabong.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy