Ang Responsableng Sabungero

SHARE:

Ang tingin ng iba sa isang sabungero ay sugarol at mararahas na tao. Totoo naman na mayroon ngang sugal sa sabong at isa itong madugong...


Ang tingin ng iba sa isang sabungero ay sugarol at mararahas na tao. Totoo naman na mayroon ngang sugal sa sabong at isa itong madugong sport. Hindi naman natin sila masisisi sa kanilang opinyon tungkol sa atin. Pero oras na maunawaan nila sa kanilang mga sarili, maiisip nila na mali sila ng kanilang akala. Imbes na magalit tayo sa kanila ay ipaliwanag natin nang maayos ang ating panig. Kung ayaw pa rin nilang makinig ay hayaan na lang natin sila. Total ang bawat isa naman ay may karapatan na magpahayag ng opinyon.

Para maging responsableng sabungero, dapat ay alam natin ang ating limitasyon. Gamitin lang ang pera na sobra at ‘di ang budget na nakalaan para sa pamilya. Alam naman natin na napakamahal ng libangan na ito. Kapag ‘di mo nakontrol ang iyong sarali, darating ang araw na maghihirap ka. Marami na tayong narinig na mga sabungero na naadik sa sugal. Dati silang mga may kaya sa buhay, pero simula nang maadik sa sugal ay naghirap na sila. Naibenta na nila ang kanilang mga ari-arian at nabaon pa sa utang. Huwag na sanang hintayin na mangyari pa ito sa iyo kaya’t laging kukontrolin ang sarili.

Kung ‘di naman kaya na mag-alaga ng maraming manok, makuntento na sa iilang piraso. ‘Yung magkakasya lang sa budget ‘ika nga. Kapag pupusta naman ay hanggang minimum lang. Kung ‘yun ngang ibang mga bigtime breeder na itinuturing, ang ilan sa kanila ay minimum lang kung pumusta. Alam kasi nila ang masamang epekto nang labis na pagsusugal. Kumbaga, nagsasabong sila ‘di para sa salapi kundi para i-enjoy lang ang sport. Sana ay ganito ka rin, kasabong. Tandaan na wala namang yumayaman sa pagsasabong. Kung mayroon man, ‘yun ay may kinalaman sa negosyo sa manok at hindi dahil sa pagsusugal. Maaaring manalo ka ngayon, bukas o sa makalawa. Pero ‘di naman Pasko araw-araw kaya hinay-hinay lang sa pagtaya. At least kung minimum lang, matalo man ay ‘di ganun kalaki ang nawala sa iyo.

Huwag ding ibuhos ang buong atensyon sa mga manok lalo na’t kung mayroon kang pamilya na nangangailangan din ng iyong atensyon. Kapag nawalan ka ng oras sa pamilya mo dahil sa manok, sigurado na magiging kontra sila sa ginagagawa mo. Kailangan mo lang naman na balansehin ang iyong oras para sa pamilya at sa manok. Kapag nagkaganun ay makukuha mo ang kanilang suporta. ‘Di nila iisipin na naglulustay ka lang ng salapi sa mga manok. Bagkus magiging proud pa sila sa iyo lalo na't kapag nakapagbibigay ng karagdagang income ang iyong mga manok para sa pamilya.

Isa pa, para maging responsableng sabungero, huwag mandadaya. Sabi nga nang yumaong TV host na si Emoy Gorgonia, “Do everything except cheat”. Napakadali lang mandaya para manalo, pero ‘di ka rin lubusang magiging masaya dahil alam mo sa sarili mo na ‘di malinis ang iyong pagkakapanalo. Kapag ikaw ay isang cheater, isa ka ring loser! Kung sakali mang isa ka sa gumagawa ng ganito, mabuting itigil na dahil anumang oras ay puwede kang mahuli ng kalaban o ng management ng sabungan. Laging tatandaan na ang sabong ay binubuo ng mga maginoo at tapat na tao. Ang bulok na kamatis ay itinatapon nang sa gayun ay ‘yung mga sariwa lang ang matira.

Para magtagal sa sabong, makabubuting sundin ang mga munting paalala. Kung ganito ka na, binabati kita dahil nasa tamang landas ka.




COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Ang Responsableng Sabungero
Ang Responsableng Sabungero
https://2.bp.blogspot.com/-s2B335UzRSE/WYUosmE-Q_I/AAAAAAAADq0/VCflldYwpUgJFZR_BDPYd1YZ1Ee9P4vogCLcBGAs/s400/IMG_0262.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-s2B335UzRSE/WYUosmE-Q_I/AAAAAAAADq0/VCflldYwpUgJFZR_BDPYd1YZ1Ee9P4vogCLcBGAs/s72-c/IMG_0262.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/08/ang-responsableng-sabungero.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/08/ang-responsableng-sabungero.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy