Mayor Juancho Aguirre, Pumanaw na

SHARE:

                                Pumanaw na ang batikan at sikat na breeder na si Mayor Juancho Aguirre ng JGA Gamefarm sa edad na 75. Dahil...

                        
       Pumanaw na ang batikan at sikat na breeder na si Mayor Juancho Aguirre ng JGA Gamefarm sa edad na 75. Dahil dito ay nagluluksa ang buong industriya ng sabong sa Pilipinas.

        Si Mayor Juancho ay nakilala mula pa noong dekada '60 dahil sa husay niyang magmanok. Siya ang nagpasikat ng bloodline na Lemon Guwapo. Bukod sa Lemon ay sumikat din ang kanyang Grey. Maraming mga breeder sa bansa ang nakakuha ng bloodline niyang ito at nagsasabing naging maganda ang kanilang record dahil sa manok ni Mayor Juancho. Kabilang na rito ang Sola Brothers na nagkampeon sa Candelaria International Derby noong 2013.

       Isa ring mahusay na lider na si Mayor Juancho, hindi lang bilang pulitiko kundi bilang officer ng sabong association. May labing-apat din siyang naging presidente ng Negros Gamefowl Breeders Association (NGBA). Maliban dito ay naging Executive Committee at Vice-President for the Visayas din siya sa National Federation of Gamefowl Breeders, Inc. (Federation of International Breeders Association na ngayon o FIGBA).

     Dahil sa husay magmanok at kasikatan ni Mayor Juancho ay napakaraming beses na niyang naitampok sa mga sabong magasin at tv shows. Naging national endorser din siya ngg Supremo at ng Excellence Poultry and Livestock Specialist. Tumatak na sa madla ang kanyang linya sa commercial na "Akala mo pelikula, Amtyl lang pala."

     Hindi lang mahusay na breeder si Mayor Juancho kundi magaling din siyang makisama. Maraming mga magmamanok na siyang nakasalumuha na nagsasabing napakabait niyang tao at napakadaling kabaitan. Siya ang tipo ng tao na down to earth kahit malayo na ang kanyang narating.

     Sa isa ngang panayam sa kanya dati nang tanungin kung bakit siya binansagan na alamat ng sabong sa Pinas, ang sabi niya ay 'di niya alam. Basta't ang alam niya lang ay mahaba-haba na rin ang kanyang naging karanasan sa sabong. Kung anuman ang kanyang mga nalalaman sa pagmamanok ay ibinabahagi niya ito sa iba.

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Mayor Juancho Aguirre, Pumanaw na
Mayor Juancho Aguirre, Pumanaw na
https://4.bp.blogspot.com/-lXLX-6l27kM/WaNc9onb96I/AAAAAAAAD4U/6L0gCACtQ5c01kkdkPd6DIDp9tPoR_pYgCLcBGAs/s400/Screenshot_48.png
https://4.bp.blogspot.com/-lXLX-6l27kM/WaNc9onb96I/AAAAAAAAD4U/6L0gCACtQ5c01kkdkPd6DIDp9tPoR_pYgCLcBGAs/s72-c/Screenshot_48.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/08/mayor-juancho-aguirre-pumanaw-na.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/08/mayor-juancho-aguirre-pumanaw-na.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy