Pilipinas, Sentro ng Sabong sa Buong Mundo

SHARE:

Walang kagaya sa buong mundo ang Pilipinas kung saan ay ‘di mo mabibilang ang mga sabungerong nakarito rito. Ang sabong ay isa nang tra...


Walang kagaya sa buong mundo ang Pilipinas kung saan ay ‘di mo mabibilang ang mga sabungerong nakarito rito. Ang sabong ay isa nang tradisyon sa atin bago pa man dumating sa kapuluan ang mga Kastila. Kahit saan ka pumunta ay makakakita ka ng manok-panabong. Kahit ang pinakamahihirap na tao ay nag-aalaga ng manok. Ipinagmamalaki nila na sila ay mga sabungero kahit kulang man sila sa salapi. Kapag naging sabungero ka kasi ay mananatili kang sabungero anuman ang iyong katayuan sa buhay.

Bawat bayan sa Pilipinas ay mayroong sabungan. Kaya’t kung ikaw ay isang sabungero ay mayroon kang pupuntahan para mailabas ang iyong hilig. Sa Zamboanga City nga raw nasa sampu ang sabungan doon. Ibig lang sabihin ay napakaraming sabungero sa naturang lugar. Sa ibang sabungan, halos araw-araw sila kung magpasabong. Habang sa ilan naman ay lingguhan lang o dalawa hanggang tatlong beses sa loob ng isang lingo. Patunay lang lang na buhay na buhay ang sabong sa Pilipinas. Kapag ‘di nakakapunta sa sabong ang amo, siyempre ipinapaubaya na nila ito sa kanilang mga tauhan.

                Kung mayroon mang tumpukan sa isang komunidad, makaririnig ka ng usapang manok at makakakita ka ng mga nag-i-spar ng manok. Kapag nakarinig ka ng mga nagsisigawan, malamang tupada na ‘yan!

Sadyang malikhain ang mga magmamanok na Pinoy. Kasi, kahit walang sapat na espasyo ay gumagawa ng paraan para lang makapagmanok. May makikita ka na mga naglalagay pa ng manok sa kanilang bubungan. Sa ilang maliliit na tindahan, malalaman mo na sabungero ang may-ari kung may nakataling manok sa kanilang harapan. Naniniwala kasi sila na suwerte ito, hindi lang sa kanilang tindahan kundi pati na rin kapag sila ay naglaban.

Para sa ilang mga sabungero, ang sabong ay hindi lamang basta sugal. Itinuturing nila ito na lehitimong isport na totoo naman. Puwede na nga itong tawaging pambansang laro kung paramihan lang ng bilang ng mga taga-tangkilik. Marami sa mga nagmamanok ay talagang seryoso sa kanilang pagbi-breed. Marami kasing malalaking pasabong na maaaring salihan. Kabilang na riyan ang BAKBAKAN, Digmaan, Bullang-Bullang, World Slasher Cup at marami pang iba. Maraming mga dayuhan ang bumibisita sa Pilipinas para lang makasali o makapanood ng malalaking derbies. Para sa kanila ang Pilipinas ay isang paraiso para sa mga mahihilig sa manok. Puwede na ngang gamitin ang sabong para sa turismo dahil maraming mga dayuhan ang nagkakainteres dito.

Kahit ang mga backyard breeder ngayon ay ‘di na basta-basta. Maalam na rin kasi sila sa pagmamanok dahil marami na silang nakukuhang impormasyon kung saan-saan. Nakakasali na rin sila sa malalaking derbies basta ba may mag-finance o mag-sponsor lang sa kanila.

     Ang mga Pilipinong sabungero rin ay kilala sa pagiging maginoo. Kapag natatalo kasi sila sa laban ay napakadali lang sa kanila itong tanggapin. Kapag nangako rin sila ay tutuparin nila ito. Sa kabilang banda, ‘di rin maitatanggi na mayroong mga grupo na kumakalaban sa sabong dahil para sa kanila ay kalupitan ito sa hayop. Ang mga animal rights activist na ito ay gusto nilang mapatigil ang sabong sa atin gaya nang ginawa nila sa Amerika.  Hindi naman siguro ito hahayaang mangyari ng mga mambabatas lalo na’t marami sa kanila ang nagsasabong.

Kapag susuportahan nila ang batas na magbabawal sa sabong, siguradong maaapektuhan ang kanilang career sa pulitika. Bakit hindi? Eh, napakaraming mga ama ng tahanan ang nagmamanok. Sabihin lang nila sa kanilang kapamilya na huwag iboto si ganyan o si ganito tiyak na susundin ito nang sinabihan.    Kaya’t malabong mangyari na maipatigil ang sabong sa Pilipinas. Pero huwag pa ring pakampante. Bilang isang sabungero, dapat ay maging mapagmatyag at laging alerto laban sa mga kumukundena sa sabong. Para saan pa at tinagurian tayong sentro ng sabong sa buong mundo kung masisira lang nila ang isport na nagmula pa sa ating mga ninuno.       



COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Pilipinas, Sentro ng Sabong sa Buong Mundo
Pilipinas, Sentro ng Sabong sa Buong Mundo
https://2.bp.blogspot.com/-qe7KdlBkYWM/WZz8YU6ccKI/AAAAAAAAD04/yaIsQJuD160tnsY6JyDyLe8uB3TeXpoywCLcBGAs/s400/IMG_0254.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-qe7KdlBkYWM/WZz8YU6ccKI/AAAAAAAAD04/yaIsQJuD160tnsY6JyDyLe8uB3TeXpoywCLcBGAs/s72-c/IMG_0254.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/08/pilipinas-sentro-ng-sabong-sa-buong.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/08/pilipinas-sentro-ng-sabong-sa-buong.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy