Sabong sa Pilipinas, Ginagaya na sa Bali, Indonesia

SHARE:

                                           Sadyang napakalakas ng impluwensiya ng sabong sa Pilipinas dahil kahit sa Indonesia ay ginagamit...

                                    
      Sadyang napakalakas ng impluwensiya ng sabong sa Pilipinas dahil kahit sa Indonesia ay ginagamit na rin ang ating istilo. Hindi lang maging sa pag-set up ng farm kundi pati na rin sa paglalaban. Sa karaniwan nila kasing sabong, kung aling manok ang unang sumayad ang tuka sa lupa ay 'yun ang talo kahit pa tumakbo ang kalaban. Pero dahil nga sa impluwensya ng mga sabungerong Pinoy ay nagkaroon na rin sila ng derby na kagaya sa atin kung saan ay ang sistema natin ang sinusunod.

       Sa video na ibinahagi ng Facebook page na Ayam Sabong Bali Top, makikitang nagsasabong ang mga Balinese na kagaya sa atin. May makikita ka na karatula na Wala sa gilid. Tapos mayroon ding senstensyador na pinapatuka muna ang mga manok para masabing kung sino ang panalo. Siyempre, kung sino ang 'di na makatuka 'yun ang panalo.

    Hindi na rin nakapagtataka kung bakit ginagaya na ng mga Balinese ang sabong sa atin. Una, marami nang mga Pinoy na nagtatrabaho roon bilang handler o 'di-kaya'y farm manager. Isa na rito ay si Raymond Ocampo ng Emongski Gamefarm na nagtrabaho roon bilang farm manager sa isang napakalaking farm. Ang mga natutunan niya sa pagmamanok sa Pilipinas ay itinuro niya sa mga tao roon. Isa pa, marami ring mga Balinese ang nagpapabalik-balik dito sa atin para mamili ng manok. Sumasali pa nga ang ilan sa kanila sa mga big event. Idagdag pa natin ang internet, kung saan ay napapanood nila ang istilo sa sabong sa atin.

     Hindi imposible na darating ang panahon na ang istilo sa Indonesia ay ganap nang mababago. Pero siyempre, hindi ito ganun kadali dahil ay sabong sa kanila ay nakabase na rin sa kanilang kultura at tradisyon. Pero ang mahalaga, may naiambag tayong mga Pinoy para mabago sa kanila ang sabong.

Panoorin ang video:

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Sabong sa Pilipinas, Ginagaya na sa Bali, Indonesia
Sabong sa Pilipinas, Ginagaya na sa Bali, Indonesia
https://2.bp.blogspot.com/-iXcbyeKNIVE/WaYuGge4IrI/AAAAAAAAD7I/GuPtZxmuBbM2rUQA9dpjoo6bkmbMM0LBACLcBGAs/s400/Screenshot_50.png
https://2.bp.blogspot.com/-iXcbyeKNIVE/WaYuGge4IrI/AAAAAAAAD7I/GuPtZxmuBbM2rUQA9dpjoo6bkmbMM0LBACLcBGAs/s72-c/Screenshot_50.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/08/sabong-sa-pilipinas-ginagaya-na-sa-bali.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/08/sabong-sa-pilipinas-ginagaya-na-sa-bali.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy