Brgy. Ex-O, sinupalpal ni Raffy Tulfo dahil sa pagkumpiska ng manok-panabong

SHARE:

            Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang magmamanok na si Felix Amistoso matapos na kumpiskahin ng mga taga-barangay ang kanyan...


            Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang magmamanok na si Felix Amistoso matapos na kumpiskahin ng mga taga-barangay ang kanyang tatlong manok-panabong.

Ayon kay Amistoso, nakatali sa loob ng bakuran ang kanyang mga manok, pero kinumpiska pa rin ito sa pangunguna ni Julius Dela Cruz, Executive Officer ng Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Pinagpaliwanag ni Tulfo si Dela Cruz sa kanyang programa kung bakit nila kinumpiska ang mga manok-panabong ni Amistoso. Sinabi ni Dela Cruz na ang kanilang ginawa ay nakabatay sa city ordinance kung saan ay dapat hulihin ang mga paga-galang hayop sa loob ng kalsada.

Kinuwestiyon ni Tulfo ang sagot ni Dela Cruz dahil ‘di naman pagala-gala ang mga manok ni Amistoso sa kalsada. Sinagot naman ng brgy. official na nagkakalat ng dumi ang mga manok sa kalsada kaya nila ito kinumpiska.

Tinawagan ng programa si Perla Crisistomo ng Environent Protection and Waste Management Division para tanungin kung tama ba ang argumento ni Dela Cruz. Pero wala raw silang ganong kautusan dahil ang nagkalat na basura lang ang kanilang saklaw.

Nagkainitan pa sa ere sina Tulfo at Dela Cruz nang tanungin kung nasaan na ang mga manok ni Amistoso. Sinabi kasi na kinakatay nila kapag nakahuhuli sila ng manok. Sinabi pa ni Dela Cruz na may video pa sila nito habang kinakatay ang manok. Pero nang tanungin ni Tulfo kung may video ba sila nang ilibing ang mga manok ay  ‘di raw nila ito nakunan ng video. Pero nilinaw din ni Dela na nasa kanila pa ang kinumpiskang mga manok.

Sa huli, nagtungo si Amistoso at ang mga staff ni Tulfo para bawiin ang mga manok. Nagpa-escort pa sila sa mga pulis dahil maangas daw magsasalita si Dela Cruz. Napag-alaman ng programa na ang sinasabing Quezon City ordinance ay tumutukoy na tanging mga pagala-galang hayop lang sa kalsada ang dapat kumpiskahin. At ang mga kawani ng city pound lamang ang binigyan ng kapangyarihan na ipatupad ito.

Nabawi naman ni Amistoso ang kanyang mga manok-panabong.

Panoorin ang video:

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Brgy. Ex-O, sinupalpal ni Raffy Tulfo dahil sa pagkumpiska ng manok-panabong
Brgy. Ex-O, sinupalpal ni Raffy Tulfo dahil sa pagkumpiska ng manok-panabong
https://3.bp.blogspot.com/-JYnf-rMBhq0/WdYrCAfN5rI/AAAAAAAAEQ4/dCnU1LlJKXIDoGx5RY0rnKBAvxJAvf2tACLcBGAs/s400/Screenshot_5.png
https://3.bp.blogspot.com/-JYnf-rMBhq0/WdYrCAfN5rI/AAAAAAAAEQ4/dCnU1LlJKXIDoGx5RY0rnKBAvxJAvf2tACLcBGAs/s72-c/Screenshot_5.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/10/brgy-ex-o-sinupalpal-ni-raffy-tulfo.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/10/brgy-ex-o-sinupalpal-ni-raffy-tulfo.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy