Nene Abello: Karisma ng Isang Sweater Man

SHARE:

Photo from Nene Abello Gamefarm FB fan page                                                    Si Nene Abello ay isa sa mga pinakas...

Photo from Nene Abello Gamefarm FB fan page
                                        
          Si Nene Abello ay isa sa mga pinakasikat na gamefowl breeders sa Pilipinas. Mula noon hanggang ngayon ay palagi pa rin nating naririnig ang kanyang pangalan. Para na nga itong naging household name sa marami sa atin. Kilala siya sa husay niya sa pagdebelop ng Sweater bloodlines. Ang manok na ito ay hango sa pangalan ng American breeder na si Sweeter McGuiness. Si Mr. Sweater ay kapanahunan nina Harold Brown, Duke Hulsey at Ray Hoskins.

           Base na rin sa nakasulat sa site ni Nene, nakuha niya ang kanyang mga bloodliness mula kina Harold Brown at Carol NeSmith noong mga huling taon ng dekado 80.Noong mga panahong ‘yun ay naging mag-partner ang dalawang alamat ng sabong at nangunguna ang mga ito sa malalaking pasabong sa US. Nang matapos ang tambalan ng dalawa ay saka pa lang nakakuha si Nene ng mga manok na Sweater.Naisip niya kasing kaya nitong makipag-compete at nababagay itong alagaan sa Pilipinas at hindi nga siya nagkamali sa paniniwala niyang ito. Dahil ang Sweaters ang nagbigay sa kanya ng karangalan sa larangan ng sabong. Hanggang sa tinagurian siyang Sweater Man of the Philippines.


            Ang Sweaters ni Nene ay nanggaling kay Carol Nesmith habang ang Green Leeged side ay nakuha naman niya kay Harold Brown. Bukod dito, naging kaibigan din ni Nene si Ray Alexander na mayroon Roundhead chickens. Inahalo niya ang Roundhead sa Sweater at naging maganda ang resulta. Pagkatapos nito ay naisip niyang kailangan niya uling makagawa ng panibagong signature line dahil habang lumilipas ang mga araw, ang kumpetisyon sa sabong ay patindi nang patindi. Kailangan niyang maka-survive para mapanatili ang kanyang reputasyon bilang isang breeder. Hindi katulad ng iba na matapos makilala ay bigla na lang nawawala sa eksena.

            Bukod sa Sweaters ay nag-bred din si Nene ng Hatches na galing kay Harold Brown. Noong nakatira pa ang kanyang kapatid at anak sa Dallas, Forth Worth area ay lagi niyang binibisita si Ray Hoskins. Nakakuha siya ng Yellow-Legged bloodlines at ininfused niya ito sa iba pa niyang linyada. Dahil dito ay nagpapanalo siya sa major derbies kabilang na rito ang World Slasher Cup noong 1995 at naging runner up din siya rito noong 1998. Naging kampeon din siya Candelaria International derby noong 2002 at 2003. Bukod sa mga ito ay marami pa siyang nakamit na mga kampeonato.

            Dahil si Nene ay maituturing na prominenteng breeder ay maraming bumibili ng manok sa kanya. Hindi lamang mga taga-Pilipinas kundi pati na rin ang taga-ibang parte ng mundo gaya sa Malaysia, Mexico atbp.




COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Nene Abello: Karisma ng Isang Sweater Man
Nene Abello: Karisma ng Isang Sweater Man
https://3.bp.blogspot.com/-lhmH3-gcbAw/WfKPQQ_EgmI/AAAAAAAAEWM/FnhTqDZN4cwCNHBv5g0BqMFNeqd-sVfPQCLcBGAs/s400/539150_408341979251754_1040631672_n.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-lhmH3-gcbAw/WfKPQQ_EgmI/AAAAAAAAEWM/FnhTqDZN4cwCNHBv5g0BqMFNeqd-sVfPQCLcBGAs/s72-c/539150_408341979251754_1040631672_n.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/10/nene-abello-karisma-ng-isang-sweater-man.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/10/nene-abello-karisma-ng-isang-sweater-man.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy