Ang Paglago ng World Gamefowl Expo

SHARE:

World Gamefowl Expo, hindi ito ang kauna-unahang expo ng manok sa bansa. Mas nauna pa rito ang FIESTAG ng International Federation of G...


World Gamefowl Expo, hindi ito ang kauna-unahang expo ng manok sa bansa. Mas nauna pa rito ang FIESTAG ng International Federation of Gamefowl Breeders Association (FIGBA), dating NFGB. Pero masasabing ang WGE naman ang pinakamalaki at pinakamalakas na gamefowl expo sa bansa. Kung titingnan, sila ang nagpauso o nagbigay ng inspirasyon sa ilang mga organizer na magsagawa ng kaniya-kaniyang expo sa kanilang mga probinsya. 'Di ba't marami nang lugar sa Pilipinas ang mayroon ng expo? Dati-rati kasi ay gamefowl caravan lang ang mayroon kapag nagpapa-seminar ang isang kumpanya. Pero ngayon, kahit sila ay may kanya-kanya ng expo, bitbit ang kanilang mga endorser.

Ang WGE ay pinagtulungang buuin ng isa sa mga haligi ng sabong sa bansa na si Emmanuel Berbano ng Pit Games Media Inc. at ni Racquel Romero ng World Exco Inc.  Nagsimula ito noong 2011 sa World Trade Center at hanggang ngayon ay doon pa rin ang kanilang venue. Isinasagawa ito tatlong beses tuwing buwan ng Enero kada-taon.

Saksi ang inyong lingkod kung paano lumago ang WGE. Unti-unti nilang inukopa ang World Trade hanggang sa makuha nila ang kabuuang espasyo nito. Noong una pa lang ay naging mainit na ang pagtanggap ng bayang sabungero sa expo na ito. Lalo na't ang dala-dalang pangalan nito ay pang-buong mundo. Hindi lang kasi mga Pinoy ang tumatagkilik dito kundi pati na rin ang mga dayuhan. Hindi kasi sila nakakakita ng ganitong kalaking expo sa bansa nila. Dahil Enero ito isinasagawa, ang ilang mga dayuhan na sumasali sa World Trade Center ay pumupunta rito.

Ang napakahabang pila sa labas ng World Trade Center
Unang araw pa lang ay talagang dinadagsa na ng mga tao ang WGE. Kumbaga sa pelikula ay box office hit ito dahil sa haba ng pila. Ngayon, hindi lang manok ang mayroon dito kundi mayroon na ring showcase ng kalapati at ng mga exotic animals. Makikita mo rito kung hindi pami-pamilya ang pumupunta ay mga magkakaibigan o magkakatrabaho. Lahat ng klase ng tao nandito na. Pero siyempre, manok ang ipinunta natin dito. Lahat ng klase ng bloodline ay narito. Ihanda mo na lang ang iyong budget dahil siguradong mayroon at mayroon kang makukursunadahan.



Bakit nga ba pumatok nang husto ang WGE? Una, nagkatipun-tipon dito ang malalaking gamefowl breeders gaya nina Biboy Enriquez, Doyet Lapido, Gen Gen Arayata, Dante Hinlo, Honey Yu, Jap Gagalac at marami pang iba. Pagkakataon ito para sa mga dadalo na makakuha ng iniingatan nilang linyada nang hindi na kailangan pang pumunta sa kanilang lugar. Marami ritong mga tinitingalang breeder na kasali. At kahit 'di ganun kasikat ay may pagkakataon na magkaroon ng booth. Ayon na rin sa kanilang kuwento ay lumakas ang kanilang dating sa mga buyer nang makasali sila sa expo.

Pagkakataon din ang WGE para magsama-sama ang iba't ibang kumpanya. Aba'y halos lahat nang mga kumpanya na may kinalaman sa sabong ay nandito na.  Ang parukyano na lang ang bahalang mamili kung ano ang produkto o serbisyo ang kanilang tatangkilikin. Magandang makita ang mga kumpanya na nagkakaisa kahit sa loob ng maiksing panahon. Alam naman nating sa labas ay dikdikan ang kanilang labanan. Lahat ay naghahangad na makakakuha ng share sa merkado ng sabong. Pero sa WGE, kinakalimutan ang kumpetisyon at pagkakaiba dahil ang mga sabungero naman ang dahilan kung bakit sila nagninegosyo. Kaya't dapat lang na mapasaya nila ang mga ito.



Siyempre pa, talaga namang nakalilibang dumalo sa WGE. Hindi lang dahil nandoon ang ating iniidolong breeders. Sandamakmak din kasi ang pa-raffle rito. Kung susuwertehin ka ay makakapag-uwi ka ng premyong manok. Pagkakataon din ito para madadagdagan pa ang iyong kaalaman sa pagmamanok dahil kabi-kabila ang isinasagawang seminar. Siyempre pa, hindi mawawala ang mga naggagandahang modelo ng iba't ibang kumpanya na lalong nagpapasigla sa matitikas nating mga sabungero. Mga Sir, picture-picture langa, ha. Huwag kang saan-saan nakararating ang kamay at baka masobrahan. Isipin pa ng mga modelo na 'di naman pala maginoo ang mga sabungero, hehe.


O, paano 'yan mga kasabong, kitakits uli tayo sa mga susunod pang World Gamefowl Expo! 

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Ang Paglago ng World Gamefowl Expo
Ang Paglago ng World Gamefowl Expo
https://2.bp.blogspot.com/-YpqMbooQiIc/Wh-wOnDPq3I/AAAAAAAAEfw/rSgO5GgyYnov_tz0ARr4VPTOBao3CICbQCLcBGAs/s400/screen-15.11.30%255B30.11.2017%255D.png
https://2.bp.blogspot.com/-YpqMbooQiIc/Wh-wOnDPq3I/AAAAAAAAEfw/rSgO5GgyYnov_tz0ARr4VPTOBao3CICbQCLcBGAs/s72-c/screen-15.11.30%255B30.11.2017%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/11/ang-paglago-ng-world-gamefowl-expo.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/11/ang-paglago-ng-world-gamefowl-expo.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy