Asiong Salonga ng Sabong

SHARE:

Ang bawat sabungero ay mayroong character o pagkakakilanlan. Ang iba, medyo pa-disente ang dating. Kagaya ni Dicky Lim na tinatawag na ...


Ang bawat sabungero ay mayroong character o pagkakakilanlan. Ang iba, medyo pa-disente ang dating. Kagaya ni Dicky Lim na tinatawag na Mr. Cool ng sabong. Pero mayroon din namang ang dating ay astig o mala-bad boy, ‘yung tipo mala-gangster.

Kung may makita kang mala-gangster ang porma sa sabungan ng Taytay at Angono at maging sa mga tupada sa lalawigan ng Rizal, huwag agad matakot. Hindi ka naman kukursunadahin o bibirahin, baka kasi si Mang Danny lang ‘to. ‘Di mo maintindihan kung nabuhay sa katauhan niya si Totoy Golem o  Asiong Salonga na tinaguriang ‘Kilabot ng Tondo’.

Kung titingnan mo ang kanyang porma, para siyang gangster na nabuhay noong dekada ‘50 o ’60. ‘Yung sombrero n’ya naka-palos, tapos may nakapulupot pang tela sa kanyang leeg. Nakapolo pa siya na nakabuhol sa ibaba. Nakayosi pa. ‘Di ba’t ang astig? Para rin siyang pupunta sa riot dahil may armas pang nakasukbit sa kanyang likuran. Ang sabi ay palakol daw ito. Naku, delikado palang matalo itong si Mang Danny at baka may masibak, hehe. Pero walang dapat ipag-alala kung may palakol man siyang dala. Ang trabaho niya kasi ay ay magtutroso o tagasibak ng kahoy na panggatong. Kung may nangangailangan ng kanyang serbiyso ay pinapatawag lang siya.

Mahilig si Mang Danny sa manok na off color, nang matiyempuhan nga ito ng kasabong natin na si Makuri Makuru para makipag-duwelo este para kausapin ay dala-dala niya ang kanyang manok na bulik para ilaban. Ang kanyang manok ay tinatawag na ‘siete pungos’ o ‘di guwapo. Sadyang pinapangit pa nga. Siyempre, sa ulutan mahirap makahanap kapag medyo maganda ang manok mo. Pero pangit mang tingnan ay huwag maliitin dahil ibang klase rin ang laro ng kanyang panlaban. Ayon sa kanya, ang manok niya ay mala-Sugar Ray Leonard na mabilis kumilos at malakas sumuntok. Tinatanya rin ng manok niya ang kilos ng kalaban kaya ‘di basta-basta nauunahan.

 Naibulong pa niya na ang ginagamit niyang pang-kundisyon ng manok ay ang sumisikat na Supermedz . Kaya’t kahit umabot pa ng basaan ang laban ay buhay na buhay o malakas pa rin ang kanyang manok.

Marahil may mga magtatanong kung bakit naman ganito ang pormahan ni Mang Danny? Simple lang ang kanyang isasagot, idol niya kasi si Asiong Salonga. Pero sa kabila ng pagiging tigasin, mayroon itong puso na tumulong sa mahihirap na para ring si Robinhood. Alam ni Mang Danny na ‘di lahat ay natutuwa sa kanyang porma, pero alam niya rin na may mga napapasaya siya kapag nakikita siya. Ano namang masama kung inapply niya sa sabong ang porma ni Asiong?  Eh, pareho lang naman itong nalilinya sa aksyon.

Kaya’t kung makakahalubilo n’yo sa Mang Danny, huwag maiilang at isiping nagpapansin lang siya. Kapag nakilala mo siya nang personal, sasabihin mo na bad boy lang ang kanyang image, pero ang cool pala ng taong ito.

‘Yan si Asiong, si Mang Danny pala, ibang klase talaga!

Panoorin ang video: 

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Asiong Salonga ng Sabong
Asiong Salonga ng Sabong
https://3.bp.blogspot.com/-Cx8OcF1GvyI/WfrIpiLtoSI/AAAAAAAAEYc/v6gQiyox_HAgULqi9GywsoTVc9nWGQP8wCLcBGAs/s400/Untitled%2Bcollage%2B%25281%2529.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-Cx8OcF1GvyI/WfrIpiLtoSI/AAAAAAAAEYc/v6gQiyox_HAgULqi9GywsoTVc9nWGQP8wCLcBGAs/s72-c/Untitled%2Bcollage%2B%25281%2529.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/11/asiong-salonga-ng-sabong.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/11/asiong-salonga-ng-sabong.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy