Mga Beking Sabungero

SHARE:

Kung ang sabong ay pinasok na rin ng mga babae, siyempre mawawala ba naman ang mga beki o ‘yung tinatawag natin na kasapi ng ikatlong k...


Kung ang sabong ay pinasok na rin ng mga babae, siyempre mawawala ba naman ang mga beki o ‘yung tinatawag natin na kasapi ng ikatlong kasarian. Kapag sila ang bumanat sa sabungan, talaga namang hahagalpak ka sa tawa. Hanggang dito kasi ay dala-dala nila ang kanilang pagiging masiyahin o pagka-kuwela.

Marahil maitatanong ng iba na bakit naman pinasok ng mga beki ang sabong eh laro ito ng mga macho? Eh, ano naman ‘di naman kumikilala ng kasarian ang sabong. Lahat ay welcome dito, walang discrimination na nangyayari sa loob ng hanay ng mga sabungero. ‘Di ba’t pagkapantay-pantay ang itinataguyod ng sabong?

Sino ba naman ang ‘di makakakilala kay Jovencio Bayotas o mas kilala sa tawag na Muring ng Chabelita Gamefarm na nakabase sa Bacolod. Siya ay mayroong viral video sa Facebook kung saan ay tili siya nang tili habang nakikipagbakbakan ang kanyang manok na sinamahan pa ng pag-split. Ang taray! Marami ang bumilib sa kanya dahil nanalo ang manok niya na Hennie. Sabi naman ng mga basher kaya lang naman nanalo ang manok niya ay dahil na-destruct ang kalabang manok sa lakas niyang tumili. Pero balita na talagang magagaling ang manok niya dahil lagi raw itong nagpapanalo sa kanyang mga laban.

May isa pang beki na nag-viral din ang video kung saan sa sobrang saya ay naghubad pa ito habang tili rin nang tili. Talaga namang hagalpak ang tawa ng mga netizen na nakapanood sa video ng beking sabungero na ito. Kunsabagay kahit nga ang ilang tunay na lalaki ay naghuhubad din dahil sa sobrang excitement.  May all the way pa nga, haha.

Mayroon ding beki na nagngangalang Paula ang nagkaroon ng viral video kung saan ay naka-costume ito ng Darna. Parang nagku-cosplay lang ang datingan. ‘Yun nga lang ay natalo ang manok niya. Mukhang kinulang ng power ng bato ni Darna, hehe.

Dati ay may nakilala rin kami na beking sabungero, ang pangalan ay Leslie. Lumalaban siya sa may Blue Mountain. Kuwela rin ang isang ito kapag nasa ibabaw ng ruweda at nagpapatawa. Kaya naman kinagigiliwan siya ng mga tao sa sabungan. Magaling din ang hipo niya sa manok dahil ginagawa pa siyang taga-pag-alaga ng manok ng kanyang mga kapitbahay. Kapag lumalaban ito ay bumabakas pa sila sa kanya. Kahit isa siyang beki ay kuhang-kuha naman niya ang tiwala at respeto ng kanyang mga kapitbahay. Naisipan namin siyang pasyalan uli para sana muling kapanayamin. Pero nasa Morong na raw ito at doon na nag-aalaga ng manok.

Sa huli, ‘di mahalaga kung anuman ang pagkatao mo. Ang sabi nga ng reyna ng sabong na si Osang Dela Cruz, mga manok lang naman ang naglalaban at ‘di ang mga tao. ‘Di ba’t tama naman? Ang mahalaga ay patas kang lumaban o ‘di nandaraya. Wala naman sigurong masama sa ginagawang pagpapakuwela ng mga kapatid nating beki sa sabungan. Wala tayong magagawa kung ‘yun ang kanilang character.


COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Mga Beking Sabungero
Mga Beking Sabungero
https://4.bp.blogspot.com/-JEHICGEQqAE/WhvV_cZkufI/AAAAAAAAEdQ/mOzV_h_1IVQ6nAZlfeTBhmUsQZI15hW6gCLcBGAs/s400/screen-03.24.08%255B14.11.2017%255D.png
https://4.bp.blogspot.com/-JEHICGEQqAE/WhvV_cZkufI/AAAAAAAAEdQ/mOzV_h_1IVQ6nAZlfeTBhmUsQZI15hW6gCLcBGAs/s72-c/screen-03.24.08%255B14.11.2017%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/11/mga-beking-sabungero.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/11/mga-beking-sabungero.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy