Pamahiin sa Sabong: Kapangyarihan ng Kidlat

SHARE:

‘Di maikakaila na sa modernong panahon na ito ay marami pa ring mga taong naniniwala sa pamahiin. Naging tradisyon na kasi ito at naman...


‘Di maikakaila na sa modernong panahon na ito ay marami pa ring mga taong naniniwala sa pamahiin. Naging tradisyon na kasi ito at namana pa natin sa mga nakatatanda o sa ating mga ninuno. Siyempre, kahit sa sabong ay mayroon din nito. Marahil marami ka nang narinig na pamahiin tungkol sa sabong. Pero narinig mo na ba ang tungkol sa suwerteng dulot ng kidlat sa mga magsasabong?

Naikuwento sa amin ng kasabong na si Mario Aguason Paris, isang engineer at business man na nakabase sa East Timor. Nagbabakasyon siya sa Pilipinas nang amin siyang puntahan sa kanyang farm sa may Calasiao, Dagupan. Nabanggit niya na kapag tinamaan daw ng kildlat ang puno ay maaari itong gamitin para sa iyong manukan.

Ayon sa kanya, minsan ay tinamaan ang puno ng santol ng kidlat sa kanyang manukan. Agad niyang pinag-utos sa kanyang kasamahan na putulin ang puno ng santol at gawin itong kulungan. Nang gawin daw niya ito ay naging sunud-sunod ang kanyang panalo nang maglalaban siya noon sa sabungan ng Kaybiga. Sadyang naging napakahusay ng kanyang manok dahil para itong kidlat sa bilis. Doon niya napatunayan sa kanyang sarili na totoo pala ang pamihiin na kanyang narinig. Hindi lang ito isang isang beses nangyari sa kanya kundi dalawang beses, ang sumunod naman ay puno ng manga ang tinamaan. Gaya nang dati ay pinaputol niya uli ito at ginamit para sa kanyang manukan tapos sinuwerte uli siya sa laban.

Ang binansagang Chicken Engineer ng East Timor na si Mario Aguason Paris

Marahil para sa iba na mahirap paniwalaan ang mga pamahiin sa sabong. Dahil mas naniniwala sila sa siyentipikong pamamaraan sa pagmamanok o pagsasabong. Pero wala namang masama na maniwala sa ganito. ‘Ika nga ay kanya-kanya lang ‘yan ng kagustuhan. Sa salitang kanto, ‘walang basagan ng trip’. Eh, kung may dulot naman itong suwerte para sa mga naniniwala? Yamang ‘di naman nila inaaasa lahat sa pamahiin ang kanilang pagmamanok para manalo sa laban. Sinasamahan din nila ito ng pagtingin sa bloodline ng manok at matinding pagkukundisyon ng manok.


Ikaw, kasabong ano ang pinapaniwalaan mong pamahiin? 

Narito ang iba pang kuwento ni Mario tungkol sa pamahiin...




COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Pamahiin sa Sabong: Kapangyarihan ng Kidlat
Pamahiin sa Sabong: Kapangyarihan ng Kidlat
https://2.bp.blogspot.com/-26rALRX3xpY/Whlk9d7Y85I/AAAAAAAAEcc/8Q3k_ylLh646aCK9-G257fo2wEkyVYKwACLcBGAs/s400/kidlat.png
https://2.bp.blogspot.com/-26rALRX3xpY/Whlk9d7Y85I/AAAAAAAAEcc/8Q3k_ylLh646aCK9-G257fo2wEkyVYKwACLcBGAs/s72-c/kidlat.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/11/pamahiin-sa-sabong-kapangyarihan-ng.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/11/pamahiin-sa-sabong-kapangyarihan-ng.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy