Angas ng Black Bloodline

SHARE:

                                                 May mga taong ayaw ng kulay itim dahil sumisimbolo ito sa kadiliman o ‘di-kaya’y kamat...

                                     

           May mga taong ayaw ng kulay itim dahil sumisimbolo ito sa kadiliman o ‘di-kaya’y kamatayan.’Di ba’t kapag may nakikitang pusa na kulay itim ay sinasabing malas. Pero siyempre, para sa iba paborito nila ang kulay na ito dahil maganda itong tingnan. ‘Ika nga, black is elegant o black is beautiful.

            Kung manok ang pag-uusapan, ayaw ng ibang sabungero ang itim dahil para raw itong laging natutulog sa laban. Pagkatapos naniniwala rin sila na malabo ang pangin ng itim na manok. Marahil ay dahil na rin sa kulay ng mata nito.

            Pero kung may mahilig sa putting manok, siyempre ay mayroon ding mahilig sa itim na manok. Para sa kanila, mas maganda kung susubok din ng ibang kulay. Marami na kasing mga sabungero ang nakilala sa pulang manok. Kaya nga’t ang iba ay gustong makilala sa ibang kulay. Sa madaling salita ay gusto naman nilang maiba.

            Base sa tala, ang itim na manok ay nagmula sa Sumatra Forlw at Brown Red. Inihalo na lang ito ng mga breeder sa iba pang dark fowl. Pinangalanan na lang nila ito alinsunod sa kani-kanilang mga pangalan.

            Ilan lang sa mga sumikat sa Black ay ang Amerikanong breeder na si Mel Sims. Maraming breeder ang nagpapalahi ng kanyang Mel Sims Black. Nagustuhan nila ang manok na ito dahil malakas pumalo. Hindi tinitigilan ang kalaban, lalaban at lalaban hangga’t kaya pa nito.

            Maging ang yumao nang breeder na si Richard Bates ay nakilala rin dahil sa kanyang Black. Ang manok niyang ito ay may dugong Hatch at para ring Butcher kung lumaro. Maangat ito at talagang ibinibigay ang makakaya sa laban.

            Sumikat din ang Black Bonanza ni Jerry Douglas. Multiple shuffler ang manok na ito at masyadong agresibo. Kaya’t ang ginawa nila ay inihahalo nila ito sa manok na kalmado lang para maging balanse ang characteristic. Kumbaga, nababawasan ang pagiging agresibo. Mag-iisip muna bago magpakawala ng palo sa kalaban.

Nakilala rin ang Black McRae ni William McRae. Ang manok na ito ay three-way cross ng Shelton Black Roundhead, Kent Mug at 1/8 Blue Hatch. Namayagpag ito sa sabong sa US noong mga dekada 60 hanggang 80. Kilala ang manok na ito sa pagiging single stroker. Paisa-isa lang pumalo, pero kapag tumama ay may tiyak na may paglalagyan ang kalaban.

            Dito naman sa Pilipinas, nakilala ang DVH and Sons Gamefarm dahil sa kanilang Black. Una itong pinalahi ni Danilo Hinlo, ama ni Dante Hinlo. Inihahalo nila ito sa Hatch at Roundhead. Marami na itong naibigay na kampeonato sa kanila at hanggang ngayon ay patuloy pa rin na maganda ang ipinapakitang performance.

            Nakilala rin ang Mariano Brothers na sina Lino at Tol Mariano dahil sa kanilang Black. Ang kanilang Black ay tinatawag na Tupi Black o Matutum Black  alinsunod sa pangalan ng kanilang lugar. Ang manok nilang ito ay nakuha nila mula kay Mayor Ed Lumayag. Nagustuhan nila ito dahil mautak. Magaling umilag at ‘di basta-basta sumusugod sa kalaban.

            Banggitin na rin natin si Manny Dalipe na nakilala naman dahil sa kanyang Zamboanga Black. Parang Zamboanga White ni Boy Primallion ba ang tunog? Huwag magtaka dahil doon talaga ito ibinase ni Manny ang pangalan ng kanyang manok . Naging mag-partner kasi sila noong araw ni Boy. Eh, mahilig siya sa itim na manok kaya’t nagdebelop siya ng sarili niyang linyada. Ang kanyang Black ay may dugo ng Blueface Hatch, Gilmore Hatch at Leiper Hatch. Hanggang ngayon ay nagpapakitang gilas sa ruweda ang manok niyang ito.


            Para sa mga Black breeder, wala namang pinagkaiba ang itim na manok sa iba pang kulay. Nataon lang na ganitong kulay ang nagustuhan nila.Yamang ang kagandahan naman ng manok ay nasa tumitingin. Isa pa, subok na nila ang kanilang palahi kaya nga’t ipinagpapatuloy nila itong paramihin.  

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Angas ng Black Bloodline
Angas ng Black Bloodline
https://2.bp.blogspot.com/-V6f2cO8GPUc/WjpD1XbthEI/AAAAAAAAE3s/tYXnNkam0FYlcPpCwrwJkFAMzvTOKaUygCLcBGAs/s400/APDC4598.JPG
https://2.bp.blogspot.com/-V6f2cO8GPUc/WjpD1XbthEI/AAAAAAAAE3s/tYXnNkam0FYlcPpCwrwJkFAMzvTOKaUygCLcBGAs/s72-c/APDC4598.JPG
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/angas-ng-black-bloodline.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/angas-ng-black-bloodline.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy