Cong. Patrick Antonio, Idol ng Mga Sabungero

SHARE:

             Itinuturing si Patrick Antonio bilang isa nang institusyon ng sabong sa Pilipinas. Talagang hinangaan siya ng marami kaya n...


             Itinuturing si Patrick Antonio bilang isa nang institusyon ng sabong sa Pilipinas. Talagang hinangaan siya ng marami kaya nga’t may nakakabit na salitang ‘idol’ sa kanyang pangalan. Maging ang malalaking breeder gaya ni Biboy Enriquez ng Firebird Gamefarm ay bilib sa kanya. Si Patrick ay isang 6th time World Slasher Champion at sa iba pang malalaking pa-derby sa bansa. Regular din siyang sumasali sa Candelaria International Derby, Bakbakan, NCA at marami pang iba. Ilang beses na rin siyang naitanghal bilang NCA Breeder of the Year.

            Dahil sa pagiging mahusay na sabungero ni Patrick ay naging household name o bukambibig na ang kanyang pangalan saan mang umpukan ng mga magmamanok. Maituturing siyang hands on kapag mayroon siyang mga laban. Siya kasi mismo ang makikita mong nagbibitaw ng kanyang mga manok. ‘Di katulad ng iba na ipinapaubaya na lang ito sa kanilang mga tauhan. Paano’y natatakot matamaan ng tari. Puwede rin namang masyadong busy o nasa malayong lugar at iba pang kadahilanan. Kung nakita mo na ng personal si Patrick, mapapansin mong napakakalmado niyang tao at hindi rin isnabero sa kabila ng kanyang estado sa lipunan. Bukod kasi sa pagiging kilalang sabungero, siya rin ay isang Congressman, tumatayong representative ng party list na AGBIAG.


            Simula pa lang noong 80’s ay gumagawa na ng ingay si Patrick sa mundo ng sabong. Katunayan ay hindi na mabilang ang kampeonatong kanyang nakamtam. Pero siyempre, nakalalasap din siya ng mga pagkatalo. Hindi naman kasi pupuwede na sa sabong ay palagi kang mananalo. Bagama’t ganito ay hindi ito nakakaapekto sa kanyang popularidad bilang isang magaling na sabungero. Palibhasa ay naiukit na niya ang kanyang pangalan sa larangan ng sabong. Ang iba nga, kapag naririnig na sa kanya ang manok ay napapapusta na pabor sa kanya. Dahil sa kasikatan niya ay nagbunsod ito ng pagkakatatag ng sarili niyang produkto sa manok-pansabong- ang Sagupaan Gamefowl feeds at medicines.

              
            Hanga ang mga sabungero kay Patrick dahil magaling itong pumili ng manok. Alam niya rin kung paano pakikilusin ang manok para lalo itong maging competitive. Bilang isang bigating cocker-breeder ay marami siyang resources kaya’t makakapamili talaga siya ng magagandang linyada. Pero alam naman natin na hindi sapat ang pagkakaroon ng pera para magtagumpay sa pagmamanok. Kailangan talaga ng talento at masusing pag-aaral para rito, gaya ni Patrick na talagang kina-career ang pagsasabong.

            Sa kabilang banda, may mga kuwekuwistiyon din kay Patrick, sinasabi nila na hindi naman siya ang may palahi ng ilang manok na kanyang ipinanlalaban kundi nabili niya lang din ang mga ito sa iba. Kung tutuusin ay wala namang masama rito dahil natural na ang ganitong kalakaran. Dahil kung makitaan mo ng galing ang manok ng iba, maghahangad ka rin na makakuha nito. Pero kahit ano pa ang sabihin ng mga kritiko, si Patrick ay mananatiling idol ng maraming magmamanok!

             



COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Cong. Patrick Antonio, Idol ng Mga Sabungero
Cong. Patrick Antonio, Idol ng Mga Sabungero
https://4.bp.blogspot.com/-17gfoiBQOZo/WjZYl0kG_SI/AAAAAAAAEzQ/NOKYlsnFx_chO2qzPVJsCwTQI2YUcUdDgCLcBGAs/s400/pat.jpg
https://4.bp.blogspot.com/-17gfoiBQOZo/WjZYl0kG_SI/AAAAAAAAEzQ/NOKYlsnFx_chO2qzPVJsCwTQI2YUcUdDgCLcBGAs/s72-c/pat.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/cong-patrick-antonio-idol-ng-mga.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/cong-patrick-antonio-idol-ng-mga.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy