Freedom Lemon Line

SHARE:

Photo via Freedom Lemon Fb page           Ang Lemon ay   sinasabing isa sa mga linyada na sumikat sa Pilipinas. Sa paglipas ng panahon,...

Photo via Freedom Lemon Fb page
          Ang Lemon ay  sinasabing isa sa mga linyada na sumikat sa Pilipinas. Sa paglipas ng panahon, ‘di pa rin kumukupas ang husay ng Lemon. Ito na rin ang isa sa mga dahilan kung bakit patuloy pa rin itong pinapalahi ng marami ng breeder. May mga naniniwala na tila kulang ang pagiging breeder mo kapag wala kang Lemon sa iyong manukan.

         Ang Lemon ay pinaniniwalaang nanggaling kay Duke Hulsey. Ito ay nang dalhin niya ito sa Pilipinas nang minsan siyang maimbitahan ng pamilya Araneta na sumali sa kanilang international derby. Buhat noon ay unti-unti nang kumalat ang Lemon. Ilan lang sa mga nakilala ay ang Lemon 84 ni Paeng Araneta, Lemon Gwapo ni Mayor Juancho Aguirre, Lemon Batchoy ni Batchoy Alunan at iba pa.

            Kung kilala mo si Jeff Gamulo ng Cardona, Rizal, marahil ay pamilyar ka sa kanyang Freedom Lemon na nagsisilbing signature line sa kanyang manukan. Pinalanganan niya itong ganito dahil naniniwala siya na sa sabong ay mayroong kalayaan. Malaya kang gawin ang gusto mo, maging sa pagpapalahi man o sa paglalaban. Malaya kang pumusta kung magkano lang ang gusto mo.

Photo via Freedom Lemon Fb page
             Noon pa mang nagsisimulang mag-breed si Jeff ay talagang mahilig na siya sa Lemon . Ninais niyang magkaroon ng sariling strain para magkaroon nang pagkakakilanlan. Kaya naman naisipan niyang idebelop ang Lemon total talagang napukaw ng Lemon ang kanyang interes.

.           Iba-iba ang pinanggalingan ng Lemon ni Jeff.  Ang una niyang Lemon ay galing kay Cito Alberto. Nagkaroon din siya ng Lemon galing kay Batchoy Alunan na inihalo niya sa Lemon ni Cito Alberto. Nakakuha rin siya ng Lemon 84 na peacomb mula kay Peping Ricafort. Bukod pa rito ay nakakuha pa siya ng Lemon mula kina Lancey Dela Torre, Nonong Faber at Joe Laureno. Ang mga nabanggit na Lemon ang pinaghalu-halo niya para mabuo ang kanyang Freedom Lemon. Kumbaga, ginawa niya lang iisang strain ang mga Lemon na nakuha niya.

            Bukod sa Freedom Lemon ay nakilala rin si Jeff dahil sa kanyang Brassback. Galing diumano ito sa ordinaryong Lemon na inihalo niya sa Husey na nanggaling kay Lancey Dela Torre. May isa rin siyang kaibigan na nabigyan niya ng Freedom Lemon na may naging supling na Brassback. Buhat noon ay kumalat na ang Brassback sa kanilang lugar. O, ‘di ba’t Lemon pa rin ang pinag-ugatan ng kanyang Brassback?

Tunghayan ang naging panayam kay Jeff ng kaibigan natin sa sabong media na si Cesar Tordesillas hinggil sa Lemon:

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Freedom Lemon Line
Freedom Lemon Line
https://2.bp.blogspot.com/-TLC4qn-aGtU/Wjuhjc2MhcI/AAAAAAAAE40/5XgVVo6QuMIXsRurFRfc8GwioHlyGk4zgCLcBGAs/s400/22549969_1326371810823005_2415303564070660277_n.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-TLC4qn-aGtU/Wjuhjc2MhcI/AAAAAAAAE40/5XgVVo6QuMIXsRurFRfc8GwioHlyGk4zgCLcBGAs/s72-c/22549969_1326371810823005_2415303564070660277_n.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/freedom-lemon-line.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/freedom-lemon-line.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy