International Gamefowl Festival, Patok sa Bayang Sabungero!

SHARE:

Kapansin-pansin na lumalakas ang International Gamefowl Festival. Kung dati-rati, manok lang ang kanilang isinu-showcase ay nagdagdag n...


Kapansin-pansin na lumalakas ang International Gamefowl Festival. Kung dati-rati, manok lang ang kanilang isinu-showcase ay nagdagdag na rin sila ng kalapati na tinawag nilang ‘Pigeon Pavillion’. Katulad ng sabong, lumalaki o dumarami na rin ang mga nagkakalapati sa Pilipinas.

Noong una, wala pang IGF ay sumasali pa ang kumpanya na siyang organizer nito sa World Gamefowl Expo. Pero makalipas ang tatlong taon na pagsali ay humiwalay na sila. Sabihin na nating dahil sa mayroon silang ‘di mapagkasunduan. Kung anuman ‘yun ay mabuting iwan na lang natin sa kanila.  Ang IGF ay sinimulan ni Rolando Luzong na isa sa mga kinikilalang personalidad sa sabong dito sa bansa natin.

Unang isinagawa ang IGF sa SMEX, MOA, Pasay City kasabay mismo ng WGE. Naging mainit din ang pagtanggap dito ng mga sabungero. Marami ang natuwa dahil nagkaroon ng isa pang malaking expo. Nang sumunod na taon ay isinagawa ito sa Araneta Coliseum. Naging maayos naman ang festival dahil napuno ang Araneta noon ng mga tao. Ibang klase nga lang ang naging ayos ng booth dahil paikot ito o pabilog. ‘Yun kasi ang disenyo ng coliseum kaya ganun. Dito sana uli ito gagawin ang IGF sa kanilang ikatlong taon dahil mas madali itong puntahan ng mga tao. Kaya lang, maaaring maurong ang petsa kapag may ibang event na gagawin ang pamunuan ng Araneta. Kaya’t minabuti na lang ng organizers ng IGF na gawin uli ito sa SMEX. Kung tutuusin naman ay strategic din ang kanilang puwesto dahil pagkatapos dumalo sa festival ay puwedeng mamasyal sa mall.

Ano nga ba ang kaibahan ng IGF sa WGE? Kung activities lang naman ang pag-uusapan ay wala itong pinagkaiba. Parehong may bentahan ng mga manok, seminars, pa-raffle at iba pa. Mas marami nga lang mga kumpanyang ang kasali sa WGE. Halos lahat ng gamefowl companies ay narito na. Samantalang sa IGF ay dominante ito ng isang malaking kumpanya dahil sila nga ang nag-organize nito. Pero open din naman sila sa ibang kumpanya o mga breeder na gustong sumali sa  kanila.


Bibilib ka sa organizer ng IGF, dahil dito mo makikita na napakalaki talaga ng kanilang puwersa. Bakit hindi eh sila ang pinakamalaking kumpanya nggamefowl feeds sa bansa. Kaya’t natural lamang na ipakita nila ang kanilang pagiging number one. Talagang pinagkagastusan nila ang kanilang event. Ilaw pa lang, malaking led light na ang kanilang ginagamit kagaya ng ilang magagarang billboard na makikita mo sa labas. Tapos ang mga host at performer na kanilang kinukuha ay mga sikat na showbiz personalities. Kung model lang ang pag-uusapan, aba’y class A ang mga ito. Kumbaga sa pagkain, walang tapon. Ito rin ang pagkakataon para makita mo ang kanilang mga sikat na endorsers gaya nina Engr. Sonny Lagon, Dicky Lim, Boy Marzo, Paolo Malvar at marami pang iba.
Si Makuri Makuru kasama ang mga sikat na breeder na sina Paolo Malvar at Rhona Bullecer
Aminin man natin o hindi, madalas pagkumparahin ng mga sabungero ang IGF at ang WGE. Anila ay mas maganda raw sa isa dahil maraming mapagpipiliang mga manok. Habang sa isa naman ay doon makikita ang iniidolo nilang mga breeder. Oo, mayroon talagang kumpetisyon na nangyayari sa pagitan ng IGF at WGE. Pero mga kasabong, huwag na nating tingnan ang ganitong anggulo. Ang isipin natin ay pareho silang maganda dahil ang ginagawa nila ay pareho lang naman na para sa ikauunlad ng industriya ng sabong sa bansa. Magkaiba naman ang kanilang petsa kaya’t puwede na puntahan mo silang pareho para mas mahaba ang pagdalo mo sa mga gamefowl event depende na rin sa iyong budget. Total naman ay bihira lang itong mangyari sa loob ng isang taon.   











COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: International Gamefowl Festival, Patok sa Bayang Sabungero!
International Gamefowl Festival, Patok sa Bayang Sabungero!
https://3.bp.blogspot.com/-VfpYJivRpQE/WidaOyTb7cI/AAAAAAAAEjg/NeUxiDZTpt4wKid9n8Y-4xu4_oxXQPPLQCLcBGAs/s400/DSC_0022.JPG
https://3.bp.blogspot.com/-VfpYJivRpQE/WidaOyTb7cI/AAAAAAAAEjg/NeUxiDZTpt4wKid9n8Y-4xu4_oxXQPPLQCLcBGAs/s72-c/DSC_0022.JPG
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/international-gamefowl-festival-patok.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/international-gamefowl-festival-patok.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy