Kinang at Husay ng Gold Bloodline

SHARE:

Photo via Pinterest             Maraming mga sabungero ang nag-aalaga ng manok na Gold. Pangkaraniwan na lang kasi ang pulang manok kay...

Photo via Pinterest
            Maraming mga sabungero ang nag-aalaga ng manok na Gold. Pangkaraniwan na lang kasi ang pulang manok kaya’t dapat ay may off-colored naman. Kung ang iba, ginagawa lang itong pangulay sa kanilang farm para masanay ang kanilang manok kapag nakaharap ang ganitong kulay. Pero mayroon din namang mga breeder na ito na ang pinaka-foundation line sa kanilang manukan.

            Pinaniniwalaang ang Gold ay nagmula sa manok na Birchens o Gingers.  Ang Gingers ay inihahalintulad sa Redquills na medyo may pagka-dark. Tinatawag din ito na Ginger Reds. Kung ilalarawan, ang manok na ito ay may pagka-yellow o ‘di-kaya’y gold ang balahibo. Malapad din ang kanilang balikat at straight comb sila. Pagdating sa fighting style, mayroon silang gameness at magaling din ang cutting.

            Ilan sa mga sabungerong Ingles na nakilala noong araw na naglalaban ng manok na ganito ay sina Lord Derby, Sketchley, Lord Mexborough at iba pa.

            Samantala, tinawag naman ng mga Amerikanong sabungero ang gold na manok na Pumpkin base na rin sa kulay nito. Nakilala si EH Hulsey na nagdebelop ng ganitong manok at ipinangalan pa ito sa kanya kung kaya’t tinawag ito na Pumpkin Hulsey. Bukod kay EH Hulsey ay nakilala rin si Charley Babb na nagpapalahi ng Gold. Ang sa kanya naman ay tinawag na Babb cock.

            Sinasabing ang Pumpkin ay nagsimula sa Ireland, crosess ito ng Gilman Grey at ng Herrisford Brown Red.  Mas una itong nakilala bilang Birchen o Yellow Brichen. Kulay brown ang dibdib nito at mayroong pagkakahawig sa puno ng Birtch Tree kung kaya’t tinawag na Birtchen.

            Mayroong mga nagsasabi na ang Gold na nasa atin ay galing kay Duke Hulsey. Ayon sa mga kuwento, nang dumating siya sa Pilipinas ay may mga dala siyang manok na ganito ang kulay. Nabahaginan niya ng kanyang manok ang ilang mga Pilipinong breeder.

            Dito sa Pilipinas, ilan lang sa nagpapalahi ng Gold ay ang tinaguriang ‘reyna ng sabong’ na si Osang Dela Cruz. ‘Di ba’t ang farm pa niya ay tinawag niyang Goldquest Champions? Marahil ito ay dahil na rin sa kanyang hilig sa manok na Gold.

            Mahilig din sa Gold ang breeder na si Bernie Tacoy ng Ormoc Gold. Ang manok niyang ito ay nagmula sa manok na kakatayin na sana. Nakuha niya ito mula sa kanyang tiyuhin. Ipinares niya ito sa broodcock na Jumper Kelso. Nakapagprodyus siya ng labing-apat na lalaki. Nang ilaban niya ang mga ito ay trese ang nanalo. Bukod sa Johnnie Jumper Kelso, inihalo niya rin ang kanyang Gold sa manok na nakuha niya mula kay Lope Durado. Ayon kay Bernie, magandang i-cross ang Gold sa kahit ano’ng inyada. Nagustuhan niya ang manok na ito dahil mautak at walang sinasayang na sandali kapag nakikipaglaban.

            Nariyan din si Michael Decena ng Palawan Gold. Ang kanyang Gold ay throwback ng Lemon na nanggaling kay Bob Cuenca. Ipinagmamalaki niya ang kanyang mga manok na Gold dahil ito ang nagbigay sa kanya ng maraming panalo sa sabong. Isa pa, dito na siya nakilala kung kaya’t pinarami niya ito sa kanyang manukan. Ayon kay Michael ay mautak ang manok niyang ito. Magaling tumiyempo at ‘di basta-basta nagpapauna sa kalaban. Nagustuhan niya rin ito dahil magaling mag-cut. Kung kaya’t ano pa ba ang hahanapin niya sa Gold? Katunayan ay nasa 90% ang manok na ganito ang kulay sa kanyang farm.

Renegade Gold
          Ang isa pang kilalang breeder na nagpapalahi ng Gold ay ang World Slasher Cup champion na si Rene Adao ng Renegade Gamefarm. Ang kanyang Gold ay inihahalo niya sa Kelso na nagsisilbing foundation line sa kanyang manukan. Nagustuhan niya ang Gold dahil malakas itong mamalo. ‘Yung tipong kapag tinamaan ang kalaban ay may paglalagyan ito. Nang magkampeon siya sa World Slasher Cup 2014 ay may isa siyang Gold na nagamit. Masaya si Rene dahil nababalitaan niyang nagpapanalo rin sa sabong ang ilang mga nakakuha sa kanya ng Gold.  

          Ikaw kasabong, may Gold ka na rin ba sa iyong manukan?






COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Kinang at Husay ng Gold Bloodline
Kinang at Husay ng Gold Bloodline
https://2.bp.blogspot.com/-EhQpQWiKkIE/Wjc956ga33I/AAAAAAAAEzo/z8G91Y7C1dAAzH1FY0k1nhdxQgsUBA6_wCLcBGAs/s400/pumpkin.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-EhQpQWiKkIE/Wjc956ga33I/AAAAAAAAEzo/z8G91Y7C1dAAzH1FY0k1nhdxQgsUBA6_wCLcBGAs/s72-c/pumpkin.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/kinang-at-husay-ng-gold-bloodline.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/kinang-at-husay-ng-gold-bloodline.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy