Mario Aguason Paris: Sabong sa Brunei

SHARE:

                                                Kapag nasa ibang bansa ka na bawal ang sabong ay siguradong hahanap-hanapin mo ito. Pero ...

                                   
            Kapag nasa ibang bansa ka na bawal ang sabong ay siguradong hahanap-hanapin mo ito. Pero marami na tayong mga kuwento na narinig na kahit bawal ay may mga nagsasabong pa rin.Siyempre, ginagawa nila ito nang palihim. ‘

            Si Mario Aguason Paris na tinaguriang Chicken Engineer ng East Timor ay nakapagtrabaho muna sa Brunei bago siya mapadpad sa East Timor. Taong 1989 nang una siyang mapunta sa Brunei. Noong 1993 ay naranasan niyang magdala ng mga oversized na manok kahit pa alam niyang bawal ang sabong doon. Sa pananatili niya sa bansang ‘yun ay nasa 100 heads din ang kanyang naipasok. Hindi naman bawal ang magdala ng manok doon kahit na ipinagbabawal ang sabong.

            Sinabi ni Mario para makapagsabong ay nagkikita-kita sila sa gubat, sa compound o ‘di-kaya’y sa remote areas. Ilan sa mga nationality na nagsasabong doon, siyempre kabilang na r’yan ang mga Pilipino, Malaysian at mayroon ding mismong taga-Brunei.

            Ibang klase rin naman ang labanan doon dahil ililista mo ang pusta mo sa notice board. Hindi na kailangan pang ipakita ang iyong manok. Hindi kagaya sa Pilipinas na mayroon pang ulutan o ‘di kaya’t dinadaan sapagtimbang. Kapag nakapaglista na ng pusta  ang mga kasali, ang gagawin mo lang ay sasabihin mo kung magkano ang pusta na gusto mong labanan. Halimbawa, gusto mong tapatan ang $500. Kapag ayos na ay tatarian mo na lang ang iyong manok at magkikita na lang kayo ng katapat mo kapag maglalaban na.

            Ang tari raw na ginagamit ng mga dayuhan ay Malaysian knife, kapag Pinoy naman ay ‘yung ginagamit dito sa atin na slasher knife.

            Ayon kay Mario, hindi mo alam kung maliit o malaki ang manok ng makakalaban mo. Kapag nakita mo ang manok nito at sa tingin mo ay agabriyado ka ay ‘di ka na puwedeng umatras pa. Kapag umatras ka ay automatic na talo ka na at kailangan mong bayaran ang kapustahan mo. Kung gusto mong makalamang dapat ay quality ang manok mo, marunong pumalo tapos malaki pa.


            Napapangiti na lamang si Mario kapag naalala niya ang karanasan niya sa pagsasabong sa Brunei. Tunay nga namang kapag sabungero ka gaya ni Mario kahit saan ka mapunta ay dala-dala mo ito. Kahit na nasa East Timor na ang patuloy pa rin ang kanyang pagmamanok, bukod sa may manukan siya sa Pinas ay mayroon din siyang farm sa East Timor. Ang maganda pa ay mayroon siyang sabungan dito. 

Panoorin ang video:

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Mario Aguason Paris: Sabong sa Brunei
Mario Aguason Paris: Sabong sa Brunei
https://4.bp.blogspot.com/-OLYHcJgaVsk/WioLsLZeAcI/AAAAAAAAEmI/jVa8NM1Lf6MFGo_zpAH4LrPDwI_gIZjLACLcBGAs/s400/IMG_2590.JPG
https://4.bp.blogspot.com/-OLYHcJgaVsk/WioLsLZeAcI/AAAAAAAAEmI/jVa8NM1Lf6MFGo_zpAH4LrPDwI_gIZjLACLcBGAs/s72-c/IMG_2590.JPG
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/mario-aguason-paris-sabong-sa-brunei.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/mario-aguason-paris-sabong-sa-brunei.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy