Mga Dapat Tandaan sa Pagtatayo ng Poultry Supply

SHARE:

                                                    Anumang negosyo na nais pasukin ay kinakailangan nang masusing pag-aaral. Dapat ay ...

                                      

             Anumang negosyo na nais pasukin ay kinakailangan nang masusing pag-aaral. Dapat ay may business plan ‘ika nga. Puwedeng magtanung-tanong sa mga kakilala na nauna nang pumasok sa negosyong nais gawin. Kung hindi naman ay maaaring mag-research. Marahil ay naisip mo na rin na isa sa mga negosyong magandang pasukin ay ang poultry supply. Sa dami ba naman ng mga magmamanok sa bansa natin, ewan ko na lang kung wala sa iyong bibili niyan.

            Unang dapat tandaan ay kung hilig mo ba talaga ito? Kung oo ang sagot mo, sige ipagpatuloy mo lang. Mahirap kasi na papasok ka sa isang negosyo na ‘di mo naman hilig. Porke’t nabalitaan lang na maganda ang kitaan ay papasukin mo na lang basta. Maaaring magtagumpay ka nga, pero paano mo naman mai-enjoy ang isang bagay kung ‘di mo naman hilig.

           Ipagpalagay na nating hilig mo, siyempre dapat ay mayroon kang sapat na puhunan o may perang pagugulungin habang wala pang kinikita. Ang napagbentahan ay huwag gagalawin kundi itabi mo lang muna. Kapag kumikita na ay dagdagan ang investment para mas malaki rin ang balik sa iyo. 

            Dapat ding tandaan ang lokasyon, alamin ang lugar na matao. May mga negosyo kasing nagsasara dahil ang napuwestuhan nila ay ‘di masyadong napapagkita ng mga tao. Mas maganda kung sa palengke ka pupuwesto. Kung hindi naman ay sa pinakabuna ng isang lugar na alam mong maraming nagmamanok. ‘Yun nga lang kung dito lang ay sila-sila rin ang iyong magiging costumer. ‘Di gaya sa palengke na kung saan-saan nanggagaling ang mga tao. Pero tingnan mo muna kung may poultry supply nang nakatayo sa nais pagpuwestuhan dahil mahahati lang ang market. Siyempre, doon ka na sa lugar na wala pang nakatayong poultry supply. Isa sa pinaka-strategic na pagpuwestuhan ay sa sabungan na parating may palaban. Andun na agad ang market mo. Kagaya ng isang poultry supply na nakita namin na nakapuwesto sa may Blue Moutain Sports Arena sa may Antipolo, Rizal.

            Isa rin sa mahalagang dapat tandaan ay dapat may mga kakilala ka ng suppliers. Nang sa gayun ay alam mo na kung kanino ka kukuha ng mga produkto na nais mong ibenta. Kapag wala pang kakilala, malamang na mangangapa. Kaya’t habang maaga pa, palawakin na ang iyong kuneksyon. Magtanung-tanong sa mga kaibigang sabungero na may mga kaibigan nagtatrabaho sa isang kumpanya ng gamefowl products. Mapa-feeds man ‘yan o gamot. Sila ang magiging susi mo para magkaroon ng kakilala na taga-loob. Naghahanap din kasi ang mga ‘yan nang mapagbabagsakan ng kanilang mga produkto.

            Alamin din kung anu-ano’ng mga produkto ang mabenta o mga fast moving products. Siyempre, kabilang na riyan ay ang patuka, tali ng manok, cock box, etc. Mas maganda kung magsasagawa ng survey sa mga kakilala kung aling produkto ang mas pinagkakatiwalaan ng mga sabungero. Siyempre, bigyan din ng pagkakataon ang mga produkto ng mga ‘di pa ganun kasikat na mga kumpanya para ma-testing din sila.

            Puwede ka ring magpa-promo sa iyong tindahan. Halimbawa, kapag bumili sila ng ganito o ganyan ay may libre o may makukuha silang item. I-maximize nga lang ito at baka wala nang tubuin. Puwede ka ring magpa-seminar at kuning sponsor ang mga kumpanya nang itinitinda mong produkto. Sa pamamagitan nito ay lumilikha ka na ingay para mapag-usapan ng mga tao.

            Bukod sa physical store, kung kaya pang i-manage o kaya pa ng oras ay mas maganda kung magiging visible rin sa online partikular na sa Facebook. Lagi na kasing nakababad ang mga tao ngayon sa social media kaya’t dapat mo rin itong samantalahin. Puwede mo ritong ibenta ang mga produkto na medyo mataas na ang presyo gaya ng incubator. May mga kakilala kaming indibiduwal na naging successful sa pagbebenta online.  Wala namang mawawala kung iyong susubukan. Makadadagdag pa nga ito sa iyong kita.


            ‘Yan lamang kasabong, sana kahit paano ay may napulot kang ideya sa pagtatayo ng poultry supply. 

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Mga Dapat Tandaan sa Pagtatayo ng Poultry Supply
Mga Dapat Tandaan sa Pagtatayo ng Poultry Supply
https://4.bp.blogspot.com/-gvojqYlAs-Q/WkW7i8YGLEI/AAAAAAAAFAg/VfQbs6PXY0QWQWZpaUT1TcuoV8u4iUJ9QCLcBGAs/s400/po.png
https://4.bp.blogspot.com/-gvojqYlAs-Q/WkW7i8YGLEI/AAAAAAAAFAg/VfQbs6PXY0QWQWZpaUT1TcuoV8u4iUJ9QCLcBGAs/s72-c/po.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/mga-dapat-tandaan-sa-pagtatayo-ng.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/mga-dapat-tandaan-sa-pagtatayo-ng.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy