Robie Yu Panis: Princess Gaffer at Manager ng Firebird Gamefarm

SHARE:

                                               Sadyang katangi-tangi itong si Robie Yu Panis dahil siya ang kasalukuyang itinuturing na p...

                                

              Sadyang katangi-tangi itong si Robie Yu Panis dahil siya ang kasalukuyang itinuturing na prinsesa ng tari sa Pilipinas. Bukod ditto ay siya rin ang tumatayong farm manager ni Biboy Enriquez ng Firebird Gamefarm. Huwag padadaya sa kanyang kaanyuan, sa kabila ng pagkakaroon ng kaaya-ayang hitsura ay lubha siyang mabalasik. Hindi sa pakikitugno sa kapwa, kundi mabagsik siya pagdating sa sabong. Handa siyang makipagsabayan sa mga lalaking mananari. Para sa kanya, ang pagtatari ay walang kinikilalang kasarian, bagkus ito ay para sa lahat; mapa-lalaki o babae ay puwede rito.

                Nagsimula lang si Robie bilang receptcionist o sekretarya sa Firebird Gamefarm. Ang naging trabaho niya ay taga-tanggap ng mga bisita, taga-sagot ng e-mail, text o tawag sa telepono. Pero bago ito ay naging receptionist din siya sa mall at sa Sulo Hotel na dating pag-aari ni Biboy. Base sa mga naging panayam kay Robie, wala sa kanyang hinagap na mapupunta siya sa sabong. Eh, wala nga siyang kaalam-alam hinggil ditto.  Ang pangarap niya talaga ay maging isang flight attendant. Waring ang tadhana na rin ang nagtulak sa kanya kung bakit siya napunta sa sabong na laro ng mga maginoo.

                Dahil sa pagiging masigasig sa trabaho, mula sa pagiging receptionist ay naitalaga si Robie bilang isang farm manager sa manukan ni Biboy. Napasok naman siya sa pagtatari nang makadalo siya sa seminar ni Dok Teddy Tanchangco, kung saan ang isa sa kanyang napag-aralan ay ang pagtatari. Para mahasa pa rito ay sumailalim siya sa pagsasanay ng mga batikang mananari gaya nina Albert Margen, Angelo at Noli Estrellado. Nang mahasa na sa pagtatari ay isinabak agad siya ni Biboy sa mga sinasalihan nitong laban. Hanggang sa unti-unting  siyang nakilala bilang isang mahusay na babaeng mananari. Ilang ulit na nga siyang naitampok sa mga palabas sa telebisyon at naging laman din ng mga magasin.

                Wala namang ibang sikreto si Robie sa pagtatari. Kung ano ang ginagawa ng iba ay ganun din ang kanyang ginagawa. Pero siyempre, kanya-kanya lang sila ng pagsipat sa tari. Mahalaga na alam mo kung ano ang babagay sa binti at laro ng manok.  Para sa kanya, wala namang espesyal sa gaya niya na babaeng mananari gaya nang iniisip ng iba. Marahil ay malakas lang talaga ang karisma ni Robie dahil para siyang isang muse o modelo ang dating. Pero kahit marami ang humahanga ay nananatili pa rin siyang simple at ‘di nagsusuplada.  Ang maganda pa, lumikha na rin siya ng sariling pangalan sa kasaysayan ng sabong sa Pilipinas at ‘di lang dahil siya ay farm manager ni Biboy Enriquez. 

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Robie Yu Panis: Princess Gaffer at Manager ng Firebird Gamefarm
Robie Yu Panis: Princess Gaffer at Manager ng Firebird Gamefarm
https://2.bp.blogspot.com/-oOaZrz46rVE/Wj9aH8zPdAI/AAAAAAAAE7M/RRSvMI6KPC4e-tW6RGhjcn8Tm_3RtGjXQCLcBGAs/s400/rob.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-oOaZrz46rVE/Wj9aH8zPdAI/AAAAAAAAE7M/RRSvMI6KPC4e-tW6RGhjcn8Tm_3RtGjXQCLcBGAs/s72-c/rob.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/robie-yu-panis-princess-gaffer-at.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/robie-yu-panis-princess-gaffer-at.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy