Rommel "Omeng" Angeles: Patas at Magaling na Sentensyador

SHARE:

                                    Hindi biro ang maging sentensyador dahil isa itong napakalaking responsibilidad. Sa kanila kasi nak...

                     

              Hindi biro ang maging sentensyador dahil isa itong napakalaking responsibilidad. Sa kanila kasi nakaatang ang pagdidesisyon kung nanalo ang manok o hindi. Bukod pa r’yan ay napakadelikado ng kanilang trabaho dahil may tari ang manok na kanilang hinahawakan. Ilan na rin ang nadisgrasya sa kanilang hanay. Bagama’t ganito ay ipinagpapatuloy pa rin nila ang kanilang propesyon dahil isa na itong passion para sa kanila.

            Isa sa mga sikat na sentensyador sa bansa na lagi nating nakikita sa malalaking derby ay si Rommel “Omeng” Angeles. Idolo niya at sinusundan ang yapak ng beteranong sentensyador na si Berong Javellana. Minsan na naming nakapanayam si Omeng sa Smart Araneta Coliseum nang isinasagawa ang World Slasher Cup.

            Noong bata pa lang si Omeng ay namulat na siya pagmamanok dahil ang kanyang tatay at lolo ay nagmamanok. Bukod sa pagiging sabungero, ang kanyang tatay ay isa ring sentensyador. Naengganyo siyang gayahin ang trabaho ng kanyang tatay dahil nakikita niya na bidang-bida ito kapag nasa gitna ng ruweda. Ikaw ba naman ang pinagtitinginan ng lahat ng tao sa sabungan.

            Taong 1996 nang pasukin niya ang pagiging sentensyador at magbuhat noon ay ito na ang kanyang naging propesyon. Noong una ay sa tupada muna siya nagsisentensya hanggang sa makapagsentensya siya sa Pasig Square Garden noong 2002. Pagkatapos nito ay naiimbitahan na siyang magsentensya sa pasabong ng mga asosasyon gaya ng NGBA. Hanggang sa maging sentensyador siya sa Araneta Coliseum sa pamamagitan ni Jun Santiago.

            Bilang isang sentensyador, kung saan-saang lugar nakararating si Omeng. ‘Di na mabilang ang mga sabungan na kanyang napuntahan. Ano ba ang sikreto ni Omeng at bakit tumagal siya sa ganitong trabaho? Ayon sa kanya ay patas kasi siyang humatol. Hindi siya marunong manlamang kaya naman nakuha niya ang tiwala ng mga promoter. Sinisiguro niya na nagagawa niya nang maayos ang kanyang trabaho para walang masabi ang mga nag-iimbita sa kanya.

            Ayon kay Omeng, kapag sentensyador ka, siyempre dapat marunong kang tumingin nang paluan ng manok. Importante rin na kapag basaan ay makita mo talaga kung aling manok ang huling tumuka. Pero minsan daw ay ‘di rin naiiwasan na magkamali ang sentensyador dahil nagkamali ng tingin. Akala nila tumuka, pero ‘di naman pala tumuka.Kung inaakalang may pagkakamali sa hatol ay  maaari namang dumulog sa committee para mareview ang laban.

            Bibilib ka kay Omeng dahil siya ang tipo ng sentensyador na ‘di na naglalagay ng proteksyon sa pulso. Nag-iingat naman daw siya nang husto kaya’t ‘di na niya kailangan pang maglagay ng ganito.

            Kung tatanungin ang rate ng isang sentensyador, sinabi ni Omeng na nakadepende ang bayad kung maliit ba o malaki ang sabungan. Maaari silang kumita ng limang libo sa isang gabi. Kapag kalakasan o peak season, sa loob ng isang buwan ay nag-iikot sila sa probinsya. Nakaka-sampu hanggang labinlimang gabi siyang nakakapagsentensya. Minsan nga, sa dami nang imbitasyon sa kanya ay natatanggihan na niya ang iba.

            Ang masasabi naman ni Omeng sa mga kapwa niya senstensyador ay maging patas lang sila. Huwag hahaluan nang sugal ang trabaho dahil dito nag-uumpisa ang problema. Mas nakatuon kasi ang isip nila sa sugal kaysa sa trabaho. Bukod pa r’yan ay baka maisipan pang dayain ang hatol. Matatalino raw ang mga tao ngayon kaya’t ‘di rin basta-basta maloloko.

            Dahil sa trabaho ni Omeng ay naging maganda ang buhay ng kanyang pamilya. Dahil sa pagsisentensya ay nakapagpundar siya ng bahay, nakabili ng sasakyan at napapag-aral pa niya ang kanyang mga anak sa private school. Kaya’t masaya talaga si Omeng sa propesyon na kanyang pinasok.

            ‘Yan si Omeng, patas at magaling na sentensyador!







COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Rommel "Omeng" Angeles: Patas at Magaling na Sentensyador
Rommel "Omeng" Angeles: Patas at Magaling na Sentensyador
https://3.bp.blogspot.com/-J2o0IV-TKyU/WjN8vsJlMwI/AAAAAAAAEwc/mrkvOeIm5NI9MXVBMaoM_VsloHRXJyRoQCLcBGAs/s400/screen-14.23.05%255B15.12.2017%255D.png
https://3.bp.blogspot.com/-J2o0IV-TKyU/WjN8vsJlMwI/AAAAAAAAEwc/mrkvOeIm5NI9MXVBMaoM_VsloHRXJyRoQCLcBGAs/s72-c/screen-14.23.05%255B15.12.2017%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/rommel-omeng-angeles-patas-at-magaling.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/rommel-omeng-angeles-patas-at-magaling.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy