Tapang ng White Bloodline

SHARE:

                                                Karaniwan na lang ngayon na makakakita ka ng puti sa sabungan. Sa mga farm, ginagawa ni...

                                  

             Karaniwan na lang ngayon na makakakita ka ng puti sa sabungan. Sa mga farm, ginagawa nilang pangulay para ‘di manibago ang manok nilang pula kapag may nakakaharap na puti sa sabungan. Kapag ‘di kasi sila pamilyar dito, maaaring kumikig pa ang manok nila, sa pag-aakalang babae ang kaharap. Dahil dito, posibleng maunahan ng palo ng puti ang pula.

            Pero dati-rati, ‘di gaanong ginagawang panlaban ang manok na puti. Iniisip kasi ng mga sabungero noon na para lang itong native chicken o pangkatay lang. Pero nag-iba ang paniniwala ng mga sabungero nang sumikat noong dekada ‘ 80 ang  Zamboanga White ni Boy Primallion. Gumawa kasi ito ng pangalan o kasaysayan sa larangan ng sabong nang magpapanalo ang manok niyang ito.

             Sa isang panayam kay Boy, sinabi niya na ang kanyang puti ay galing sa pulang manok. Naniniwala siyang throwback ito mula sa linyadang Whitehackle. Ang manok niyang ito ay ayaw mag-perform kapag kanyang ibinibitaw. Pero ibang klase naman diumano kung maglaro sa ruweda dahil mautak at talagang  napakagaling umilag. Kung kaya’t nagpasya siyang paramihin ito. Maging ang mga naging supling din ng kanyang puti ay ganun ding maglaro. And the rest is history, ‘ika nga.

            Nang sumikat ang Zamboanga White ni Boy, dito na rin nag-umpisa na maglaban ng mga iba pang off-colored ang maraming sabungero gaya ng gold, abuhin, grey, hennie at iba pa. Marahil ay naisip nila na wala naman sa kulay ng manok kundi nasa dugo ito. Puwede naman kasing i-cross ang puti sa pula. Kumbaga, kulay lang naman ang naiiba at hindi ang mismong performance. Magtatalu-talo na lang sa pagdating sa kung paano ihanda ang manok.

Charlie Cruz
           Ilan lang sa mga sikat na breeder na nagpapalahi ng puti ay si Charlie Cruz ng Candice Jean Gamefarm. Mayroon siyang puti na tinatawag na Slim Benoist Silver Bullet line sa kanyang manukan. Maganda rin ang performance nang nasabing manok.

`           Nariyan din si Art Lopez ng ARL Gamefarm, kilalang-kilala ang palahi niya na White Hatch at White Kelso. Ayon sa mga nakasubok na sa bloodline ni Art, malalakas itong pumalo. Medyo angat-sarado, pero marunong ding mag-break sa baba.

Biboy Enriquez
             Maging ang tinaguriang Kelso Man of the Philippines na si Biboy Enriquez ay mayroon ding mga manok na puti. Ilang beses na rin silang nagkampeon sa mga pasabong gamit ang kanilang mga puti. Minsan nang tinawag ang manok niyang ito na Robie White dahil naging paborito ito ng kanyang farm manager at mananari na si Robie Yu Panis. Pero itinigil na rin nila ang ganitong katawagan dahil marami ang nagkakamali na halaw ang pangalan na ito mula sa Amerikanong breeder na si Robbie White.   

            Puti na lang din ang pinag-uusapan, banggitin na natin ang pamilya Plaza na may tinatawag na White General. Binansagan nila itong ganito dahil mala-heneral ang tindig ng manok nilang ito. Kumbaga ay machong-macho o lalaking-lalaki. Nanggaling ang manok na ito sa isang backyard breeder mula sa Butuan. Ang nakakuha ay si Mayor Democrito “Boy Daku” Plaza. Ang White General ay throwback ng Joe Zannino White pagkatapos ay dinebelop na lang ng mga Plaza. Sumikat nang husto ang White General nang manalo sa BAKBAKAN at World Slasher Cup ang ilan sa mga miembro ng pamilya Plaza.

            Marami pang mga malalaking breeder ang nagpapalahi ng puting manok sa kanilang farm. Hahaba lang ang listahan kung iisa-isahin pa. Pinapatunayan lamang na sadyang may taglay na husay ang manok na puti. Dahil kung hindi ay wala nang maglalaban ng ganitong manok. Hindi nga lang natin maiaalis sa ibang sabungero na naniniwala sa pamahiin na may araw na malas kapag maglalaban ng puti o iba pang kulay ng manok. Pero para sa mga White fanatics, kahit ano’ng  araw ay puwede naman nilang ilaban ang kanilang manok. Kabisado nila kasi ang kanilang panlaban dahil sila ang nag-aalaga at nagkukundisyon dito.


            Ano kasabong, larga na… sa pula, sa puti!

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Tapang ng White Bloodline
Tapang ng White Bloodline
https://4.bp.blogspot.com/-YF2F9-VqwP0/WjjJfMrM2kI/AAAAAAAAE1g/jeih8xHvH6E9qois3I89b8xhpznWF5oRgCLcBGAs/s400/DSC_0537.JPG
https://4.bp.blogspot.com/-YF2F9-VqwP0/WjjJfMrM2kI/AAAAAAAAE1g/jeih8xHvH6E9qois3I89b8xhpznWF5oRgCLcBGAs/s72-c/DSC_0537.JPG
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/tapang-ng-white-bloodline.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/tapang-ng-white-bloodline.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy