Tibay ng Blues Bloodline

SHARE:

Photo via Pinterest               Kung manok na iba-iba ang kulay ang gusto mo, marahil ay kursunada mo ang Blues o ng Abuhin. Mayroon ...

Photo via Pinterest
             Kung manok na iba-iba ang kulay ang gusto mo, marahil ay kursunada mo ang Blues o ng Abuhin. Mayroon itong halong pula, puti, dilaw, itim, etc. ‘Di ba’t cool na cool itong tingan dahil sa iba-ibang kumbinasyon ng kulay?

            Sinasabing maraming breeder ang nagdebelop ng Blues. Isa na sa mga kinikilalang nagpalahi ng strain na ito ay si W.S. Church na nagpalahi nang tinatawag na Carolina Blues.  Taong 1908 pa nang una niya itong dinebelop. Galing ito sa Pyle na blue red straight comb at peacomb.

            Sumikat din ang Smith Blues ni Dave Smith. Nakuha niya ang manok niyang ito sa kanyang tiyuhin na si Dr. J.H. Love. Kumbinasyon ito ng Arkansas Traveler at Allen Roundhead.  Kinakitaan ng galing ang manok niyang ito dahil mabilis kumilos at magaling ding mag-cut.

            Nakilala rin ang Typewriter Blues ng mahistradong si Ed Wilkens. Nakuha niya ito mula kay Captain Oakley Blues. Binigyan siya nito ng tatlong inahin na tinatawag na Oakley Blues. Noong una ay ‘di pa niya kursunada ang Blues. Mahilig kasi siya sa pulang manok. Kakatayin na nga sana niya ang Blues na lalaki dahil inakala niyang may depekto ang manok na ganito ang kulay. Nang malaman ng anak niya ang kanyang plano ay inarbor niya ito sa kanya. Minsan ay inilaban ng anak ni Ed ang Blues at nagalingan siya sa performance na ipinakita nito. Buhat noon ay nagbago ang kanyang pananaw  hinggil sa Blues. Tinawag niyang Typewriter Blues ang manok niyang ito dahil parang makinilya ang tunog na naipuprodyus nito.

            Nariyan din ang tinatawag na Straight Comb Blues ni Nick Vipond ng Straton, Illonois Ang manok niyang ito ay straight comb at galing ng Ireland. Mayroong may pagka-blue at mayroon din namang may pagkapula ang balahibo. May white legged at mayroon ding dark legged. Ang white legged ay may mapulang mata habang ang dark legged naman ay may maputing mata. Pinaghahalo niya lang ang mga ito sa isa’t isa. Ilan lang sa nabahaginan niya ng kanyang Blues ay si George Hasel at Lloyd Miner na nakilala dahil sa bloodline nito na Miner Blues. Hanggang ngayon ang Miner Blues ay sikat pa rin dahil patuloy pa rin itong pinag-uusapan ng mga  sabungero sa kanilang kuwetuhan o ‘di-kaya’y sa forum sa internet.

            Dito sa Pilipinas ay marami ring mga nagpapalahi ng Blues. Ilan lang sa mga kilalang breeder na sikat sa bloodline na ito ay ang magkapatid na sina Lino at Lito Mariano. Ang manok nila ay tinatawag na Matutum Blues. Limang pamilya ng Sweaters ang kanilang pinagsama-sama para mabuo ang kanilang Blues. Kung maglaro raw ito ay multiple shuffler.

            Banggitin na rin natin ang Mitra Blues ni Baham Mitra. Ang manok niyang ito ay minana pa niya mula sa kanyang nasirang ama na si House Speaker Ramon Mitra. Ag Mitra Blues ay lumikha ng ingay noong dekada ’80 dahil nagpapanalo ito sa sabong. Ang maganda hanggang ngayon diumano ay consistent pa rin ang performance nito.
             
            Maging si Dennis de Asis ng WDA-DDA Gamefarm na nakabase sa Bacolod ay nagpapalahi rin ng Blues. Iniregalo lang ito sa kanya ng isang mentor. Noong una ay ‘di niya kursunada ang manok na ito, ginagawa niya lang pangulay sa farm  at sa stag derby. Mayroon siyang suki na mahilig sa Blues at sinuwerte dahil sa manok na ito. Kaya naman patuloy siyang nagpapalahi ng Blues. Ang original Blues diumano ay magandang mag-cut, pero paangat-angat lang at kulang sa tapang. Pero nang inihalo niya ito sa Hatch ay nag-iba ito. Naging matapang ito at nagkaroon ng gigil. Sa madaling salita ay gumanda ang laro ng kanyang Blues.  

            Isa pa sa nagpapalahi ng Blues sa atin ay si Norman Rañon ng Nueva Viscaya. Ang kanyang manok ay tinatawag na Viscaya Blues o kilala rin sa Super Blues. Kumbinasyon ito ng Sweater, Hatch at ng Kelso. Ayon sa kanya ay mautak ang kanyang Blues dahil ‘di basta-basta nagpapauna sa kalaban. Kapag pumalo may paglalagyan ang kalaban.

          Ikaw kasabong, trip mo rin ba ang Blues? 

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Tibay ng Blues Bloodline
Tibay ng Blues Bloodline
https://3.bp.blogspot.com/-eRNSy7okgZc/Wj4iNdrUVEI/AAAAAAAAE64/nLoEDwIwD4AB2Ju59URDwzVw_SWg8CrlQCLcBGAs/s400/game-fowl-blues-traveler.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-eRNSy7okgZc/Wj4iNdrUVEI/AAAAAAAAE64/nLoEDwIwD4AB2Ju59URDwzVw_SWg8CrlQCLcBGAs/s72-c/game-fowl-blues-traveler.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/tibay-ng-blues-bloodline.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2017/12/tibay-ng-blues-bloodline.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy