Government Employees, Bawal na nga ba sa Sabungan?

SHARE:

                                         Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga sabungero sa social media kung bawal na nga ba ang mga g...

                             

           Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga sabungero sa social media kung bawal na nga ba ang mga government employee sa loob ng sabungan. Mayroon kasing mga larawan na kumalat kung saan ay ipinaskil ng mga pulis ang karatula na bawal ang government employees sa loob ng sabungan. Ibinahagi ang mga larawan ng Facebook user na si Jin Sinkara Xiu.

            Nangyari ang pagpapaskil ng karatula sa Tatang’s Coliseum at New Bongabon sa Nueva Ecija. Naitanong tuloy ng mga sabungero kung pangkalahatan na ba ang ganitong ordinansa o utos lang ito ng pamahalaang lokal ng Nueva Ecija?

            Mayroon ng ordinansa na katulad nito kung saan ay ipinagbabawal ang mga government employee na magsugal sa loob ng casino. Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 8  na inilabas ng Office of the President noong 2001. Iniisip ng iba na may kinalaman ito rito gayung magkaiba naman ang casino sa sabong.

            Halimbawang kung pangkalahatan daw ang pagbabawal ng government employee sa loob ng sabungan, paano na diumano ang mga sabungerong pulitiko na sa tuwi-tuwina ay parukyano na ng mga sabungan?  Napakarami pa naman nila kabilang na sina Cong. Patrick Antonio, Gov. Eddie ‘Bong’ Plaza at iba pa. Mula sa mataas hanggang sa pinakamababang sangay ng gobyerno ay may sabungerong pulitiko. Ilan pa nga sa kanila ang nagpapatakbo ng sabungan. Puwede pa naman daw silang magsabong, ‘yung mga tao lang nila ang naka-front sa loob ng sabungan. Mahilig pa namang magbitaw sa ruweda  ang ilan sa kanila. Kaya’t siguradong mahirap ito para sa kanila lalo na’t nakasanayan nila ito.




               Ipinagpapalagay ng iba, iniiwasan lang diumano ng gobyerno ang pagsusugal ng kanilang mga kawani. Maaari kasing maging ugat pa ito ng kurapsyon. Ang perang ipinangpupusta pala ay galing na sa pondo ng gobyerno at ‘di galing sa sarili nilang bulsa. Pero kontra naman ang iba rito, nasa tao na rin mismo ang pagiging kurap at walang kinalaman ang sabong dito. Lalo na’t ang sabong ay itinuturing na laro ng mga maginoo.

            Naniniwala ang iba na wala namang masama kung magsabong man ang isang government employee basta’t ‘di oras ng trabaho at naka-civilian ito. Siyempre, ang pinakaimportante ay sariling pera ang ipinangtataya nila.

            May mga pulis din na nagsasabi na ngayon ay ‘di na rin sila basta nagpupunta sa loob ng sabungan. Pinagbawalan daw kasi ng kanilang opisyal na huwag nang tumambay sa sabungan. Dahil bilang pulis ay pangit diumano na makita na sila ay nagsusugal. Ito ay base lang sa dalawang pulis na aming nakausap.

            Ano naman kaya ang opinyon dito ng mismong mga sabungerong pulitiko dahil sila ang mas tatamaan ng ganitong ordinansa at ‘di ang mga ordinaryong mga kawani ng gobyerno na mga sabungero rin?


COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Government Employees, Bawal na nga ba sa Sabungan?
Government Employees, Bawal na nga ba sa Sabungan?
https://1.bp.blogspot.com/-ArhslVQX_tg/WmMXONd14II/AAAAAAAAFUQ/mScg73w5RAQ8ihksBBqy-frH1Mbu-jEAwCLcBGAs/s400/26903909_1601948506567929_3630232576911345797_n.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-ArhslVQX_tg/WmMXONd14II/AAAAAAAAFUQ/mScg73w5RAQ8ihksBBqy-frH1Mbu-jEAwCLcBGAs/s72-c/26903909_1601948506567929_3630232576911345797_n.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/01/government-employees-bawal-na-nga-ba-sa.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/01/government-employees-bawal-na-nga-ba-sa.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy