Mga Eba sa Mundo ng Sabong

SHARE:

Si Robie Yu Panis at Janine Gonzales             Dati-rati ay itinuturing ang sabong bilang laro ng kalalakihan. Pero sa paglipas ng pa...

Si Robie Yu Panis at Janine Gonzales
            Dati-rati ay itinuturing ang sabong bilang laro ng kalalakihan. Pero sa paglipas ng panahon ay nagbago na ito.Pinapasok na rin kasi ng kababaihan anng sabong matapos nilang maunawaan na maganda pala ang isport na ito dahil sa kakaibang saya na dulot nito sa sinumang nagsasabong. Kaya’t ‘di na dapat magtaka kung makakita man ng mga babae sa sabungan. Sila ang nagsisilbing ‘charm’ o ‘glamour’ sa gitna ng mga tigasing sabungero. Lalo nilang pinatitingkad ang dati nang makulay na mundo ng sabong.

            Hindi lang basta pinasok ng kababaihan ang larangan ng sabong, ang ilan din sa kanila ay lumikha na ng pangalan. Nangunguna na sa ating listahan si Osang dela Cruz, sadyang hindi matatawaran ang kanyang naging record dahil ilang ulit na siyang nagkampeon sa mga laban na kanyang sinalihan. Kaya’t kung meron mang numero unong iniidolo ang mga sabungera, siguradong siya ‘yun.

            Siyempre, nariyan din si Robie Yu Panis na nagsisilbing farm manager at mananari ng Firebird Gamefarm na pagmamay-ari ng beteranong breeder na si Biboy Enriquez. Marami ang humahanga kay Robie, hindi lang dahil sa kaaya-aya niyang hitsura kundi dahil sa husay nitong magtari. Binansagan pa nga siya ng bilang prinsesa ng tari. Kumbaga sa rosas, maganda mang tingnan ay matinik din pala. Pero kahit sanay nang magtari, hindi pa rin nawawala sa kanya ang kaba kapag siya ay nasa ibabaw ng ruweda. Kapag natatalo nga lang siya, doon na siya nakakaramdam ng gigil. Hinihikayat ni Robie na subukin ding pasukin ng  iba pang mga babae ang sabong para malaman nila kung ano talaga ang mayroon dito.

            Bukod kay Robie, sikat na rin si Janine Gonzales. Mayroon din kasi itong taglay na charm at mahusay pang magmanok o magsabong. Makikita nga na siya mismo ang nagbibitaw ng kanyang manok sa sabungan. Ang pagmamanok o pagsasabong ay ‘di lang basta libangan para kay Janine kundi isa rin itong negosyo. Kaya naman pinagkakakitaan niya rin ang hilig niyang ito.

            Nariyan din si Rhona Bullecer na bata pa lang ay namulat na sa mundo ng sabong. Ang kanya kasing tatay at mga kapatid na lalaki ay pawang nagsasabong. Madalas nga siyang isama ng kanyang tatay noon sa sabungan. Hanggang sa kinalakihan na niya ang hilig sa pagmamanok. Pero nakapagtayo na lang siya ng farm noong makapagtrabaho na siya sa ibang bansa. Ang pagsasabong ang nagsisilbing bonding ng kanyang pamilya. Hindi lang basta sabungera si Rhona kundi isa rin siyang promoter sa isang sabungan sa Rizal.

            Ilan pa sa kakababaihan na inovolved sa sabong ay sina Regine Gonzales, isang mananari mula sa Batangas, Janet Lufranco na isang propesa. Alexa regis ng Gamefowl Breeders Association of Bohol (GBAB) at marami pang iba pa. Siguradong marami pa sila. Marahil ilan sa kanila ay asawa ng sabungerpo o ‘di-kaya’y galing sa pamilya ng mga magmamanok. Kung hindi naman kusa na lang nilang natuklasan ang kagandahan ng sabong.   

            Ayon sa mga sabungera na aming nakausap, hindi maiiwasan na mayroon manganagantiyaw sa kanila kapag sila ay nasa sabungan.Hindi pa kasi tanggap ng iba ang mga babaeng mananabong. Simple lang naman ang sagot nila rito,kung kaya ng lalaki ay kaya rin naman ng mga babae. Sabi nga ni Ma’am Osang, “Manok lang naman ang naglalaban dito, hindi tayo”. Saka mas iba raw ang hipo ng babae sa manok. Isa pa, mas pasensyoso ang mga ito kumpara sa mga lalaki.


            Kung may mga hindi sang-ayon, siyempre meron din namang mga sumasaludo sa mga sabungera. Kung tutuusin nga raw, masuwerte  ang isang sabungero kapag ang asawa ay mahilig din sa manok dahil wala na silang kailangang pagtalunan pa. Hindi kaila sa atin na ang asawa ng ilang sabungero ay kontra sa kanilang pagmamanok. Nauunawaan nila na ang sabong ay wala namang pinipiling kasarian, mapa-babae man o lalaki. Kahit pa ang mga tinatawag na kasapi ng ikatlong kasarian ay welcome rin. Sabi nga ni Robie Panis, ‘Mas  marami, mas maganda ‘.  Ngayon, sino ang magsasabi na hindi puwede ang kababaihan sa sabong?

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Mga Eba sa Mundo ng Sabong
Mga Eba sa Mundo ng Sabong
https://1.bp.blogspot.com/-y3oJDgon0vM/Wm6aBykfXPI/AAAAAAAAFbY/tbZvn3Nmico86sEU1jK2bDAYFmXoFYfBQCLcBGAs/s400/screen-11.45.23%255B29.01.2018%255D.png
https://1.bp.blogspot.com/-y3oJDgon0vM/Wm6aBykfXPI/AAAAAAAAFbY/tbZvn3Nmico86sEU1jK2bDAYFmXoFYfBQCLcBGAs/s72-c/screen-11.45.23%255B29.01.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/01/mga-eba-sa-mundo-ng-sabong.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/01/mga-eba-sa-mundo-ng-sabong.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy