Napungusan Versus 'di Napungusan na Manok

SHARE:

                                   Bakit nga ba pinupungusan ang manok-panabong gayung parte naman talaga ito ng katawan ng manok? Sa...

                 

                 Bakit nga ba pinupungusan ang manok-panabong gayung parte naman talaga ito ng katawan ng manok? Sabi ng iba, mas pogi raw tingnan ang manok na walang palong kumpara sa meron.
                Naniniwala ang maraming sabungero na ang pagpupungos ng palong ng manok ay isa ng rituwal gaya nang ginagawang pagpapatuli ng mga tao. Kumbaga, ang pagpupungos ay kinagawian na kahit ng mga naunang sabungero. Sinasabi  na may advantage sa laban ang napungusan na manok. Kapag tinamaan kasi ng tari ang palong ay siguradong magdurugo ito at aagos sa mata ng manok. Kaya’t mahihirapan itong makita ang pag-atake ng kalaban.

                Isa pa, nakabibigat din sa manok ang palong kung kaya’t maaari itong makasagabal sa pagkilos ng manok. Kung sasali sa derby ay dagdag na agad ito sa timbang.

                Nasa sabungero naman kung pupungusan niya ang manok o hindi. May ilan din kasing mga sabungero na ‘di naniniwala na may advandtage ang walang palong sa laban. Una, kapag inulot mo raw ang manok na may palong ay madali kang labanan dahil hindi guwapo ang manok mo. Maaari pa nga raw na maging helmet o proteksyon ng manok ang kanyang palong. Kapag tinamaan daw kasi ng tari imbes na sa ulo ang diretso ay sa palong ito tatami. Kung dugo naman daw na aagos sa mata  ng manok ang problema ay kaya naman itong indahin. Nasa pagkukundisyon lang naman daw ito.

                Maganda lang diumanong pungusan ang manok kung ito ay iyong papupogiin para gawing pambenta. Alam naman natin na karamihan ng buyer ay poging manok ang hinahanap. Pero kung panlaban ay mas gusto nila ang may palong.

                Sabi naman ng iba, depende na rin ito sa palong.  Kung malaki ang  palong ng manok ay makabubuting alisin na lang ito. Kung’di naman malaki at makasasagabal ay kahit ‘di na ito pungusan.

                Pagdating naman sa materyales, mas gusto ng iba ang broodcock na mayroong palong. Attractive raw kasi sa inahin ang manok na may palong. Mas malaking palong, mas mayroon daw dating. Base sa karanasan ng ilang breeder, mas masigla ang sisiw na ang tatay ay hindi napungusan. Sa palong din diumano nakikita kung healthy ang isang broodcock. Kapag mapula ang palong ay senyales ito na malusog ang broodcock.

                Siyempre, mayroon ding naniniwala na mas magandang gawing materyales ang manok na may palong kumpara sa wala. Para sa kanila, parehas lang naman itong uubra. Wala diumanong basehan na mas malusog ang semilya ng may palong. Paano naman daw ang mga nailabang manok na nanalo na kapag gusto mong gawing broodcock? Kapag healthy at quality naman ang manok ay malusog din ang maipuprodyus nito.

                Gaya nga nang nasabi na, nasa sabungero na rin kung gusto nitong pungusan o hindi ang manok. Yamang pagdating sa pagpapalahi o pagsasabong ay may kanya-kanya tayong sistema na sinusunod. Ang importante, epektibo ito sa iyo.



COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Napungusan Versus 'di Napungusan na Manok
Napungusan Versus 'di Napungusan na Manok
https://2.bp.blogspot.com/-zfYt6ne7dP8/WlsrJCtrSNI/AAAAAAAAFSQ/GmHON91RWqcWSCIxY-rYN_K8ytmo2mxpQCLcBGAs/s400/DSC_0553.JPG
https://2.bp.blogspot.com/-zfYt6ne7dP8/WlsrJCtrSNI/AAAAAAAAFSQ/GmHON91RWqcWSCIxY-rYN_K8ytmo2mxpQCLcBGAs/s72-c/DSC_0553.JPG
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/01/napungusan-versus-di-napungusan-na-manok.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/01/napungusan-versus-di-napungusan-na-manok.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy