Online Sabong, Dapat bang Ipahinto ng Gobyerno?

SHARE:

                                      Dati nang hiniling ng Liga ng Eksplosibong  Pagbabago, Inc. (LEPI) sa Supreme Court na ipatigil n...

                         

            Dati nang hiniling ng Liga ng Eksplosibong  Pagbabago, Inc. (LEPI) sa Supreme Court na ipatigil na ng gobyerno ang online cockfighting betting dahil nalulugi diumano ang gobyerno ng 350 million pesos. Pero ang tinutukoy lang nila na online sabong ay ‘yung nasa offtrack betting stations na para sa karera lang ng kabayo na ginagamit na rin sa sabong. Mas tinatangkilik daw kasi ng mga mananaya ang sabong kaysa karera ng kabayo.

            Pero kung ang pag-uusapan ay pangkalahatan na; papayag ka ba kasabong na ipatigil na ng gobyerno ang online sabong? Para kasing kabute na nagsulputan ang mga ito. Napakarami ng mga sabungan ang mayroong live streaming. Hindi lang naman para makapanood ang mga OFW ang layunin ng mga nagpapatakbo nito kundi para pagkakitaan din ang mga ito. Kaya naman biglang naglitawan ang mga nagpapatakbo ng onlie sabong, legal man o illegal. Ilang beses na ba tayong nakabalita na may niraid ang kapulisan na sabungan dahil wala silang permit para mag-live streaming.

            May mga nagsasabi na isang biyaya ang pagkakaroon ng online sabong dahil kahit nasa ibang bansa sila ay nakakapanood sila ng laban. Dahil dito ay nababawasan ang kanilang pagka-homesick o pangungulila sa sabong. Alam naman natin na karamihan sa mga bansa sa buong mundo ay ipinagbabawal ang sabong dahil para sa kanila isa itong kalupitan sa hayop.

            Sa kabilang banda, marami ring mga maybahay ang nagrereklamo na nagugumon ang kanilang mga mister sa online sabong. Ang perang para sa pamilya sana ay napupunta pa sa sugal. Pero kung iisipin, mapa-virtual man o kapag nasa mismong sabungan ay may mga kaso naman talaga na ganito. Nasa tao na rin naman kung itutodo niya ang pagpusta. Alam naman niya na siya rin ang masisilat kung saka-sakali. Ang disiplinadong sabungero ay marunong magpigil sa sarili. Hindi maaaring idalihan na nakalilimot lang sa sarili o naglilibang lang nang husto dahil siguradong maaapektuhan ang buhay-pamilya.

            Kung marami nang nagsipagsulputang online sabong, ibig sabihin ay marami na rin itong nalikhang trabaho kung kaya’t nakatutulong ito sa kabuhayan ng mga bumubuo rito. Hindi lamang silang proprietor at financier. Kundi pati na rin ang mga CSR, camera man, webmaster, etc. Wala naman sigurong problema kung legal ang negosyo. Magiging masama lang ito kung illegal ito dahil wala silang binabayarang buwis sa gobyerno.

            Ganun lang siguro, sumasabay din sa teknolohiya ang sabong. Kaya’t naging hi-tech na rin ang sabong ngayon. Maaari lang itong ipatigil ng gobyerno kung may malakas na panawagan mula sa publiko. Pero kung wala naman, bakit nila ito pakikialaman?

            Gaya nga nang nasabi na mapa-online man ‘yan o hindi, hinay-hinay lang dahil lahat ng sobra ay nakasasama!



COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Online Sabong, Dapat bang Ipahinto ng Gobyerno?
Online Sabong, Dapat bang Ipahinto ng Gobyerno?
https://2.bp.blogspot.com/-L6vAi-Scja0/WktnwoJ5BNI/AAAAAAAAFGM/zpvXJOugTFIjuNkASDFPO66seAmpFk6UACLcBGAs/s400/IMG_0950.JPG
https://2.bp.blogspot.com/-L6vAi-Scja0/WktnwoJ5BNI/AAAAAAAAFGM/zpvXJOugTFIjuNkASDFPO66seAmpFk6UACLcBGAs/s72-c/IMG_0950.JPG
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/01/online-sabong-dapat-bang-ipahinto-ng.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/01/online-sabong-dapat-bang-ipahinto-ng.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy