Partida sa Sabong, Dapat nga ba?

SHARE:

                                  Kung ikaw ang tatanungin, handa ka bang magbigay ng partida sa kalaban mo? Ang partida ay karaniwang gin...

                          

       Kung ikaw ang tatanungin, handa ka bang magbigay ng partida sa kalaban mo? Ang partida ay karaniwang ginagawa kung medyo alanganin ang manok nang makakalaban mo. Halimbawa, kung mas maliit ang manok niya kaysa sa iyo. Siyempre, hindi patas kaya’t hihingi ng partida ang kabilang panig.

Ilang video na ang napanood natin sa social media na may mga sabungero na nagbigay ng partida sa kanilang kalaban. Merong malaking manok na walang tari na dalawang bantam ang naging kalaban. May tari nga ang mga bantam, pero hirap naman sila na maabot ng palo ang kalaban. Kaya’t sa huli ay natalo lang ang mga ito.

Mayroon din naman na binigyan ng partida ang kalaban kung saan ay ginawang dalawa at mayroon pang apat hanggang anim ang tari. Samantalang ang manok niya ay isa lang ang tari. Talo pa rin ang mga nagbigay ng partida. Nasabi tuloy ng mga nakapanood sa video na para lang nagtapon ng manok at ng pera. Sana raw ay ‘di na naglaban kundi ibinigay na lang sa kalaban ang manok at pera nito. Total naman ay parang ganun din ang nangyari.

Hindi naman natin mapipigilan ang ilan nating mga kasabong kung gusto nilang magbigay ng partida. Pinag-usapan naman nila ‘yun. Kaya nga lang ay nakakantyawan ng ibang mananabong. Dahil nangyayari na kung sino pa ang nagbibigay ng partida ay ‘yun pa ang natatalo.

Bakit ‘di na lang pagparesin ang dalawang manok na magkasing height o magkasinglaki ng katawan para ‘di na kailangan ng partida. Kunsabagay, masaya rin namang manood ng laban na may partida. Pero bago magbigay ng partida, mag-isip-isip muna. Huwag naman ‘yung pagbibigyan mo ang kalaban mo na gawing apat o anim ang tari ng manok niya. Hindi naman robot ang katawan ng manok mo para ‘di tablan ng sandata. Nagbabakasakali ba na mabigatan ang manok na maraming tari kaya’t ‘di masyadong makaporma?

Oh, ano kasabong, papartida ka ba?


COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Partida sa Sabong, Dapat nga ba?
Partida sa Sabong, Dapat nga ba?
https://4.bp.blogspot.com/-Jks3XpnBYLM/WmhnKdt6YcI/AAAAAAAAFXs/LCiQv0lC1VQURjFcexYhjoHOmnYnSiInwCLcBGAs/s400/screen-18.55.48%255B24.01.2018%255D.png
https://4.bp.blogspot.com/-Jks3XpnBYLM/WmhnKdt6YcI/AAAAAAAAFXs/LCiQv0lC1VQURjFcexYhjoHOmnYnSiInwCLcBGAs/s72-c/screen-18.55.48%255B24.01.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/01/partida-sa-sabong-dapat-nga-ba.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/01/partida-sa-sabong-dapat-nga-ba.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy