Sa Pakikipag-ulutan ng Manok

SHARE:

                                      Kapag nasa ulutan ka, sinasabing dito mo maririnig ang lahat ng kasinungalingan ng mga sabungero da...

                        

             Kapag nasa ulutan ka, sinasabing dito mo maririnig ang lahat ng kasinungalingan ng mga sabungero dahil parang sinisiraan nila ang sarili nilangmanok. And’yan ‘yung sasabihin na reject, baldado, mestizo, may sipon at iba pa. Ginagawa nila ito para madali silang makakuha  ng makakalaban. Ang iba namang ‘di pa sanay sa ganitong gimik, naniwala agad gayung may itinatago palang galing ang sinabing pangit na manok. Natural na yata ang ganito sa ulutan kaya’t mas maganda na maging mapili sa paghahanap nang makakalaban.

            Ipinapayo ng iba na kapag makikipag-ulot ka huwag diumanong lalaban sa manok na mas mataas ang manok kaysa sa iyo. Mas mainam kung mas maliit o parehas lang ang laki ng manok mo sa kalaban. Kung hackfight ang labanan ay huwag maglalaban ng bata, mas maganda kung magulang ang manok mo. Alam naman natin na mas matigas ang katawan ng manok kumpara sa bata. Tingnan din kung malaki ba ang kamay nang humahawak ng manok. Kapag malaki kasi ang kamay nang humahawak ng manok ay lumiliit ito sa paningin.

            Mas maganda rin na mag-obserba o tumingin-tingin muna. Sipatin ang manok na sa tingin mo ay magandang makalaban. Kapag may nakursunadahan ay saka iulot ang manok. Huwag masyadong magmadali na maiulot agad ang manok. Saka kapag ganito, ‘yung manok mo fresh pa samantalang sa iba nalamog na sa kapipisil ng iba.

            Meron din na pinapaulot ang kanilang manok sa kasama nila na mukhang lasing o gusgusin. Siyempre, mas gusto itong makalaban ng iba, sa pag-aakalang wala ito sa hulog. ‘Yun pala ay nagkukunwari lang para madaling makahanap ng kalaban. Kaya’t huwag basta magbabase sa hitsura ng isang tao. Sa manok lang tumingin.

            Tingnan din ang balahibo ng manok kung tuyo ba ito o sariwa. Mas maganda raw kasi na kung tuyo ang balahibo ng manok na lalabanan mo. Mas mabilis kasing kumilos ang manok kapag sariwa ang balahibo kumpara sa tuyo. Kapag sabug-sabog o buhaghag naman ang balahibo ng manok indikasyon ito na laging nakakulong ang manok. Kung ‘di ka naman sigurado na lalabanan ang manok ng iyong kaulatan ay huwag ikahig nang ikahig ang manok dahil nakauubos ito ng lakas ng ating panlaban.



Photo Credit: Makuri Makuru
             Maging mapagmatyag din dahil may mga nandaraya sa ulutan. May narinig na tayong mga kuwento na nmay nagdadala ng dalawang manok na magkapareho ang kulay. Ang mas maliit ang iuulot, tapos ang tatarian ay ang mas malaking manok na dala nila. Siyempre, patago nila ito kung tarian. Magtataka ka na lang, bakit parang lumaki ang kalaban mong manok? Hindi maganda ang ganitong gawain kaya’t kung sinuman ang gumagawa ng ganito ay makabubuting itigil na dahil ang sabong ay laro ng mga maginoo at ‘di ng mandaraya. Kapag nabuking malamang na ma-blacklisted na sa sabungan.

            Siyempre, bago ka makipag-ulutan dapat ay alam mong quality at naikundisyon mo nang husto ang manok mo. Importante rin na may tiwala ka sa manok. Kung kursunada mo namang labanan ang kaulot mo bakit, ilarga na ‘yan. ‘Di mo na kailangan pang gumimik katulad nang ginagawa ng ilan nating mga kasabong.

         ‘Yan lang mga kasabong, tuloy ang ulutan!
.


COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Sa Pakikipag-ulutan ng Manok
Sa Pakikipag-ulutan ng Manok
https://3.bp.blogspot.com/-2sIh1KZuFfM/WlWMwTQzUQI/AAAAAAAAFOg/MGdcjhZyS3wTrn5QyPajAqUXHM0ZsWAEACLcBGAs/s400/26735159_10156987409097519_1662293973_o.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-2sIh1KZuFfM/WlWMwTQzUQI/AAAAAAAAFOg/MGdcjhZyS3wTrn5QyPajAqUXHM0ZsWAEACLcBGAs/s72-c/26735159_10156987409097519_1662293973_o.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/01/sa-pakikipag-ulutan-ng-manok.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/01/sa-pakikipag-ulutan-ng-manok.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy