Ang Manalo o Matalo sa Sabong

SHARE:

                                    Sinasabing napakahiwaga ng sabong. Minsan kasi akala mo mananalo na ang manok mo, pero sa huli ay ta...

                       

            Sinasabing napakahiwaga ng sabong. Minsan kasi akala mo mananalo na ang manok mo, pero sa huli ay talo pala. O kaya naman baliktarin natin, akala mo talo na manok mo, pero nanalo pa. May kasabihan nga na huwag munang magbilang ng sisiw hangga’t ‘di pa napipisa ang itlog. Kung sa sabong naman ay huwag munang matuwa o magdiwang hangga’t wala pang sentensya. Sa isang iglap lang kasi ay puwede pang magbago ang lahat. ‘Yun bang llamadong-llamado na ang manok mo, pero bigla na lang natalo. Kapag nagkaganito tiyak na ang laki nang pagkadismaya mo. Kaya’t mas mabuting relaks lang at huwag munang mag-expect ng panalo. Relax lang ‘ika nga!

            Marahil nakaranas ka na rin nang ganito na akala mo ay wala ng pag-asa dahil hinang-hina na ang manok mo. Pero manok mo pa ang nakahuling tuka kaya’t nanalo pa ito. Mayroon nga labas na ang bituka ng manok pero nagawa pa ring manalo. Himala ba itong masasabi o sadyang matibay lang ang manok? Mayroon kasing manok na ang dami-daming pinalo, pero parang ‘di naman napupuruhan ang kalaban. Wala rin kasi sa dami nang pinalo ‘yan. Kahit isa o dalawang palo lang, puwedeng tapos na agad ang laban.

            Ganyan lang siguro sa sabong, bagama’t meron o wala lang naman ang naglalaban ay mahirap pa ring masabi kung sino ang mananalo. Kasi kung alam mo na ang mananalo ay wala nang excitement. Bakit ka pa pupusta eh alam mo namang walang ibubuga ang manok mo? Pero hindi ganyan ang sabong. Wala na ritong nagdu-dominante. Hindi kagaya dati na iilang pangalan lang ang nangingibabaw sa sabong. Eh, ngayon kahit mga neverheard naman dati ay bigla na lang nagiging matunog ang pangalan.

            Kung manok mo ang lumalaban, ‘di mo rin puwede basta ismolin ang manok ng iyong katunggali dahil ‘di mo alam kung paano nila ikinudisyon ang kanilang panlaban. Ang importante lang naman ay may tiwala ka sa manok mo. Wala ka na lang gagawin kundi ang maghintay nang magiging resulta ng laban. Hindi na kailangan pang pag-usapan kung mahiwaga o hindi ang sabong. Basta manalo o matalo, i-enjoy lang ang sabong!

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Ang Manalo o Matalo sa Sabong
Ang Manalo o Matalo sa Sabong
https://2.bp.blogspot.com/-UYfWYtYf9eM/WpKlxFyg6DI/AAAAAAAAF0A/lSAZzoikFo4DpqqUHToVbqrkkgCufK0HgCLcBGAs/s400/IMG_0956.JPG
https://2.bp.blogspot.com/-UYfWYtYf9eM/WpKlxFyg6DI/AAAAAAAAF0A/lSAZzoikFo4DpqqUHToVbqrkkgCufK0HgCLcBGAs/s72-c/IMG_0956.JPG
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/ang-manalo-o-matalo-sa-sabong.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/ang-manalo-o-matalo-sa-sabong.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy