Bagsik ng Bulik

SHARE:

                                         Para sa ibang mga breeder, ang off-colored chickens ay ginagawa lang nilang pangulay sa kanila...

                           

             Para sa ibang mga breeder, ang off-colored chickens ay ginagawa lang nilang pangulay sa kanilang farm. Para ‘di manibago ang pula nilang manok kapag ibang kulay ang makakaharap nilang kalaban sa ruweda. Pero mayroon din namang ang off-colored chicken ang kanilang paborito at ginagawa pang signature bloodline sa manukan. Sino ba namang ‘di maaakit sa kulay ng Bulik na parang batik-batik ang kulay. Naghahalo ang puti, itim, dilaw, itim etc. sa kanilang mga balahibo.

            Kung laro ang pag-uusapan, sinasabing ang Bulik ay magaling sa cutting. Kapag pumalo ay may diin ‘ika nga.  Mabilis din itong kumilos at mataas din kung lumipad. Wala itong takot kung makipaglaban. Sa obserbasyon ng ilang breeder, ang Bulik ay maraming style o kayang mag-adjust sa kung ano ang laro ng kalaban. Depende na rin siguro kung  ano ang kompisyon ng dugo nito. Kaya naman ‘di maaaring mawala ang Bulik sa sabungan kapag araw ng laban.

            Isa sa mga kinikilala na nagsimulang magdebelop ng Bulik ay si Dr. James T. Gee (1821-1891) ng Alabama. Sa loob ng apatnapung taon ay nagpapanalo siya sa mga sabong na kanyang sinasalihan sa kanilang lugar. Ang kanyang Dom ay galing sa pinagpares na Black Sumatra at White Pyle Hen. Ang naging resulta ay ipinares naman niya Earl Derby at Red Pyle na galing kay Ed Heatherwood. Ang kinalabasan naman nito ay naging dirty white na kahawig ng Dusty Millers. Pagkatapos nito ay ibrineed naman niyang pabalik sa naunang crosses. Pero ang pinakamatagumpay na crosses ay nang ihalo niya ito sa Whitehackle ni ‘”Dad” Gleezen.

            Hindi rin puwedeng ‘di mabanggit ang pangalan ni J.W. Chappell kapag Bulik ang pinag-uusapan. Ang kanyang manok ay tinatawag na Chappel Dom na nakabatay sa kanyang apelyido. Ang pinagmulan ng kanyang manok ay galing sa single pair na nabili nila kay W.R. Smith. Pero nakursunadahan ito ni J.W. Chappel kung kaya’t noong 1851 ay pinakyaw niya ang lahat ng Dom ni W.R. Smith. Ibrineed niya ang mga ito sa tulong ng kanyang mga kapatid na sina Henry at Jim Chappell.

            Meron diumanong naitalang apat na crosses ng manok  na ginamit para mapanatili  ang Dom Strain ng ni J.W. Chappell. Kabilang na rito ang Spanish Cock na kung tawagin ay Santa Ana at Arlington cock na ginamit ni J.W. Chappell. Pati na rin ang Mingus Dom cock na nabuo noong 1970 at ginamit naman ni Jerry Chappell at ipinasa niya ito sa kanyang anak na si Kris. Hinaluan naman nito ang kanilang Bulik ng dugo ng Sureshot Dom na galing kay Mr. Scott Gay noong 1991. Ibig lang sabihin na maraming crosses na pinagdaan ang Chappell Dom bago ito madebelop nang husto.

            Dito naman sa Pilipinas, pinakasikat na yata na nagbi-breed ng Bulik ay si GenGen Arayata ng Agilahas Farm na matatagpuan sa Tanza, Cavite. Sumikat nang husto ang kanyang Bulik nang magback-to-back champion siya sa World Slasher Cup noong  2007 at 2008. Ang kanyang Bulik ay galing sa namayapa nang si Congressman Lagbas ng Ca gayan de Oro. Ipinares niya ito sa yellow legged Hatch pati na rin sa Sheryl Penny.

             Marami nang mga breeder ang nakakuha ng kanyang Bulik kabilang na si Doc Ronnie Magbalon na naging isang BAKBAKAN champion noong 2011. Patunay lang na ibang klase talaga ang Bulik na galing kay GenGen. Pero siyempre, mayroon ding ginawa si Doc Magbalon para umakma ito sa laro na istilo na hinahanap niya sa maanok. Ang Bulik na nakuha niya kay GenGen ay ipinares niya sa Griffin Claret ni Ray Alexander. Ang nasabing kumbinasyon ay locked sa brother-sister mating. Ang mga naging supling ay ipinares niya sa Gull, Kelso, Oakgroove, Leifer at Sheryl Penny.

            Maging si Charlie “Atong” Ang ay nag-aalaga rin ng Bulik sa kanyang manukan. Marami ang bumilib sa laban ng kanyang Bulik nang ilaban niya ito sa World Pitmasters Cup dahil para itong robot dahil tila ‘di tinatablan ng tari. Matibay kasi ang manok niyang ito. Binansagan pa nga ito ng iba na ‘Imortal Bulik’.

            Ikaw kasabong, may Bulik ka rin bas a iyong manukan?

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Bagsik ng Bulik
Bagsik ng Bulik
https://4.bp.blogspot.com/-rdsoezPZi0Y/WofhqfWMivI/AAAAAAAAFtg/5yN_RFHs0XoA6t9DNGTM14Pgpc7DJNLQgCLcBGAs/s400/DSC_0540.JPG
https://4.bp.blogspot.com/-rdsoezPZi0Y/WofhqfWMivI/AAAAAAAAFtg/5yN_RFHs0XoA6t9DNGTM14Pgpc7DJNLQgCLcBGAs/s72-c/DSC_0540.JPG
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/bagsik-ng-bulik.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/bagsik-ng-bulik.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy