Batangas, Tahanan ng Mga Tigasing Magmamanok

SHARE:

Photo Credit: Dragon Warrior Gamefarm             Hindi lamang sa Bacolod may magagaling na mga magmamanok kundi pati na rin sa Batanga...

Photo Credit: Dragon Warrior Gamefarm
            Hindi lamang sa Bacolod may magagaling na mga magmamanok kundi pati na rin sa Batangas na lugar ng Batangas Breeders Club na pinamumunuan ni Fred Katigbak. Ito ang tahanan ng BAKBAKAN champion na si Nerwin Ricohermoso at ng World Slasher Cup na si Rene Adao.

            Kung patibayan lang ng manok ang pag-uusapan ay sumubukan mo ritong magsabong dahil siguradong mapapalaban ka. Napakaraming sabungan sa lalawigan na ito. Halos araw-araw ay may sabong.  ‘Di rin pahuhuli sa pustahan ang mga taga-Batangas, balita kasing malakas din ang pustahan dito. Magaganda rin ang kanilang mga pa-premyo sa sabong. Halos ‘di nahuhuli sa Maynila. Ayon sa aming source, minsan nagpa-premyo rin sila ng kung hindi sasakyan ay baka at kalabaw! Aba’y ‘di lang pang-malakasan, may pang-masa pa!

            Ang sabi ng isang breeder na taga-Rosario, Batangas na si Kennedy Laroza, hindi raw sa pagyayabang,  nahihirapan diumanong manalo ang mga dayo sa kanilang lugar. Dahil na rin sa maraming magagaling na magmamanok dito.

            Isa sa mga dahilan kung bakit maraming matitibay na manok sa Batangas ay dahil maganda ang klima rito. Marami rin kasing mga bulubundukin dito kaya malamig ang simoy ng hangin. Alam naman natin na mas maganda ang manok na inaalagaan sa mataas na lugar kumpara sa kapatagan. Mas makinis ang balahibo at binti ng manok ‘ika nga.

            Maganda ring mag-alaga rito dahil kung bibiyahe ka ng pa-Maynila para maglaban ay sandali lang din ang biyahe. ‘Di mo na kailangang magbiyahe ng mahabang oras para lang makapagsabong. Kaya naman maraming breeder na nagtatayo rito ng satellite farm o mismong main farm na ang kanilang itinayo rito. Ilan lang sa mga kilalang breeder o sabungero na mayroong farm dito ay sina Atong Ang, Gerry Ramos, Sonny Magtibay, Nilo Magtibay, William Dy, Boyet Plaza, Joe Alimbuyuguen at iba pa.

            Masarap magsabong sa Batangas dahil pagkatapos ng laban ay mawawala ang pagod mo. Marami kasi ritong mamihan, gotohan at bulaluhan na bukod sa mura lang ay napakasarap pa! Ang dami pa ng servings.  Kung ‘di ka takot sa cholesterol, tikman mo rin ang kanilang lechon. Ang sabi ng iba, napansin nila na maganda rin ang tari na gawang-Batangas. Bakit hindi eh nakilala sila sa paggawa ng balisong kaya’t ‘di rin kataka-taka kung bakit de kalidad din ang kanilang mga tari.


            Tara na mga kasabong, pasyal na sa Batangas!

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Batangas, Tahanan ng Mga Tigasing Magmamanok
Batangas, Tahanan ng Mga Tigasing Magmamanok
https://3.bp.blogspot.com/-Tpx8PmIAI0A/WoQYk2T0ORI/AAAAAAAAFp8/dKhzyaqs0iglGeRD-f8Hbi03lpHOXnGpgCLcBGAs/s400/1425602_339610376220161_960321560555908681_n.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-Tpx8PmIAI0A/WoQYk2T0ORI/AAAAAAAAFp8/dKhzyaqs0iglGeRD-f8Hbi03lpHOXnGpgCLcBGAs/s72-c/1425602_339610376220161_960321560555908681_n.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/batangas-tahanan-ng-mga-tigasing.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/batangas-tahanan-ng-mga-tigasing.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy