Breeding System ni Art Lopez

SHARE:

Larawan mula sa Fb account ni Art Lopez                                                         Kung pagmamanok ang pag-uusapan ay ‘...

Larawan mula sa Fb account ni Art Lopez
                                      
                 Kung pagmamanok ang pag-uusapan ay ‘di maaaring ‘di banggitin ang Bacolod dahil marami ritong magagaling na mga breeder. Mula noon hanggang ngayon ay kinikilala pa rin ang lugar na ito sa industriya ng sabong.  Dito rin nakabase ang ARL Gamefarm na pagmamay-ari ni Art uro “Art” Lopez.

                Matatagpuan ang farm ni Art sa Barangay Patag, Silay City, Negros Occidental. Itinayo niya ito noong 1997. Nagsimula siyang mahilig sa manok noong 2nd year high school pa lang siya. Mayroon na kasi silang manok sa bakuran ng kanilang bahay. Bago maging ganap na breeder ay nagsali-sali muna siya sa mga laban sa tupada. Itinuturing niya na malaki ang naging ambag nito sa kanya kung anuman ang kanyang narating sa kasalukuyan.

                Sa ngayon, si Art ay isang fulltime breeder, pero bago ito ay naging seaman muna siya. Kaya naman malapit sa kanyang puso ang mga marino. Marami siyang mga kaibigan at kostumer na mga marino. 

                Ang White Hatch ang nagsisilbing signature line ni Art sa kanyang manukan. Kumbinasyon ito ng Claret at ng Doc Robinson Hatch. ‘Di madali bago makuha ang kulay ng manok kagaya kay Art. Aabot kasi ng dalawa hanggang tatlong taon bago maging puti ang Claret na hinaluan ng Hatch. Pagsapit ng dalawang taon, mayroon pa ring lumalabas na pula. Ang kanyang White Hatch ay late maturing kaya’t ‘di niya ito inilalaban kapag stag pa lamang. Mainam itong ilaban kapag magulang na. Ang laro nito ay sugod nang sugod. Pero wala kang masasabi kung power at speed ang pag-uusapan dahil mayroon ang manok na ito.

                Inirirekomenda ni Art na ang kanyang White Hatch ay maganda lang i-cross sa Hatch. Huwag itong ipares sa White Kelso dahil magiging sinabalang ang kulay na kalalabasan nito. Maliban sa White Hatch ay mayroon din siyang Sweater, Mel Sims Grey, Mel Sims Black, Gilmore Hatch at iba pa.

                Ang kanya namang Gilomore Hatch ay ‘di sagasa o sugod lang nang sugod. Inaantay nito ang kalaban bago pumasok o magpakawala ng palo. Maganda naman itong i-crosss sa Kelso o sa Roundhead dahil lalong nagiging kalmante. Habang tumatanda raw ang manok na ito ay lalong lumalakas.

                Bukod sa farm sa bundok ay mayroong breeding area si Art na may sukat na 450 square meters na nakatayo sa loob ng subdivision. Sa obserbasyon niya kasi, extreme ang klima sa bundok kaya’t nahihirapan siyang makapagpaitlog kapag breeding season. Kaya’t naisipan niyang sa baba siya mag-breed. Siya raw ang unang breeder sa Bacolod na gumawa ng ganito. Mayroon itong advantage dahil nakukontrol niya ang environment. Kahit umulan ay walang problema dahil mayroon namang bubong. Taun-taon ay nakakapagprodyus siya ng libong sisiw.

                Gumagamit din si Art ng battery cage na dati-rati ay ayaw niyang gamitin. Pero ngayong gumagamit na siya ng ganito, masasabi niyang maganda ito dahil malinis ang itlog. Hindi kasi sumasayad ang itlog sa lupa na nagiging sanhi para kapitan ng mikrobyo ang itlog. Isa ito sa mga dahilan kung bakit nabubugok ang itlog. Isa pa, dahil kanya-kanya ng cage ‘di na kailangang mag-agawan sa pagkain ng mga inahin kaya’t siguradong magiging malusog ang mga ito. Kumbaga, ‘di sila mai-stress .
                Kapag namimili si Art ng broodcock, tinitingnan niya ang station. Maaari raw kasing mamana ng mga supling kung ano ang station kasama na rin ang characteristics ng ama. Para sa kanya, kailangan balansyado ang katawan sa height ng broodcock. Dapat din ay ‘di buhaghag ang buntot.

                Pagdating sa broodhen, dapat ay tama ang edad ng inahin bago isalang.  Maganda kapag dalawang taon na ang broodhen. Pero kapag umabot na ito ng limang taon ay liliit na ito o mawawalan ng vigor dahil tumatanda na nga. Ayaw niya sa inahin na masyadong  malaki ang katawan. Dapat ay balansyado ang body height at body weight nito. Kapag sobrang laki raw kasi, malaki rin ang ipuprodyus nito. Kapag ganito ay mahirap nang ibenta pa.

                Katulad ng ibang breeder, ipinapayo ni Art sa mga gustong pasukin ang pagmamanok na magsimula sa tamang materyales, tamang lugar at tamang pagkain. Importante ang mga ito dahil pareho lang naman ang gastos ng quality at ng ‘di quality na manok. Huwag raw asahan na ang mura ay magbibigay ng maayos na manok.

                Bagama’t hinahangaan si Art sa larangan ng pagmamanok, marami rin siyang mga naging pagkakamali. Pero naging inspirasyon niya ito para pagbutihin pa lalo ang kanyang sistema sa breeding. Taun-taon diumano ay iniimprove niya ang kanyang breeding. Kung ano ang nakita niyang mali na ginawa niyang noong nakaraang taon ay ‘di na niya gagawin pa.

                Kapag nag-aalaga ng manok, ayon kay Art ilan sa mga dapat isaalang-alang ay ang kalidad ng hangin. Kapag ‘di maganda ang hangin o mabaho ang paligid ay ‘di rin lalaki nang maayos ang manok. Importante rin ang pagkakaroon ng malinis na tubig. Siyempre, gaya nang nabanggit na importante talaga ang kalidad ng manok. ‘Di rin puwedeng balewalain ang tamang pagbabakuna ng manok.

                Para masigurong malusog ang sisiw, laging inuobserbahan ni Art ang ipot nito. Sa ipot pa lang kasi ay puwede nang malaman kung mayroon itong dinaramdam o wala. Kapag napansing may kakaiba sa ipot, binibigyan agad ito ng gamot. Kapag wala naman, vitamins lang ang kanyang ibinibigay.

                Bilang breeder na nagku-commercial, si Art ang tipo na ‘di lang puro kita ang iniisip. Gusto niya ring makatulong sa maliliit na magmamanok. Katunayan, nagbibenta siya ng sisiw sa World Gamefowl Expo dahil ‘di naman kaya ng mga ito na bumili ng manok na mataas ang presyo.


                Para kay Art, importante ang sinasabing legacy kaysa pera. Kaya’t dapat lang na ingatan ang iyong pangalan. Maaalala ka raw kasi ng mga susunod na henerasyon dahil sa naging ambag mo sa industriya ng sabong. Kaya’t bukod sa pag-abot sa masa ay bukas din siya na ibahagi ang kanyang nalalaman sa pagmamanok para makatulong sa iba. 

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Breeding System ni Art Lopez
Breeding System ni Art Lopez
https://2.bp.blogspot.com/-DGyZ6BtMHAI/Woq4Rqx5XXI/AAAAAAAAFvE/4X4eZJxHD7csTYMFLv0gPZ68tB7RocbdgCLcBGAs/s400/27332381_1566223850129207_2720503473870999065_n.jpg
https://2.bp.blogspot.com/-DGyZ6BtMHAI/Woq4Rqx5XXI/AAAAAAAAFvE/4X4eZJxHD7csTYMFLv0gPZ68tB7RocbdgCLcBGAs/s72-c/27332381_1566223850129207_2720503473870999065_n.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/breeding-system-ni-art-lopez.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/breeding-system-ni-art-lopez.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy