Challenge ng Pagiging Isang Breeder

SHARE:

                                     Hindi madali ang maging isang breeder dahil napupuno ito ng mga hamon. Napakaraming mga bagay ang dapa...

                           
         Hindi madali ang maging isang breeder dahil napupuno ito ng mga hamon. Napakaraming mga bagay ang dapat na isaalang-alang gaya nang pagpili ng materyales. Siyempre, nariyan din na iisipin mo kung ano ba talaga ang gusto mong bloodline? Roundhead, Sweater, Hatch, Dom o ano ba? Kung may paborito ka na, saan ito magandang ipares? Kapag kukuha ng materyales, inaalam mo kung ano ang record ng manok na kukunin mo.  Galing ba ito sa pamilya nang nagpapanalo o hindi? Bukod dito, tinitingnan mo rin ang body conformation ng manok pati na rin ang laro nito. Malamang ang gusto mo na manok ay ‘yung mayroong gameness, maganda ang cutting at mautak.

Maliban sa tandang, sinusuri mo rin ang inahin. Ang ibang breeder, ang gusto nila sa katawan ng inahin ay ‘yung mala-football type ang korte. Inaalam din nila ang record ng mga kapatid nitong lalaki. Kapag maganda ang record, posible rin na maganda ang ipuprodyus na mga supling ng inahin.

Marahil minsan ay naisip mo na ring huminto sa pagbi-breed dahil sa mga problema na iyong kinahaharap. Nariyan na mamatayan ka ng mga manok dahil sa peste. Isama pa rin r’yan ang mga magnanakaw ng manok na parang buwitre kung umatake. Minsan nadidismaya ka rin sa resulta ng iyong palahi bagama’t sa palagay mo ay tama naman ang ginawa mo. Pagdating sa sabungan ay puro talo ang iyong naging laban. Pero nauunawaan mo na parte lang ito ng buhay ng pagiging isang breeder. Hindi naman laging ganito sa lahat ng pagkakataon. Siyempre, kung ‘di nagtagumpay ang unang ginawa ay mag-iisip ka ng bagong sistema para maging maganda ang resulta ng pagpapalahi. Nauunawaan mo na ang pagbi-breed ay trial and error. Ang importante ay may natutunan ka sa bawat pagkakamali.

Para mabawasan ang pagkakamali, maaari namang sumangguni sa mga eksperto ng breeder. Maaari kasing napagdaanan na nila ang iyong pinagdaanan. Pero hindi ibig sabihin na kapag sinunod mo sila ay magiging isang 100 percent na magiging successful ka rin gaya nang nangyari sa kanila. Baka kasi iba ang kalabasan kapag ikaw na ang gumawa. Pero at least magkakaroon ng improvement. Ang importante ay ‘di ka tumitigil sa pag-aaral. ‘Ika nga nila, breeding is a continuous process of learning. Kapag inisip mo raw na magaling ka ay magiging dahilan ito ng iyong pagbagsak. Kasi ang mga kalaban mo laging may pinag-aaralan na bagong kaalaman.

Sa ibang mga breeder, ang  tagumpay ay ‘di lamang nasusukat sa ganda ng resulta ng iyong palahi. Kundi pati na rin sa kung ilang tao ang naniniwala sa iyong kapasidad bilang isang breeder. ‘Di ba’t kapag may  mga kumukuha sa iyo ng manok ay isa na itong achievement na maituturing? Hindi lang dahil sa kumita ka kundi isa rin itong karangalan para sa iyo. Bukod d’yan ay dadami rin ang iyong mga kaibigan. Dahil dito ay lalo kang gaganahan na mag-breed at anumang hamon pa na dumating ay kayang-kaya mo nang harapin.
             

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Challenge ng Pagiging Isang Breeder
Challenge ng Pagiging Isang Breeder
https://1.bp.blogspot.com/-IstTbe6EkuU/Wn0G7tubuRI/AAAAAAAAFjw/SlAESykwxjULNR_KuhJeO4vaVL0-8t1vwCLcBGAs/s400/DSC_0029.JPG
https://1.bp.blogspot.com/-IstTbe6EkuU/Wn0G7tubuRI/AAAAAAAAFjw/SlAESykwxjULNR_KuhJeO4vaVL0-8t1vwCLcBGAs/s72-c/DSC_0029.JPG
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/challenge-ng-pagiging-isang-breeder.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/challenge-ng-pagiging-isang-breeder.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy