Charlie "Atong" Ang, Rockstar ng Ruweda

SHARE:

Photo Credit: Sabong Sports               Kapag sinabi o naririnig ang pangalang Charlie “Atong” Ang, isa agad sa pumapasok sa isipan n...

Photo Credit: Sabong Sports
             Kapag sinabi o naririnig ang pangalang Charlie “Atong” Ang, isa agad sa pumapasok sa isipan ng mga tao ay ‘bigtime ‘yan, malakas pumusta o malakas magsabong ‘yan’. Maraming mga sabungero ang umiidolo sa kanya, ‘di lang dahil sa lakas niyang magsabong kundi dahil may mata o marunong siyang tumingin kung ano ang magaling na manok. Patunay lang d’yan ang mga kampeonato na kanya nang nakuha kabilang na rin riyan ang pagiging BAKBAKAN Champion.

            Mga sampung taong gulang palang si Boss Atong nang mahilig siya sa manok. Wala namang nagsasabong o nagmamanok sa kanyang pamilya. Noong nakatira pa siya sa Mandaluyong, ang mga kapitbahay niya ay pawang mga magmamanok kung kaya’t naimpluwensiyahan siya ng mga ito. Nakikilagay pa siya ng manok sa mga kapitbahay para ‘di makita ng kanyang tatay na tutol sa pagsasabong.

            Teenager na siya nang magsimulang pumusta-pusta sa sabungan. May mga oras na pagkagaling sa paaralan ay sa sabungan na ang diretso niya. Kahit nang magkapamilya ay nagpatuloy pa rin siya sa pagsasabong. Naging hanapbuhay pa nga niya ang pagsusugal sa loob ng tatlong taon. Itinuturing niya ang kanyang sarili bilang dehadista. Kinukuwenta niya palagi ang kanyang mga panalo at talo. Kapag kinuwenta niya ang lahat nang tinayaan sa loob ng isang taon ay tumubo pa siya ng kung ilang milyon. Para sa kanyaa, puwede mo namang gawing hanapbuhay ang sugal basta maingat ka.

            Noong araw ay mga Tagalog at  Balulang ang usong manok dahil ‘di pa naman uso noon ang Texas. Pumupunta pa siya sa mga probinsya noon para bumili ng manok sa mga backyard breeder. Nagpupunta rin siya sa Lemery, Batangas para mamili sa tiangge ng manok. Basta marunong lumipad at tumatama ang paa ng manok sa kalaban ay kukunin na niya ang manok. Wala na nga raw kundi-kundisyon noon diretso na agad sa laban.

            Siyempre, iba na ang mga manok ngayon kumpara noong araw. Kaya naman nag-a-upgrade rin ng manok si Boss Atong. Naniniwala siya na importante ang quality ng manok pati na rin ang pagsasanay sa mga ito. Pareho lang ang ginagawa niyang training sa stag at cock. Pero  hanggang ngayon, kapag namimili ng panlaban tinitingnan pa rin niya ang lipad ng manok. Kapag tumama sa itaas ang paa ng manok, tatama rin ito sa ibaba.

            Sa stag, cutting ang unang tinitingnan ni Boss Atong. ‘Di importante kung mababa o mataas ang sukat ng manok. Kasi kapag mahaba raw ang legs ng stag ay ‘di accurate ang palo nito. Hindi kagaya sa cock na walang problema kahit mahaba pa ang legs. Matibay na naman kasi ang mga buto ng cock kumpara sa stag.

            Kapag namimili ng manok si Boss Atong, sa isang daang manok wala pang kalati ang makukuha rito. Siyempre, ang mga nakuha ay sasalain pa. Halimbawa, sa 10 stag derby ay dose pirasong manok ang ilalaban ng kanyang grupo.

            Talagang aktibo si Atong sa pagsasabong, sa loob ng isang buwan ay mahigit dalawang daang manok ang kanyang nagagamit. Para sa kanya, very challenging ang pagsasabong dahil wala itong katapusan.

            Kung dati-rati ay puro bili lang ang ginagawa ni Boss Atong, ngayon ay mayroong nagbi-breed ng manok para sa kanya. Siya ang nagsasabi kung ano’ng mga manok ang gusto niyang pagparesin.

            Sadyang napakalawak ng farm ni Atong, mistula itong isang resort at zoo dahil sa napakaraming mga hayop ang nakalagay. Mayroong usa, ostrich, camel at iba pa. Napakasistematiko rin ng kanyang farm dahil magkakahilera ang mga manok na magkakapareho ang kulay. Kung bulik ay puro bulik lang. Ibang klase rin ang kanyang teepee na gawa sa hardiflex dahil collapsible ito o natutupi. Para kapag nagkaroon ng malakas na bagyo ay ‘di masisira ang bahay ng mga manok. Kumbaga, magagamit pa ito nang matagal.

            Bagama’t malakas pumusta si Boss Atong ay ‘di na siya nai-excite sa pera. Nagsisilbi na lang niyang libangan ang sabong.  Sumasaya siya kapag nananalo siya dahil nagkakaroon ng bunga ang kanyang pinaghirapan. Sa ngayon ay wala siyang ibang hangad kundi matulungan ang mga breeder at sabungero. Kaya niya nga raw binuo ang World Pitmasters Cup kasama ang ilang mga personalidad sa sabong. Maganda kasi rito ang papremyo. Bukod dito ay mga nagsasabi rin na tumaas ang kanilang benta dahil sa pagsali nila sa prestihiyosong derby na ito. Kaya’t dapat lang diumano itong suportahan.

            Bagama’t nag-oorganisa ng mga palaban, pinapaalalahanan ni Boss Atong ang mga sabungero na huwag magsusugal nang higit sa iyong kinikita dahil masama ‘yun. Dapat ay 20% lang ng kinikita ang gamitin sa pagsasabong at ang 80% ay gamitin na sa pangangailangan ng pamilya.
Source: Bakbakan Na TV, Chicken Talk





COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Charlie "Atong" Ang, Rockstar ng Ruweda
Charlie "Atong" Ang, Rockstar ng Ruweda
https://4.bp.blogspot.com/-DoMVxr5s2Ks/WoFR8hZ6bMI/AAAAAAAAFn0/WLuLYEwSVykVOZlen-hf1CvYl6diw0oPACLcBGAs/s400/screen-16.33.48%255B12.02.2018%255D.png
https://4.bp.blogspot.com/-DoMVxr5s2Ks/WoFR8hZ6bMI/AAAAAAAAFn0/WLuLYEwSVykVOZlen-hf1CvYl6diw0oPACLcBGAs/s72-c/screen-16.33.48%255B12.02.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/charlie-atong-ang-rockstar-ng-ruweda.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/charlie-atong-ang-rockstar-ng-ruweda.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy