Ganda at Husay ng Isang Janine Gonzales

SHARE:

                  Talaga namang sikat na sikat sa Facebook ang sabungera at breeder na si Janine Gonzalez. Sa ngayon ay nasa 120k followe...

   
             Talaga namang sikat na sikat sa Facebook ang sabungera at breeder na si Janine Gonzalez. Sa ngayon ay nasa 120k followers na ang mayroon siya. Marahil ay dahil na rin sa karisma na kanyang taglay. Malakas kasi ang dating kapag ang nagsasabong ay isang babae lalo na kapag may hitsura.Madalas siyang ikumpara ng iba kay Robie Yu Panis na lumikha na ng pangalan sa mundo ng sabong sa Pilipinas. Pareho kasi silang malakas ang dating, 'ika nga!

            Pero kung si Janine ang tatanungin kung ano ba ang dahilan kung bakit siya pina-follow ng mga tao, dahil ba sa manok o dahil sa pagiging Janine niya? Para sa kanya, pareho lang. Kung ano raw ang nakikita mo sa social media ay ‘yun ang personalidad niya sa totoong buhay. Siyempre, kasama na rin ang manok. Magaganda at magagaling din naman ang kanyang mga manok.

            Sa ngayon, ang farm ni Janine na ttinatawag na  J9 G ay matatagpuan sa Indang, Cavite. Dati ay nakabase siya sa Bislig, Davao City.

            Kung record lang ang pag-uusapan bagama’t medyo bagu-bago pa lang na nagbi-breed ay maganda na agad ang record ni Janine. Kung ‘di man nagcha-champion ay nagra-runner up siya sa mga laban na kanyang sinasalihan. Ilan lang sa mga ito ay noong mag-champion siya sa 5-Stag Derby sa Imus Sports Arena at 6-Stag Derby sa New Davao Matina Gallera noong Setyembre ng nakaraang taon.
Si Janine habang nagbibitaw sa ruweda

Si Janine hawak ang kanyang tropeo

         Ang maganda kay Janine, siya mismo ang nagbibitaw ng kanyang manok sa sabungan. Ibig lang sabihin ay ‘di siya takot na baka matamaan siya ng tari kapag pumihit ang manok. Noong una ayaw siyang payagan ng kanyang tatay na gawin ito dahil delikado nga lalo na’t babae pa siya. Marahil ay gusto lang patunayan ni Janine na kung ano ang kayang gawin ng lalaki ay kaya ring gawin ng babae. 


J9 G Grey
          Sa ngayon ay nagku-commercial na si Janine. Naniniwala kasi siyang puwedeng pagsabayin ang passion at negosyo. ‘Di pa naman ganun karami ang kanyang mga manok. More on quality kasi siya kaysa quantity.  Nang sa gayun ay masiyahan ang mga buyer dahil maganda ang kanyang naibibigay. Base na rin sa kanyang mga post sa Facebook, hindi lang mga Pinoy ang nagtitiwala sa kanya kundi pati na rin taga-Malaysia at iba pang lahi.
           Kung love life ang tatanungin, tila ‘di pa ito pinagtutuunan ng pansin ni Janine dahil mas naka-focus siya sa manok. Pero kung sakaling magkakaroon siya ng ka-partner, ang gusto niya ay ‘yung kagaya niyang mahilig sa manok. Oo nga naman, mas maganda kasi kapag ang ka-partner mo ay pareho mo ng hilig dahil magkakasundo kayo. Para kay Janine, ang sabong at pag-ibig ay magkaugnay. Aniya, “Ang sabong parang love. Minsan talo, minsan panalo. Pumusta ka sa kaya kang ipag laban hanggang sa huli”.

            Dahil uso na ngayon ang pamemeke sa social media, dapat ay maging maingat. Hindi rin kasi ligtas si Janine sa mga nanggagaya o nagnanakaw ng identity. Kaya huwag basta maniniwala sa mga nagpapakilala na sila sa Janine Gonzales. Kapag mayroong live video, siguradong siya ‘yun. Pero kung wala, peke ‘yun. Sa mga interesado sa manok ni Janine, maaari siyang kontakin sa Facebook o ‘di kaya’y tumawag  sa numerong 09164501261.

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Ganda at Husay ng Isang Janine Gonzales
Ganda at Husay ng Isang Janine Gonzales
https://1.bp.blogspot.com/-21XPL80g3xc/Wn5JpMs46PI/AAAAAAAAFkI/5x1jkKEH-j4uiGMlpGbOvBtOLuwwBHOhQCLcBGAs/s400/screen-09.21.29%255B10.02.2018%255D.png
https://1.bp.blogspot.com/-21XPL80g3xc/Wn5JpMs46PI/AAAAAAAAFkI/5x1jkKEH-j4uiGMlpGbOvBtOLuwwBHOhQCLcBGAs/s72-c/screen-09.21.29%255B10.02.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/ganda-at-husay-ng-isang-janine-gonzales.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/ganda-at-husay-ng-isang-janine-gonzales.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy