Joey Sy, Ka-Bakbakan Mo sa Sabong!

SHARE:

Larawan mula sa FB account ni Sir Joey                                          Sino ba naman ang ‘di makakakilala kay Joey Sy. Eh, l...

Larawan mula sa FB account ni Sir Joey
                           
             Sino ba naman ang ‘di makakakilala kay Joey Sy. Eh, lagi mo siyang napapanood sa TV bilang host ng Bakbakan Na TV. Lalong umingay ang kanyang pangalan nang magkampeon siya sa World Slasher Cup noong 2015. Isa rin siyang lider, minsan na siyang naging presidente ng Rizal Gamefowl Breeders Association at naging isa sa mga Board of Directors ng NFGB (FIGBA na ngayon).

              Minsan na naming nakapanayam si Sir Joey. Napaka-down-to-earth ng mamang ‘to dahil napakaswabeng kausap at walang kaere-ere sa katawan. Pinatuloy niya kami sa kanilang bahay sa Marikina at sinamahan na magpabakuna ng mga sisiw sa KAAGPAS. Pagkatapos ay saka kami tumuloy sa farm niya para mag-interview at mag-photo shoot.

            Naikuwento niya sa amin na nagsimula siyang mahilig magmanok noong siya ay Grade 2 pa lang. Pinag-aalaga siya ng manok ng kanyang lola. Inilalaban naman ito ng isa niyang pinsan. Kapag nananalo ay pinapaulam siya ng tortang alimasag bilang reward. Nang magbinata naman ay nakasama niya ang kanyang pinsan na si Joseph Ferrer na isa ring magmamanok. Nag-i-import sila ng mga manok noon.

            Noong kabataan ni Sir Joey ay mahilig siya sa sport gaya track and field, judo at karate. Mahilig talaga siya sa kumpetisyon. Ito rin ang dahilan kung bakit nahilig siya sa sport na sabong dahil maaksyon ito. Napupuno ito ng challenge ‘ika nga.

            Nagseryoso naman siyang mag-breed ng manok nang minsang regaluhan siya ng kanyang ninong ng trio na imported. May nakuha rin siyang inahin na nakuha kay Peter Uy na kung tawagin ay Super Tyhoon. Ito ang inihalo niya sa katyaw na galing sa kanyang ninong. Dito na diumano sila nakatikim ng maraming panalo sa sabong.

            Ayon kay Sir Joey, mga imported na manok ang nangingibabaw sa sabong noong panahon na ‘yun. Kaya’t tuluy-tuloy lang ang ginagawa nilang pag-i-import ng manok ng kanyang pinsan na si Joseph. Tumira pa nga siya sa Amerika noon at may naging handler pa siya na Amerikano. Pero wala pang isang taon ay bumalik din siya ng Pilipinas. Siyempre, dito naman niya uli ipinagpatuloy ang kanyang pagmamanok.

            Pagbalik ng Pilipinas, may dala-dala siyang mga manok kabilang na rito ang Doc Robinson na hanggang ngayon ay iniingatan pa rin niya. Naging barkada niya si Eddie Boy Ochoa at ang magkapatid na sina Joseph at Peter Chua na maraming mga manok galing sa Amerika.

            Kung leadership naman ang pag-uusapan, hinawakan ni Sir Joey ang RGBA sa loob ng pitong taon, mula 2007 hanggang 2014. Nang pamunuan niya ito ay naging maganda ang direksyon ng asosasyon. Para mapasaya ang mga miyembro ay nagpapa-raffle pa siya na ang mapapanalunan ay magagandang papremyo. Nagbi-breed pa nga siya ng 800 na manok para makatulong sa mga miyembro na problemado sa araw ng kanilang laban dahil ‘di nakabuhay ng manok. Ganyan kasinsero si Sir Joey bilang isang lider.

            Bago maging host ng Bakbakan TV si Sir Joey ay binuo muna niya ang website na sabongplanet.com kung saan ay naglalabas siya ng mga video interview sa mga breeder. Maliban dito, inilalagay din niya ang mga upcoming events ng NFGB o kung paano makasali sa BAKBAKAN. Gumawa pa nga raw siya ng hotline sa internet sa tulong ni Ka Lando Luzong. Sinasagot nila rito ang mga katanungan ng mga tao hinggil sa pagmamanok. Hanggang sa Chicken Talk na programa ni Ka Lando ay nakasama pa niya rito si Sirr Joey bilang co-host.

Si Sir Joey habang nasa presscon ng World Slasher Cup
              Bibilib ka kay Sir Joey dahil noong manalo siya sa World Slasher Cup ay solo champion lang siya. Naging partner niya sa laban si Atty. Benny Salazar at ang ginamit nilang entry name ay Enzo Altavaz Viper. Pero bago magkampeon sa prestihiyosongg derby na ito, naging maganda na rin ang kanyang score. Noong January 2013 ay nakakuha siya ng score na 7-1 at noong June 2014 naman ay nakakuha siya ng score na 6-2. Kaya’t noong 2015 ay para bang ibinigay na sa kanya ng tadhana ang kampeonato. Ibig lang sabihin, ‘di niya ito nakuha nang bigla kundi pautay-utay. Kaya’t ibayong kasiyahan ang naramdamin ni Sir Joey nang makamtan niya ang inaasam na kampeonato.

            Karamihan diumano nang gimamit nila nang magkampeon sila sa WSC ay Butcher Roundhead. Mabibilis ang mga ito, mailag at ‘di nagpapauna sa kalaban.Tinatanya ang palo, isa o dalawang palo lang gusto agad tapusin ang laban.Ganito naman ang gusto sa manok ni Sir Joey. Ayaw niya ng manok na sugod lang nang sugod. ‘Di mo na malaman kung tumatama pa ba o hindi. Para sa kanya, mas maganda ang manok na mautak. Kung ihahambing sa boxing, gusto niya ang istilo nang namayapa nang si Muhamad Ali at Mayweather na ilag-suntok ang ginagawa.

            Wala naman daw sikreto si Sir Joey, natural conditioning lang ang kanilang ginawa. Gamay na niya ang pagkukundisyon nang manok dahil  Pero maselan siya sa pagpili ng manok na kanyang inilalaban. Inaalis niya ang mahihina hanggang sa ang malalakas na lang ang matira.

            Bagama’t kinikilalang breeder o inirerespeto sa industriya ng sabong si Sir Joey ay ‘di niya ito ginagamit sa negosyo. Hindi kasi siya nagku-commercial o nagbibenta ng manok. Nagsisilbi lang kasing libangan sa kanya ang sabong. Para mapagbigyan lang ang mga gustong makakuha ng manok sa kanya ay sisiw ang kanyang iniaalok sa kanila. Sila na ang bahalang magpalaki.


            ‘Yan si Sir Joey, Bakbakan na!

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Joey Sy, Ka-Bakbakan Mo sa Sabong!
Joey Sy, Ka-Bakbakan Mo sa Sabong!
https://1.bp.blogspot.com/-TEj-EKw-PsY/WojrYDLR7pI/AAAAAAAAFug/yQzzgBa7fIo7s5tWAVOwWRDD9pbQMNtlQCLcBGAs/s400/18056533_10209332786382878_7045795452909651946_o.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-TEj-EKw-PsY/WojrYDLR7pI/AAAAAAAAFug/yQzzgBa7fIo7s5tWAVOwWRDD9pbQMNtlQCLcBGAs/s72-c/18056533_10209332786382878_7045795452909651946_o.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/joey-sy-ka-bakbakan-mo-sa-sabong.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/joey-sy-ka-bakbakan-mo-sa-sabong.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy