Kapag Natatalo sa Sabong

SHARE:

                                       Kahit saang aspeto o larangan ng buhay ay mayroong pagkatalo. Sinasabi ng iba na ‘di mo raw mala...

                          

            Kahit saang aspeto o larangan ng buhay ay mayroong pagkatalo. Sinasabi ng iba na ‘di mo raw malalaman ang tamis ng tagumpay kung ni minsan ay ‘di ka natalo o nabigo. Kung pag-uusapan ang sabong, sino’ng sabungero ang ‘di natalo? Kung mayroon man, siya na yata ang pinakamagaling na sabungero sa buong mundo. Siguradong wala nang lalaban sa kanya dahil ‘di pala natatalo.

            Kahit ang mga itinuturing nating kampeon sa larangan ng sabong ay natatalo rin. Minsan nga ay natatakbuhan pa ng manok gayung napaka-quality ng kanilang breeding materials. Magkagayun man ay ‘di naman ito nakababawas ng respeto ng mga tao. Ganyan talaga ang sabong, walang katiyakan dahil sugal ito. Minsan nananalo at minnsan ay natatalo. Alin man d’yan ang iyong sapitin, ang importante ay marunong kang magdala.

            Kapag nanalo ay huwag masyadong magyabang. Maging mapagkumbaba pa rin sa gitna nang natatamong paghanga at mga papuri. Kapag natatalo naman ay huwag itong pakadibdibin dahil palagi namang may sabong. Kumbaga, sa isang sabungero na kagaya mo ay palaging mayroong pagkakataon para bumawi. Ang maganda kasi sa sabong, meron at wala lang ang pinag-uusapan. ‘Di ito kagaya ng lotto na maraming kumbinasyon ng numero ang kailangan para manalo. Gatuldok lang ang tsansa para manalo.

            Ang iba, ginagawa pa nilang inspirasyon ang kanilang pagkatalo para lalong i-improve ang pagmamanok. Dahil sa mga pagkatalo, nalaman nila kung saan sila nagkamali. Halimbawa, napag-alaman nila ang kahalagahan ng bloodline o pagkakaroon ng hybrid na manok. Kasi dati-rati kung saan-saan lang sila kumukuha ng manok. Dahil sa adjustment na kanilang ginawa ay naging mas lamang ang panalo kaysa talo.

            Kaya’t huwag na huwag mamasamain ang pagkatalo. Huwag gagayahin ang iba na sa kagustuhan na manalo ay nandaraya pa. Gayung magiging kasiraan ito sa kanila kapag nahuli o nabuking ng kalaban. Kung pera ang dahilan kung bakit mahirap tanggapin ang pagkatalo, puwede namang maging minimum lang ang ipusta. Hindi ‘yung tipong buong kabuhayan na ang nakataya kaya’t kapag natalo sa sabong ay sobrang sakit ng epekto. ‘Yung tipong nakababaliw na. Bakit ‘di gayahin ang iba na mayroong disiplina sa pagtaya. Maraming bigtime breeder na maliit lang o hinay-hinay lang sa pagpusta. Ilan sa kanila, naranasan na rin nilang pumusta ng todo. Pero kinalauan, napagtanto nila na wala namang yumayaman sa pagsusugal. Nagsasabong sila para malibang at ‘di para magsugal lang.  


COMMENTS

BLOGGER: 1
Loading...
Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Kapag Natatalo sa Sabong
Kapag Natatalo sa Sabong
https://3.bp.blogspot.com/-gu_e-vOaps8/WnUYWKCwfZI/AAAAAAAAFeQ/wdyd7pXCfjgqxvgFULT-kRSh0t2xJZjRgCLcBGAs/s400/IMG_0953.JPG
https://3.bp.blogspot.com/-gu_e-vOaps8/WnUYWKCwfZI/AAAAAAAAFeQ/wdyd7pXCfjgqxvgFULT-kRSh0t2xJZjRgCLcBGAs/s72-c/IMG_0953.JPG
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/kapag-natatalo-sa-sabong.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/kapag-natatalo-sa-sabong.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy