Lady Luck sa Sabong

SHARE:

Photo Credit: Women of Gamefowl Sport                   Ano nga ba itong tinatawag na ‘lady luck’ sa sabong? Masuwerte nga ba o may hat...

Photo Credit: Women of Gamefowl Sport
                  Ano nga ba itong tinatawag na ‘lady luck’ sa sabong? Masuwerte nga ba o may hatid na suwerte ang mga babae sa sabong?

                Kung may suwerte ang babae sa sabong, maaaring totoo ito. Isang halimbawa na lang r’yan ang pagsikat ng mga sabungera na sina Osang Dela Cruz, Robie Yu Panis, Janine Gonzales at iba pa. Pero ‘di nangangahulugan na porke’t babae kapag nagsabong ay magiging kagaya agad nila na naging matagumpay sa larangan ng sabong. Siyempre, nagtrabaho sila nang husto bago nila marating ang kanilang estado.

                Kung may lamang man ang mga babae sa pagmamanok ay ‘yung mas magaan ang kanilang mga kamay sa paghawak o paghipo ng manok. Likas na sa kanila ang pagiging metikoloso kung kaya’t nadala nila ito hanggang sa pagmamanok. Kumbaga masyado silang maalaga dahil mayroon silang mother instinct na tinatawag. Pero kung si Ma’am Osang ang tatanungin, hindi naman talaga nakalalamang ang babae sa sabong. Manok naman ang naglalaban at walang kinalaman dito ang kasarian ng mga naglalaban. Nataon lang na babae sila. Pero isa lang ang sinisiguro niya, kung ano ang kayang gawin ng lalaki ay kaya ring gawin ng mga babae.

                Marahil ay sadyang malakas lang ang dating kapag babae ang nagsasabong lalo na kung may hitsura pa. Sino ba naman ang ‘ddi makapapansin kapag ganito ang nagsasabong? Nasanay na kasi tayo na puro barako ang mga nakikita nating nagbibitaw sa ruweda bagama’t marami nang mga babae na nagsasabong ngayon.

                Pero bakit nga ba ang ibang mga sabungero, kapag naglalaban ay nagpu-post sila sa social media ng larawan ng babaeng seksi at sinasabi nila samahan sana ako ni ‘Lady Luck’. May hatid nga bang suwerte ito sa kanila o kursunada lang nila itong gawin? Wala namang masama rito. Gusto lang sigguro nilang may makitang maganda bago maglaban para ganahan sila. Kung ang iba nga, anting-anting o senyales sa manok ang pinaniniwalaan nilang magbibigay sa kanila ng suwerte.

                May kasabihan na sa likod ng matagumpay na lalaki ay mayroong isang babae sa likod nito. Kung sa sabong, masuwerte ang sabungero na suportado ng kanilang mga asawa. Ito ang masasabi na totong lady luck! Sabi nga ng iba, napakagaang gumalaw dahil walang kumukontra kaya’t mas malapit sa suwerte. Kumpara kapag ang partner mo ay ayaw  na ayaw sa pagmamanok mo. Baka sa kabubunganga nito ay lalapitin ka ng malas. Mawawala ka kasi sa focus dahil puro away ang nangyayari sa bahay dahil sa pagmamanok mo.


                Sa huli, kahit naniniwala ka sa suwerte importante pa rin na naihanda nang maayos ang iyong manok. Hindi sapat na sabihin na may kasama ka namang lady luck. At least, matalo ka man ay ‘di ka manghihinayang dahil ginawa mo naman ang nararapat na gawin. 

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Lady Luck sa Sabong
Lady Luck sa Sabong
https://2.bp.blogspot.com/-OyttUTXxKAg/WoLL31Sm2KI/AAAAAAAAFoU/i2NuNm7kJL0PdLIy-jGzYnt-V1vxMjzOgCLcBGAs/s400/screen-19.22.38%255B13.02.2018%255D.png
https://2.bp.blogspot.com/-OyttUTXxKAg/WoLL31Sm2KI/AAAAAAAAFoU/i2NuNm7kJL0PdLIy-jGzYnt-V1vxMjzOgCLcBGAs/s72-c/screen-19.22.38%255B13.02.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/lady-luck-sa-sabong.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/lady-luck-sa-sabong.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy