Local Versus Imported na Manok

SHARE:

                                                    Noong ‘di pa nadidebelop ang pagmamanok sa bansa, mga mestiso, tagalog at iba pa na...

                                        

           Noong ‘di pa nadidebelop ang pagmamanok sa bansa, mga mestiso, tagalog at iba pa na lang noon ang sinasabong. Pero nang turuan tayo ng mga Amerikanong breeder ay umangat ang sabong sa Pilipinas. Buhat noon ay lumaganap na ang imported na manok. Sinasabi ng iba na nag-aangkat sila ng manok para ma-upgrade ang kanilang palahi.

            Matagal nang walang sabong sa Amerika, pero marami pa ring mga breeder ang nagpapalahi roon. Siyempre, bukod sa passion na ito ay negosyo rin ito para sa kanila. Kabilang ang mga Pinoy sa kanilang suki. Ang ilan ay nagpa-farm tour pa para personal na makapamili ng materyales.

            Pero ang tanong kaya bang makipagsabayan ng mga local breed natin sa imported na manok? Bakit kaya masyado pa ring bilib sa mga imported na manok angg ilan sa atin gayung marami namang puwedeng mapagkuhanan sa atin. ‘Ika nga ay kayang-kaya nating makipagsabayan sa kanila kung pagmamanok lang naman ang pag-uusapan. Ganito rin ang pananaw ng mga nasira nang sina Danilo Hinlo at Mayor Juancho Aguirre. Kumbaga, mas tangkilikin ang sariling atin bago ang sa iba.

            Wala namang masama kung mahilig ang isang breeder sa mga imported na manok at palagi nila itong binibida. Basta ba huwag lang kaligtaan ang manok na galing sa mga local breeder. Ang ilan naman sa kanilang mga manok ay may lahi ring imported na kanila nang dinebelop. Kung ang Pilipinas nga ang itinuturing na Mecca ng Sabong sa buong mundo, ‘di ba’t marapat lamang na maging proud tayo sa palahi ng mga Pinoy breeder?

             Marahil ang sasabihin ng iba, tinuruan lang tayo ng mga Amerikano. Kaya bang higitan ng estudyante ang kanyang master? Aba’y oo naman! Hindi na kasi estudyante ang mga dating tinuruan lang dahil marami nang nalalaman. At ang maganda pa, ang mga natutunan natin sa kanila ay inilapat natin sa ating sistema. Lahat naman kasi ay ‘di applicable sa atin.


            Sa totoo lang, bilib sa atin ang mga dayuhang magmamanok dahil sa husay nating mga Pinoy sa larangang ito. Napakadali natin kasing maka-adopt sa mga bagay-bagay. Bukod pa r’yan ay tuluy-tuloy ang sabong sa atin kung kaya’t nahasa tayo nang husto. Kayang-kaya nga nating tapatan o higitan pa ang kanilang mga manok pagdating sa laban. Hindi naman sa pinagbabangga namin ang mga Pinoy at Amerikanong breeder. Napag-uusapan lang...

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Local Versus Imported na Manok
Local Versus Imported na Manok
https://4.bp.blogspot.com/-EsP25o6vZnQ/WnWrksOLpJI/AAAAAAAAFeo/ovJAM1iYCxAR9Yw3lDlD4VqC1ghi1WwMgCLcBGAs/s400/DSC_0475.JPG
https://4.bp.blogspot.com/-EsP25o6vZnQ/WnWrksOLpJI/AAAAAAAAFeo/ovJAM1iYCxAR9Yw3lDlD4VqC1ghi1WwMgCLcBGAs/s72-c/DSC_0475.JPG
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/local-versus-imported-na-manok.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/local-versus-imported-na-manok.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy