Maging Patas na Sentensyador

SHARE:

                                       Hindi talaga biro ang maging sentensyador dahil delikado ang buhay mo. Hindi naman basta manok l...

                       

               Hindi talaga biro ang maging sentensyador dahil delikado ang buhay mo. Hindi naman basta manok lang ang hinahawakan dahil may tari ito. Sa kaunting pagkakamali lang ay tiyak na laslas ang hita o pulso mo. Na maaaring mauwi sa pagkakaospital at ang pinakamasaklap ay sa punerarya pa ang bagsak. Kaya ang ginagawa ng iba, naglalagay pa sila ng proteksyon sa kanilang pulso. Pero kahit meron nito ay puwede pa ring madisgrasya kapag napalo ng manok sa ibang parte ng katawan.

                Dahil nga sa delikado ang trabaho ng isang sentensyador, kinakailangan ng ibayong pag-iingat. Sabi nga ng mga sentensyador na aming nakausap. Kinakailangan ng presence of mind; hindi dapat tutulug-tulog. Siyempre, dapat ay maliksi ring kumilos. Hindi lang pagkilos, dapat ay mabilis din ang mata. Dapat ay marunong tumingin ng tukaan ng manok. Minsan kasi, may mga sentensyador na akala nila tumuka ang manok, ‘yun pala hindi naman.

                Ilang video na nga ba ng sentensya sa sabong ang kumalat sa social media dahil sa tingin ng mga sabungero ay ‘di patas ang hatol? Aba’y napakarami na! Reklamo nila, hindi raw agad dinadampot ang manok. Napakabagal kumilos imbes na makatuka pa ay nawalan na ng tsansa na manalo ang isang manok. Mayroon pa ngang video kung saan ay makikita na parang inihampas  o inihagis ng sentensyador ang manok nang karyuhin nito ang manok. Kapag ganito ang napapanood ng mga sabungero, ‘di maiiwasan na maghinala sila na niluto ang laban dahil may pusta ang sentensyador sa manok na pinaboran daw. Kung hindi naman ay mismong ang management ang may pusta.

                Pero sa bawat video na kuwestiyunable na lumalabas sa social media ay mayroon din namang iba ang pananaw hinggil sa nangyari. Para sa kanila, tama lang naman ang sentensya. Kahit sa tingin ng iba ay mukhang malasado. Baka naman iba lang daw ang anggulo ng kuha ng camera kung kaya’t parang iba ang nakikita lalo na’t kung kuha lang ito sa cellphone na mababa lang ang resolution. Siyempre, dito na magtatalu-talo ang ilan kung ano nga ba ang tama o hindi. May mga nangangantyaw pa sana pumasok sila bilang sentensyador para malaman nila kung paano gawin ang trabaho. Hindi ‘yung panay ang kritisismo nila.

                Nagkakaiba man ng pananaw ang mga tumitingin sa resulta ng laban, nagkakasundo sila na dapat kapag mabagal nang kumilos ang isang sentensyador dapat na itong magretiro. Ipaubaya na lang sa mga bata-bata na medyo malakas pa. ‘Di naman maaaring lahatin dahil meron ding mga beteranong sentensyador na kahit may edad na ay maliliksi pa ring kumilos. Mahirap daw kasi ang babagal-bagal dahil mahalaga ang bawat segundo kapag kinakaryo ang manok dahil dito nakasalalay ang kahahantungan ng laban.

                Kung sa tingin na mayroon talagang dayaan na nangyari ay puwede namang dumulog sa management para ma-review ang laban ng committee. Kapag napatunayan nilang may mali sa desisyon ay maaari nilang baliktarin ang hatol pabor sa nagrereklamo. Baka naman ‘di sinasadya ng sentenyador, honest mistake lang. Tao lang sila na nagkakamali ‘ika nga.

                Sa kabilang banda, hindi naman mawawala ang dayaan sa sabong. Ang masaklap nga lang kung mismong ang sabungan ang nandadaya. Maaaring umubra, pero hindi laging ganun lalo na’t malakas ang pang-amoy o matalas ang paningin ng mga sabungero. Kapag nagkaganun tiyak na ang sabungan din ang malulugi dahil uunti o mababawasan na ang maglalaban sa kanilang sabungaan. Kaya’t kung mayroon mang gumagawa ng ganito sana ay tigilan na dahil tiyak na babalik din ito sa kanila.

                Laging tandaan na ang trabaho ng isang sentensyador ay ang pagpapatupad ng patas at malinis na laban. Walang puwang dito ang panlalamang.


COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Maging Patas na Sentensyador
Maging Patas na Sentensyador
https://3.bp.blogspot.com/-EQx0a-_zlLM/WogjaO3ZfvI/AAAAAAAAFtw/niyNKO-NXdQaJ-vK3vauwJqzM_k76zfeACLcBGAs/s400/screen-20.39.12%255B17.02.2018%255D.png
https://3.bp.blogspot.com/-EQx0a-_zlLM/WogjaO3ZfvI/AAAAAAAAFtw/niyNKO-NXdQaJ-vK3vauwJqzM_k76zfeACLcBGAs/s72-c/screen-20.39.12%255B17.02.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/maging-patas-na-sentensyador.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/maging-patas-na-sentensyador.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy