Mga Bentahe Nang Pagpapalahi ng Manok sa Battery Cage

SHARE:

Photo Source: sabong.net.ph               Maraming mga magmamanok ang nagsasagawa ng battery type breeding lalo na ang mga backyard bre...

Photo Source: sabong.net.ph
             Maraming mga magmamanok ang nagsasagawa ng battery type breeding lalo na ang mga backyard breeder. Una dahil matipid ito sa espasyo. Hindi naman lahat sa atin ay kayang magtayo ng farm. Pero kahit naman malalaking breeder ay gumagamit din ng battery cage kagaya nina Doc Ronnie Magbalon, Art Lopez, Jap Gagalac at iba pa.

            Ayon sa mga mayroong farm na nasa bundok na gumagamit ng battery cage, naisipan nilang gamitin ito para mapadali ang kanilang pagbi-breed. Nahihirapan kasi silang magpalahi sa bundok dahil extreme ang panahon doon. Hindi kagaya kapag nasa battery cage ang inahin, kontrolado mo ang environment. Walang problema kung maaraw man o maulan dahil mayroon namang bubong.

            Maganda rin ang pagbi-breed sa battery cage dahil malilimliman ng inahin ang lahat ng itlog niya. Madali lang din malaman kung sino ang nanay o tatay nito. Kasi kapag nangitlog ang inahin ay andoon lang ang itlog. Kapag gawa naman ito sa galvanized steel, gugulong lang ang cage pababa. Hindi pa madudumihan ang itlog dahil ‘di naman ito sasayad sa lupa. Basta kapag may itlog na ay ayusin ang pagmamarka para ‘di magkamali sa pagtukoy kung  ano’ng bloodline nito.

            Kapag nasa labas ang mga inahin ay madalas silang mag-away-away lalo na kapag oras na ng pagkain. Dahil mga nag-aaway, nai-stress sila. Hindi pa balanse ang nakukuha nillang nutrisyon dahil mayroong nakakakain ng konti at meron din namang nakakakain ng marami. Eh, kapag nasa loob ng cage madali mo lang itong mapapakain at wala pang kaagaw.

            Isa pa, kapag nasa loob sila ng battery cage, ay malinis ang kanilang paa dahil ‘di naikakahig sa lupa. Kumbaga, 'di sila nakakapitan gaano ng mikrobyo.

            Sabi ng iba, ‘di ba kapag limitado lang ang kinikilusan ng inahin ay manghihina ang katawan nito? Hindi naman. Dahil ‘di masyadong  nakagagalaw ang manok ay nairireserba nito ang lakas para sa pangingitlog.

            Ang matrabaho nga lang sa ganitong sistema ay kapag pinapakastahan mo ang inahin sa broodcock. Ang iba, araw-araw na ginagawa ito. Pero ang sabi ni Doc Andrew Bunan, kahit isang beses mo lang ilabas ang inahin sa loob ng isang linggo ay puwede na.  Aabot daw kasi ng isang linggo bago mamatay ang semilya sa loob ng katawan ng inahin. Para makasiguro ka, puwede mong pakastahan ang inahin ng dalawang beses sa loob ng isang linggo.



            Wala namang problema kung gawa sa kahoy o bakal ang battery cage. Ang maganda pa rito ay puwede mong ilipat-lipat kung saan mo gustong i-puwesto. Ikaw kasabong, may battery cage ka rin ba sa manukan mo?

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Mga Bentahe Nang Pagpapalahi ng Manok sa Battery Cage
Mga Bentahe Nang Pagpapalahi ng Manok sa Battery Cage
https://3.bp.blogspot.com/-mBL5da9tJuc/Wo0ovAE_yJI/AAAAAAAAFw4/nYKDos7mX34peHKkMX9NDhxpUl2nHHEJwCLcBGAs/s400/aug12003.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-mBL5da9tJuc/Wo0ovAE_yJI/AAAAAAAAFw4/nYKDos7mX34peHKkMX9NDhxpUl2nHHEJwCLcBGAs/s72-c/aug12003.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/mga-bentahe-nang-pagpapalahi-ng-manok.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/mga-bentahe-nang-pagpapalahi-ng-manok.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy