Nagtutupada ka ba?

SHARE:

Photo Credit: Arnold Lopez Youtube Channel               Bagama’t nasa mahigit dalawang libo na ang sabungan sa buong Pilipinas ay ‘di ...

Photo Credit: Arnold Lopez Youtube Channel
             Bagama’t nasa mahigit dalawang libo na ang sabungan sa buong Pilipinas ay ‘di pa rin nawawala ang iligal na sabong na kung tawagin natin ay tupada. Sa ilang lugar ay mayroong tupada kada-linggo habang sa iba naman tuwing araw ng fiesta ay maluwag silang nakakapagsabong dahil may basbas ni kapitan.

            Mayroon tayong nakausap na nakakapagpa-tupada siya dahil may permiso o lagay siya sa kanilang barangay. Paano nga naman nila ito huhulihin? Maliban na lang kung mahina ang kapitan sa kapulisan tiyak na lulusubin din ito.

            Isa lang ang sigurado, masarap magtupada dahil ang manok na inaalagaan mo lang sa bakuran mo na paisa-isa lang naman ay mailalaban mo. Kapag nanalo ka ay sikat mo sa lugar mo at nagkakainteres pa na bumili ang ina sa iyo. Ang maganda sa tupada, wala nang entrance at entry fee gaya sa sabungan. Wala ring minimum ang taya. Saka ang mga parukyano ay mga kalugar n’yo lang at may pailan-ilan ding mga dayo. Dahil karamihan ay kakilala mo; kapag may nandaya ay alam mo kung saan pupuntahan. Kumbaga, wala itong ligtas. Siyempre, takot lang na gumawa ng kalokohan ang mga dayo.

            Masaya rin namang magtupada. Kung ano’ng aksyon sa loob ng sabungan ay ganito rin naman sa tupada. Maingay din kapag nagpupustahan at saglit na matatahimik kapag nagsagupaan na ang mga manok. Tapos bigla na namang iingay dahil itsi-cheer ang manok na pinustahan. Magkahalo ang excitement at kaba ‘ika nga. Ang maganda pa, ang natalong manok ay magiging bihag mo. Eh, ‘di may pang-ulam pa. Maliit lang naman ang pustahan sa tupada. Pang-masa kasi ito. Maliban na lang sa ilang lugar na malakasan ang taya kahit tupada lang.

            Hindi rin naman maaaring tawaran ang mga manok na makikita sa tupada dahil magaling din. ‘Di ba’t sinasabi na ang mga backyard breeder na rin ay maalam sa pagmamanok? Pero kantyaw naman ng iba sa derby nila ilaban ang manok na nasa tupada. Ewan na lang nila kung makasabay pa ang mga ito. Pero ipinagkikibit-balikat na lang ito ng mga nagtutupada. Ang importante kasi sa kanila ay nag-i-enjoy sila sa kanilang ginagawa. Isa pa, nagsisilbi itong bonding ng mga magkakaibigan, magkakapitbahay o magkakalugar. Dahil sa tupada ay mas lalong tumitibay ang kanilang samahan.

            Kung nagtutupada ka, marahil ay naranasan mo na ring tumakbo habang hinahabol ng pulis. Kanya-kanya ng puslit. Mayroong makatakbo akala mo atleta dahil sa bilis. Oo nga naman mahirap na ang maabutan dahil kailangan pang magpiyansa kapag nakulong. Hassle nga naman. Mayroon pa nga dumadaan sa bubong ng kapitbahay para lang makatakas. Mayroon ding nagtatago kung saan para lang ‘di makita ng pulis.


           ‘Di namin inirirekomenda ang tupada dahil labag nga ito sa batas dahil walang nakukuhang buwis dito ang gobyerno. Pero ‘di rin naman maikakaila ang katotohanan na nagkalat ito saan mang lupalop ng Pilipinas. Patunay lang na napakaraming nagmamanok sa Pilipinas at gagawin ang lahat para lang mairaos ang hilig, mapa-sabungan man o sa tupada!

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Nagtutupada ka ba?
Nagtutupada ka ba?
https://3.bp.blogspot.com/-W5uZPMaTi34/WoUJVzUR7UI/AAAAAAAAFq4/xFjlsUoATTEgwvGoo2dODw4TCGhfxxnFACLcBGAs/s400/maxresdefault.jpg
https://3.bp.blogspot.com/-W5uZPMaTi34/WoUJVzUR7UI/AAAAAAAAFq4/xFjlsUoATTEgwvGoo2dODw4TCGhfxxnFACLcBGAs/s72-c/maxresdefault.jpg
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/nagtutupada-ka-ba.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/nagtutupada-ka-ba.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy