Pagkatalo sa Sabong, Kaya Mo bang Ipangalandakan sa Social Media?

SHARE:

                                           Sa isang forum ng mga sabungero sa Facebook ay may nagbukas ng topic na bakit di raw ipinu-pos...

                             
            Sa isang forum ng mga sabungero sa Facebook ay may nagbukas ng topic na bakit di raw ipinu-post ang video ng karamihan ng mga sabungero kapag sila ay natatalo? Puro panalo lang kasi ang mga ipinapakita nila, paano naman ang talo? Tila may tono nang panghahamon ang ganitong klase ng katanungan.

            Simple lang naman ang kasagutan sa tanong na ito. Siyempre, hindi mo naman maipamamalaki kung talo ang naging laban mo. Pinu-post mo ang panalo, hindi lang para makapagyabang, proud ka lang dahil nagkaroon ng bunga ang ginawa mong pagsisikap. Inaalagaan mo ang manok mo mula nang ito ay itlog pa lamang hanggang sa puwede na itong isabak sa ruweda.

            Isa pa, sino ang may gusto sa talunan? ‘Di ba’t halos lahat naman ay gusto ng winner? Hindi ka magpu-post ng talo lalo na’t isa kang commercial breeder dahil ang gusto mong ipakita sa publiko ay nagpapanalo ang iyong mga manok. Wala naaman sigurong masama rito dahil bahaggi ito ng marketing strategy. Kung panay post mo naman ng mga talo mo, malamang ay ‘di na sa iyo bibili ang kostumer. Iisipin kasi nila na talunan naman pala ang iyong manok.

            May mga nagsasabi na kaya puro panalo ang kanilang ipinu-post ay dahil gusto nilang kalimutan ang kanilang pagkatalo. Hindi naman sa ‘di nila ito matanggap. Gusto lang nilang maiwasang malungkot uli dahil maaalala nila ang manok nila na nasawi sa laban. Nahihiya rin sila lalo na kung tumakbo ang kanilang manok sa laban.

            Sa totoo lang, ‘di namang masamang matalo sa laban dahil bahagi na ito ng anumang isport. Pero may nakausap tayo na isang breeder na nagsabi na kahit talo ang kanyang laban ay ipinupost pa rin nito ang video sa kanyang Facebook account. Gusto lang niyang maging transparent kaya naglalabas niyang ganito. Bagama’t iba ang pananaw ng karamihan hinggil sa ganitong usapin. Hindi naman ito nakaapekto sa kanyang mga kostumer para ‘di na tangkilikin ng mga ito ang kanyang manok.

            Sa huli, huwag nating ikahiya ang pagkatalo dahil dito tayo natututo. Hindi naman pupuwede sa sabong ay ‘di ka na matatalo dahil wala na sa iyong gustong lumaban niyan. Pero kung pagpu-post ng video sa social media, nasa sabungero na kung gusto niyang ipakita ang kanyang pagkatalo o hindi. Kung magpu-post lang ng panalo ay huwag masyadong magyabang na para bang ‘di na natatalo ang manok.

            Talo man o panalo, i-enjoy lang ang sabong!

COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Pagkatalo sa Sabong, Kaya Mo bang Ipangalandakan sa Social Media?
Pagkatalo sa Sabong, Kaya Mo bang Ipangalandakan sa Social Media?
https://2.bp.blogspot.com/-aEWLoI-jnfU/WowcydgTKSI/AAAAAAAAFwY/HxiOfFHF66U972CN-1cD2jkShQ5pxW6wwCLcBGAs/s400/IMG_0213.JPG
https://2.bp.blogspot.com/-aEWLoI-jnfU/WowcydgTKSI/AAAAAAAAFwY/HxiOfFHF66U972CN-1cD2jkShQ5pxW6wwCLcBGAs/s72-c/IMG_0213.JPG
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/pagkatalo-sa-sabong-kaya-mo-bang.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/pagkatalo-sa-sabong-kaya-mo-bang.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy