Sabong sa Panahon ng Social Media

SHARE:

                                           Sadyang napakalaki nang naiambag ng internet para lalong lumakas ang industriya ng sabong sa...

                          

                Sadyang napakalaki nang naiambag ng internet para lalong lumakas ang industriya ng sabong sa Pilipinas. Hindi lamang mga Pinoy ang naaabot nito kundi pati na ring ang mga dayuhan na nasaan mang lupalop ng mundo. Namamangha sila dahil buhay na buhay ang sabong sa Pilipinas. Dahil dito, ang ilan pa sa kanila ay pumupunta sa bansa natin para aktuwal na masaksihan ang sa internet lang nila napapanood. ‘Di ba’t napakaganda ng sabong dahil nakatutulong din ito sa pagpapalakas ng turismo?

                Dahil sa internet ay napakadali na nga komunikasyon. ‘Di katulad ng araw na pahirapan pa ang pagtawag-tawag. Ngayon, maaari nang ma-monitor ang manukan kahit araw-araw. Kahit ipa-video mo pa sa nasa Pinas ay walang problema. Kaya naman napakaraming mga nasa abroad ang patuloy pa ring nakakapagmanok kahit nasa malayong bansa sila. Sa kanila pa rin naman nanggagaling ang instruction at susundin na lang ito nang pinagkakatiwalaan sa manukan.

                Dahil sa internet, ang maraming sabungan ay nagkaroon na ng live streaming. Nang mauso ito tuwang-tuwa ang mga OFW dahil kahit nasa ibang bansa sila ay nakapapanood na sila ng sabong. Nawawala o nababawasan diumano ang kanilang pagka-homesick at pangungulila sa pamilya. Kung may laban sila sa Pinas at may live streaming ang laban, nakikita nila kung maganda bang lumaro o hindi ang kanilang manok.

                Kaakibat ng live streaming ang pagsulpot ng online sabong. Maaari ka nang makapanood ng mga laban na ikinu-cover nila. Siyempre, makakapusta ka na rin na para bang nasa loob ka ng sabungan. At ang natutuwa pa ay mga naggagandahang  CSR ang mag-a-assist sa iyo.

                Mas lalong umingay sa internet ang sabong nang pumutok ang Facebook. Pinatahimik nito ang mga forum website dahil sa FB lang ay marami ng grupo ng mga magmamanok. Mag-search ka lang at napakaraming grupo ang lalabas. Mayroong tungkol sa bentahan ng manok, may samahan ng mga mananari, etc. Talaga namang napakaaktibo ng mga miyembro na masayang nagbabahagi  at nagpapalitan ng kaalaman tungkol sa pagmamanok.

                Mag-ingat nga lang kapag bumibili ng manok online dahil maraming bogus seller. Gumagamit lang sila ng picture ng may picture ng manok. Mahirap silang ma-trace dahil posibleng ang ginagamit nilang account ay bogus din. Ang iba ay ginagamit pa ang pangalan ng mga kilalang breeder para lang makapambiktima. Mayroong gumagaya kay Bernie Tacoy, Abello at kung sinu-sino pang personalidad sa sabong.

                Marami ring mga breeder na sumikat sa Facebook dahil dumami ang kanilang likes o followers na umabot nan g libu-libo. Nagpu-post kasi sila ng kanilang mga laban at maraming mga nagla-likes at nagsi-share. Dahil dito, lumakas din ang kanilang benta. Sinasabing ang Facebook ay great equalizer dahil binibigyan din nito ng pagkakataon ang mga ordinaryong tao na makilala ng madla. Kaya't 'di nagpapahuli ang marami, mapa-farm man o sabungan ay merong fan page!

                Kalakip na rin ng pagsikap ng Facebook ang mabilis na pagdaloy ng impormasyon.Madaling malaman kung sino ang nanalo sa malalaking derby o ano ang latest sa sabong.  Isang click lang kasi ay makakapagbasa ka na ng mga article o ng balita. ‘Di mo na kailangan maya’t maya ay i-search sa Google ang paborito mong website o blog. Kung follower ka ng isang page ay inihahain na sa harap mo ang link, pipindutin mo na lang. Siyempre, ang Sabong Ngayon blog ay produkto rin ng social media dahil mga Facebook user ang mambabasa nito kabilang ka na nagabasa ng article na ito.  Salamat sa suporta. Asahang marami pa tayong mga article tungkol sa sabong na pagsasabong.


COMMENTS

Name

Bloodlines,3,Breeding,1,Business and Livelihood,3,Derby Tips,1,Egg Handling,1,Events,6,Featured Breeders,8,Health,2,News,27,Press Release,1,Videos,6,
ltr
item
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine: Sabong sa Panahon ng Social Media
Sabong sa Panahon ng Social Media
https://2.bp.blogspot.com/-9XFmx-zGM34/WoZBi8Rr_-I/AAAAAAAAFrY/QjFzeF8p6REj0-KUM4QcNl-heNfL4plbACLcBGAs/s400/screen-10.25.02%255B16.02.2018%255D.png
https://2.bp.blogspot.com/-9XFmx-zGM34/WoZBi8Rr_-I/AAAAAAAAFrY/QjFzeF8p6REj0-KUM4QcNl-heNfL4plbACLcBGAs/s72-c/screen-10.25.02%255B16.02.2018%255D.png
Sabong Ngayon - Sabong Online News Magazine
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/sabong-sa-panahon-ng-social-media.html
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/
http://www.sabong-ngayon.com/2018/02/sabong-sa-panahon-ng-social-media.html
true
4436309096800781767
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy